Chapter 10.2

394 16 1
                                    

"And...one, two, three, four, five, six, seven...Cassie mali ang ikot mo." narinig ni Cassie si Cleo kaya tumigil siya. Tiningnan niya sina Geri at Amber at sinundan ang dance steps na ginagawa ng mga ito. Ngunit muli siyang nalito.

"From the start!" sigaw ni Cleo at ini-off nito ang music. Bagsak ang balikat nilang tatlo. Pawisan na sila at pagod na pagod na. Kung hindi lang special event ang gaganapin sa Roxy ay liliban muna siya sa rehearsal nila. Ngunit alam niyang magagalit si Cleo sa kanya pati na si Roxanne. Wala kasi si Thia dahil may sakit ito at nanatili sa Lou' Room'd.

"Cas, problema?" Ani Cleo habang papalapit sila dito. Iniahagis nito isa-isa sa kanila ang Gatorade. Halos sabay-sabay silang pasalpak na naupo sa wooden floor ng studio.

"Wala." Simple niyang tugon. Tumabi siya kay Geri.

"Kanina ka pang sumasablay, ha. Pagod na 'ko sa kauulit. Pasaway naman kasi 'tong si Cleo." Ani Geri.

"Hmm, sinisi pa 'ko. 'Yang katabi mo kastiguhin mo." Reklamo ni Cleo.

"Ano bang ganap, Cassie? Nagkakalabuan na ba kayo agad ni Lourd? Wala pa ah." Si Amber.

"Wala na." Umiiwas niyang tugon.

"Hay naku. Heto na naman tayo. Back to in denial stage." Natatawang komento ni Geri.

"I'm serious. Wala na. Malabo nang mangyari ang sinasabi n'yo." Giit niya.

"Okay, fine!" Si Cleo at lumipat ng upo paharap sa kanya. Inayos nito ang paa niya nang pa-lotus position. "Anong problema? 'Yong counseling mo ba?"

Bumigat bigla ang pakiramdam ni Cassie. Iyon ang ayaw niya sa mga ito. Masyadong alam ng mga ito ang lahat sa kanya kaya hindi niya alam kung paanong maglilihim sa mga ito. Masyado rin siyang kilala ng mga ito upang hindi siya piliting magsabi sa mga ito.

"No." unti-unting namumuo ang luha niyang sagot.

"So, balik tayo kay Lourd." Si Geri na nakadikit na sa kanya. Pinagitnaan na siya ng mga ito na ibig sabihin ay hindi na siya makakawala.

"It's my father." Basag ang tinig niyang saad.

"What?! Don't tell me nakalaya na s'ya?" bulas ni Amber.

Umiling siya at nagbaba ng tingin. "Hindi. I mean my real father."

"Oh." Pabuga ng hanging sambit ni Geri.

"Nakilala mo na s'ya?" puno ng interes tanong ni Cleo. Naluluha siyang tumango.

Kinausap niya ang kanyang lolo't lola pag-uwi sa bahay pagkagaling niya sa Pasig. She had to confirm. Sa kaibuturan ng kanyang puso ay umaasa siyang mali ang lahat ng sinabi sa kanya. Inisip niya na isang masamang paniginip lamang iyon. Hindi niyang kayang tanggapin na iisa ang ama nila ni Lourd. Ayaw pumayag ng puso niya. Ng buong pagkatao niya. Ngunit hindi itinanggi ng mga ito ang katotohanan. Inulit lang ng mga ito ang sinabi ni Judge Fortes. Totoong ito ang ama niya. Kaya lumantad sa kanya ang isa pang masakit na katotohanan: Hindi niya maaaring mahalin si Lourd sa paraang nais ng puso niya. Kapatid niya ito!

"Eh, bakit parang hindi ka masaya? What's wrong?" Si Amber.

"Si Judge Romero Fortes ang tatay ko." May hapdi niyang saad.

"H-huh? Ano? Fortes? Meaning ang daddy ni Lourd ang...ta...tay mo?" tila nanghihinang bulas ni Geri.

"Okay ka lang?" Ani Cleo at inabot ang kamay niyang balot pa rin gloves. Noon na tumulo ang luha niya.

"Cas..." Si Amber saka siya inabot at niyakap. It was what she badly needed. A tight hug. Hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang damdamin niya. Nagtatalo ang isip at puso niya. Ayaw pumayag ng puso niya dahil mahal na mahal niya si Lourd. In fact, matagal na niyang mahal ito. Ngunit umaagaw ang isip niya dahil sa masakit na katotohanan.

"Alam na ba ni Lourd?" tanong ni Geri. Umiling siya habang nasa bisig ni Amber.

"Oh, God...this is shit big time." Komento ni Cleo. Halata ang pag-aalala.

Nakarinig sila ng tunog ng cellphone. Alam niyang kanya ang tumutunog. Kumilos sila. Si Geri na ang kumuha ng cellphone niya dahil ito ang malapit sa bag niya. Ito na rin ang tumingin sa screen.

"Shit." Usal nito at ipinakita sa kanila ang screen. Si Lourd ang tumatawag sa kanya. Ngumiwi siya sabay muling iyak. Pangatlong tawag na iyon ni Lourd sa araw na iyon.

Mabuti na lang at nasa Singapore ito para sa isang malakig project ng LinkMusic. Hindi siya nahirapang umiwas dito. Ngunit isang linggo lamang itong sa ibang bansa. Sa palagay nga niya nasa nakauwi na ito. Kaya marahil nakakatawag na ito sa kanya.

"When was the last you talk to him?" tanong ni Amber.

"Isang linggo na." panay singhot niyang tugon.

"Damn, magtatanong na nga 'yon." Si Geri ulit.

Patuloy ang ring. Walang kumilos sa kanila. Ayaw niyang sagutin iyon. Lalo lamang siyang masasaktan kapag narinig ang boses nito. Hanggang sa matapos ang ring. Sumuko na marahil si Lourd.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon