Chapter 4.3

457 21 0
                                    

"Cassie?" gulat na pangingilala ni Lourd sa bumangga sa kanya mula sa likuran.

"Oh, Hi, Lourd. Kumusta? Sorry, nabangga kita." Nakangiti nitong sagot.

"Okay lang." Tugon niya at lalo naman itong ngumiti.

"So, bakit narito ka? May date? Anong nangyari sa'yo?" panay tanong nito.

"Wala 'to. Just some boys fight." Sagot niya sa huling tanong nito dahil napansin nito ang sugat niya sa gilid ng bibig niya.

Ngumiti ito. He found Cassie very classy and pretty. Noon lamang niya ito nakitang walang make up. And he seemed to like it better. Maganda ito, hindi maikakaila. Ngunit iba ito kung tingnan nang oras na iyon.

Nakilala niya ito nang mabuo ang 'Xquizit. Si Roxanne ang nagpakilala sa kanya dito at kay Amber tulad ng ibang naging miyembro ng troupe. Ngunit hindi naman sila naging malapit sa isa't-isa. Si Roxanne ang humahawak sa mga ito. Mas tutok niya ang Private Roxy, ang VIP room sa club. Sa ipinatayo niyang two-storey manor na Lou' Room'd. Para iyon sa mga eksklusibong member ng club na gustong magkaroon ng suite. Sinusuybayan din niya ang mga artists ng club na regular ang gig sa Roxy.

Hindi siya naghahanap ng artist nang mga panahong binuo ang Xquizit. Mas gusto niyang maging live band jamming ang tema ng club ngunit palibahasa'y pangalan ng babae ang Roxy, naisip nila na mame-maintain ng club ang mas malaking market. Ginawa lamang niyang mas modern at innovative para hindi maging low class. Idagdag pa na si Roxanne talaga ang may gusto noon.

"I just visited my friend. May tattoo clinic siya sa third floor. How 'bout you?" dugtong niya. Magkapanabay sila na naglalakad.

"Tiningnan ko lang ang shop." sagot nito.

"Shop?" napahinto siya sa paglalakad at hinarap ito.

"Yeah." tatangu-tango nitong sabi. "A flower shop."

"Ah." tanging sagot niya. "Matagal na tayong magkakilala pero hindi ko alam na may iba ka pa lang pinagkakaabalahan."

"Talaga? Baka nakalimutan mo lang na alam mo." Sagot nito.

"Really? Alam ko na ngayon." Komento niya. Napatawa ito. "Wala ba kayong gimik nina Amber?"

"Wala naman. Alam mo naman mga 'yon, busy. Dapat magkikita kami ni Geri kaso biglang may lakad."

Tumangu-tango si Lourd saka nabigla nang naramdaman sa braso niya ang braso ni Cassie.

"Snack tayo." nakangiti nitong sabi sa kanya. Nakadikit ang katawan nito sa kanyang tagiliran.

He looked at her. Nakatitig ito sa kanya. Sa ilang taon niyang kilala, ngayon lang niya napansin na maganda ang mga mata nito. She has a pair of long eyelashes. Sa magkakaibigan ay ito ang pinakamakulit. Madalang niya itong makitang nakasimangot. Sa tingin nga niya ay parang naglalaro lang ito sa buhay. A little tease and flirt but cute.

He got turned on the closeness of her. Nararamdaman niya ang dibdib nito sa kanyang brasong yakap nito. She was so sweet and innocent kaya hindi nito alintana ang posisyon nila. She was just being friendly.

"Are you sure you?" he gently asked trying to control not kiss her. What? Kiss her? Naalala niya ang nangyari may dalawang linggo na nakakaraan. Aksidenteng naglapat ang mga labi niya. Lihim siyang napangiti. Saka naisip ang lambot na labing humalik sa kanya.

He saw her eyes glitter with admiration. And he got confused suddenly and cannot took his stare off her. At pakiramdam niya ay ganoon din ito.

"Of course." tumatawang sabi nito sabay hila sa kanya.

"Saan?" tanong niya sa dalaga. She was still holding his hand. Nagpauna ito at paatras na naglakad dahil nakaharap ito sa kanya.

"I love coffee." sabi nito sa kanya sabay turo sa Bo's Coffee.

Magkasabay silang naglalakad at kung iba ang makakakita sa kanila ay aakalaing magkasintahan sila dahil hindi binibitawan ni Cassie ang kamay niya. And he liked what she was doing. Hindi niya maintindihan kung bakit.


----

Hindi makapaniwala si Cassie na kasama niya si Lourd. Ngunit hindi niya kayang palampasin ang pagkakataon na makausap ito nang matagal. She was really praying for a chance like this. And she was very excited.

Ilang taon na pagkakakilala nila. Halos maituring na ring magkaibigan. Hindi nga lamang malapit sa isa't-isa. At sa panahong iyon, kasabay na naalagaan ang isang lihim na pagtatangi. Noon pa man ay may nararamdaman na siya para sa binata. Hindi lamang niya masabi iyon dahil sa takot na mapahiya dahil alam naman niyang wala itong pagtingin sa kanya. Idagdag pa sa takot niya na hindi nito matanggap ang nakaraan niya.

Sa bawat malalaman niyang may girlfriend ito ay nasasaktan at naiinis siya. Madalas ay naiisip niya na siya na lamang sana ang niligawan nito. Siya na lamang sana ang minahal nito. Ngunit madalas ding hindi nangyayari iyon.

Ngunit kahit ganoon pa man, hindi niya magawang magmahal ng iba. Kahit na nariyan ang mga gusto manligaw sa kanya. Sinubukan naman niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili na magmahal ng iba. Ngunit sadyang si Lourd lamang ang nasa puso niya. Hindi niya alam kung bakit at ayaw na niyang alamin.

At kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gagawin niya ang lahat upang mapansin nito at magawa niyang makapasok sa puso nito. Upang maging siya ang itinatangi nito. Sana ay mangyari nga iyon. Hiling ng puso niya.

"Pwedeng magtanong?" tanong niya sa binata. Nakaangat ang kilay itong nakatingin sa kanya.

"Bakit wala na kayo ni Amanda?" painosente niyang tanong sabay higop sa kanyang paboritong blended iced coffee na Froccino Caramelo.

"It didn't work out, gano'n." sagot nito. He sipped his freshly brewed tea.

'Ang sexy niyang uminom.' Aniya sa sarili. Mahina siyang umubo upang maitago ang kakaibang sensasyon nang makita niya ang ginawa nito.

"It's better that way. Nagkakasakitan lang kami. Ikaw, wala ka bang boyfriend ngayon?" dagdag nito. Iling lang isinagot niya habang maganang humigop muli.

"Why?" pangungulit nito.

"Because..." she answered and rolled her eyes. Napatawa ito.

"Ikaw ang pinakamaraming admirer sa 'Xquizit. Amber told me that." patuloy ni Lourd.

Biglang gustong mabulunan ni Cassie sa narinig. Hindi niya napigilan ang mapatawa. She was flattered but a bit insulted. Baka isipin nito na palikera siya.

"Si Amber talaga." naiiling at tumatawa na sabi niya.

"Bakit? Totoo ba?" nakangiti nitong tanong. Hinimas-himas pa nito ang goatee nito.

"Ikaw na ang bahalang mag-isip." balewala niyang sagot. "Basta ako-"

Naputol ang sasabihin niya dahil biglang nagring ang cellphone niya. Kinuha niya ang phone mula sa bag at nakita niyang landline sa bahay ang nakarehistro doon.

"Excuse me." hingi niyang permiso sa binata upang sagutin ang tawag. Tumango si Lourd bilang tugon.

"Hello...yeah. Uuwi na 'ko. Wait for me." Nakangiti niyang sabi dito. Hindi na niya hinintay na sumagot pa ito at nagmamadaling ibinalik ang phone sa bag niya.

"Lourd, I'll go ahead." baling niya sa binata habang tumatayo.

"Ah...okay. I can see that it's urgent." sabi nito na inayos ang upuan na para umalis na rin.

"Kailangan ako sa shop sa Makati." nagmamadali niyang sagot.

"Gusto mong ihatid kita?" agap nito.

"No. I have a ride. Thanks anyway." sabi niya at lumakad palabas ng store. Nakakailang hakbang pa lang siya nang biglang hinila siya ng kung ano pabalik sa binata. She quickly grabbed his neck and kissed him on the lips.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon