"And I thought that this is our agenda, but what are these gorgeous guys doing here?" Napatingin si Cassie kay Amber. Wala sa kanilang magkakaibigan ang atensyon nito. Nakatingin ito sa labas at tila bumilang na ng segundo itong naroroon.
Nasa rooftop sila ng Roxy kung saan naroon ang kanilang apartment. Ipinagawa iyon ni Roxanne para sa kanila. Doon sila madalas tumambay kapag walang trabaho sa Roxy. Fully furnished iyon at kumpleto sa gamit.
Sabay-sabay nilang sinundan ang tingin ni Amber. Bumungad sa kanila sina Jared at Lourd. Both wearing their style casually, attractive and handsome on their own ways.
Cassie's heart immediately jumped and she felt tiny tickles in her tummy. Jared was simply casual in his maroon shirt and faded jeans. Minsan na rin niyang tinangkang kuhanin ang atensyon nito ngunit tila sadyang nakalaan kay Kathryn ang lalaking ito. But Lourd looked very manly and sexy wearing checkered short sleeves polo and a black t-shirt underneath. It seemed like his looked ingratiate with his character.
'Ang gwapo niya talaga.' gustong isigaw ni Cassie.
"Hi." Kaagad na bati ni Jared nang makapasok ang mga ito at lumapit sa kanila.
"Bakit naliligaw kayo dito?" Takang tanong ni Kathryn matapos tanggapin ang halik nito kahit na halatang nagulat ito.
Nagkatinginan sila ni Amber. Pati si Cleo na dapat ay susubo ng pizza ay natigilan din sa ginawa ni Jared. Walang sinasabi si Kathryn sa kanila kung may namamagitan man sa mga ito. Biniro pa nila ni Amber si Kathryn ngunit tumanggi naman ito.
"Ehem." Makahulugang umubo si Cleo sabay paglipad ng tingin sa kanya. Napangiti siya sabay iling. Mukhang wala nang lusot si Kathryn sa kanila.
"Meeting namin 'to ah. Bakit nag-i-envade kayo?" Biro ni Cleo kunwa'y hindi napansin ang ginawa ni Jared.
Pumuwesto si Jared sa likod ni Kathryn hawak ang isang kamay nito. Samantalang si Lourd ay umupo sa stool sa likuran niya. Lihim siyang napaismid. Hindi niya ito makikita. Hindi naman siya makalingon dahil sa kabang nararamdaman.
"Don't worry girls, hindi naman kami magtatagal. Magpapaalam lang ako kay Kathryn." natatawang sagot ni Jared.
"Saan kayo pupunta?" Lalong kumunot ang noo ni Kathryn.
"May tournament ulit ang club. Hindi ko nasabi sa'yo kaagad. May practice kami nina Lourd." Member ang mga ito ng isang club ng mga billiards enthusiasts. Taun-taon ay nagakakaroon ng tournament ang mga ito.
Lumipad ang tingin ni Kathryn sa pinsan nito na noon ay nasa likuran lamang niya. Narinig niya ang pagtawa ni Lourd.
'Oh God! I'm sure ang cute n'ya sa tawang 'yon.' Impit na sabi ng puso niya.
"Workaholic kasi masyado si Jared kaya paglalaruin ko muna. Bago man lang s'ya sumabak sa senatorial candidacy n'ya." Sabi ni Lourd.
"Okay." Sagot ni Kathryn.
"Now." Si Lourd ulit. "Kaya ako talaga dumaan dito ay para i-annouce sa inyo na mapi-feature ang Roxy City sa MuNt Magazine."
"MuNt, as in the music magazine?" Cleo snapped.
"Yes. Ang totoo n'ya, nag-usap na kami ni Roxanne via skype. She was very excited but as we all kow, hindi s'ya makakarating. So..."
Si Cassie ay naririnig ang bawat usapan ngunit nananatiling tahimik dahil bukod sa tila napapaso ang kanyang likuran ay naiirita siya sa di malamang dahilan.
She extended her hand to stroke her hair. Pero nakalimutan niyang nakapusod ang kalahati ng buhok niya at di sinasadyang nalaglag ang pony tail niya.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...