Ginising ng marahang haplos ng hangin si Cassie. Iminulat ang mga mata at nasilip ang nakabukas na bintana. At napansin niyang mataas na ang araw.
Bumangon at inunat ang sarili kasabay ng isang hikab. Nanatiling nakaupo si Cassie sa kama at pinagmasdan ang sariling silid. Underwater inspired ang kwarto niya. Aqua green ang buong kwarto ngunit asul na lahat ng gamit. Mula sa bedsheet hanggang sa kurtina. Lumanghap siya ng hangin bago tumayo. Kinuha ang robe at ibinalot sa sarili.
Pumasok siya banyo upang maligo at pagkatapos ay bumaba suot ang sports short at itim na blouse at tulad ng nakasanayan, isang black fingerless cotton gloves upang mag-almusal. Ngunit imbes na sa kusina tumungo ay lumabas siya sa hardin.
Naroroon ang kanyang lola na nakagardener gloves at may hawak na pruner. Ginugupit nito ang ilang bahagi ng halaman.
"Good Morning, Granma!" masayang bati niya sa matanda. Lumapit siya dito sa humalik sa pisngi.
"Morning." sagot nito na tinanggap ang paghalik niya.
"Si Granpa?" tanong at umupo sa wooden bench malapit dito.
"Nasa taas at nagbibihis. Paalis siya pauwi ng Bukidnon." sagot nito habang patuloy na nagpuputol ng halaman. Hilig ng mag-asawa ng paghahalaman.
Natapos ng BS Agriculture ang lola niya. Ang lolo naman niya na kahit isang retiradong propesor ay mahilig din sa halaman.
Flower business ang pinagkakaabalahan ng pamilya ni Cassie. Ito ang bumubuhay sa kanila sa loob ng dalawampu't limang taon. Ang Nature Farm ay nagsimula pa sa Bukidnon. Naroon ang pitong ektaryang farm na nag-aalaga ng may isang daang variety ng bulaklak. They were competitive wholesaler and retailer of flowers and foliage. May ilang branch na ito sa Metro Manila. Siya ang namamahala sa Alabang at Makati.
Tubong Bukidnon ang pamilya ni Cassie. Naroroon ang malaking property ng kanyang pamilya. Bukod sa flower farm ay naroon din ang ekta-ektaryang taninam ng pinya na dinadala sa malaking plantation ng gumagawa ng inumin. Agriculture was their main wealth. Hindi man sila ang pinakamayamag pamilya sa bansa, masasabi naman na makaling bahagi ang negosyo nila ng ekonomiya ng bansa.
Kahit paano ay maalwan ang buhay ni Mara Cassandra. Kaya nagagawa pa niya ang isa pang trabaho na gustung-gusto niya, ang pagiging 'Xquizit. Isang sikat na dance troupe ng sikat na superclub sa bansa na Roxy City Superclub. Isa itong joint venture ng dating sikat na modelo na Roxanne Roswell at ng LinkMusic Inc. na pag-aari ni Lourd Kristof Fortes, sikat na producer sa music industry sa bansa.
Passion ni Cassie ang pagsasayaw. Apat na taon siya nang i-enroll ng kanyang ina sa isang ballet class na doon na nagsimula ang hilig niya sa pagsasayaw. Hanggang mag-high school ay member siya dance club ng ekswelahan. Naging miyembro din siya ng theater club. Nang magkolehiyo ay nakilala niya sa Amber Chua na mahilig din sa pagsasayaw. Naging malapit sila sa isa't-isa. Naging hang-out nila ang Roxy City at nakilala ang may-ari noon na si Roxanne. Nakarating sa kanila na plano nitong magbuo ng isang dance troupe kung saan myembro ang magagaling na dance artist na pamumunuan ng magaling na choreographer na si Cleo Rubio. Na-engganyo sila ni Amber kaya nang kausapin sila ni Roxanne ay pumayag silang mag-audition. Sa kasalukuyan ay tatlong na taon na ang 'Xquizit.
"Bakit biglaan naman yata?" tanong niya. Nakasandal siya sa bench at paminsan-minsan ay naghihikab. Kahit nakapaligo na ay inaantok pa rin siya. Ngumiti ang matanda at hinarap siya.
"Namimiss na daw niya ang mga pinsan mo doon. At saka gusto niyang kausapin ang Uncle Ruben mo dahil balak naming magtayo ng bagong branch." paliwanag nito. Muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...