Chapter 11.2

407 15 1
                                    

"Anong bago sa'yo, Master Lourd?" nakanigsing tanong ni Hannah sa kanya. Kasalukuyan silang nasa deck sa likod bahay at magkakaharap sa mahabang wooden dining table. Doon ay matatanaw ang magandang tanawin na taal volcano. Nasa kanan niya si Lottie at katapat niya si Hannah. Katabi naman ni Lottie ang mommy nito at katapat ang asawa nito na si Marvin Alicante, an intimidating lawyer just like her father and her sister. Katabi nito ang bunso ng mga ito na nasa convertible crib.

Sa kabisera ay ang mama niya. One particular question that bothered him was that why his father was not around. Nasaan ito? Nagulat siya kanina nang sabihin ng mama niya na hindi nito kasabay ang kanilang ama na umuwi ng Tagaytay. Naiwan daw ito sa opisina at may aasikasuhin pa.

"Nothing really interesting." Sagot niya sa kapatid. Sa mesa ay sari-saring pagkain ang nakahayin.

"Mommy I want water." Singit ni Lottie. Puro na amos ang mukha dahil sa fresh fruit salad na kinakain nito.

"Lourd please give her water." Utos ni Andrea.

"Here, sweetie." Sabi niya habang sinasalinan ng tubig ang baso nito.

"Kumusta ang label mo?" Tanong ni Justin na noon ay nilalro-laro si Enzo habang kumakain din.

"It's doing well. Hey, Ate I need the legal papers for my artists." Baling niya sa kapatid.

"Sa Papa ka magsabi." Sagot nito at sinalinan ng salad ang plato ng anak.

Aabutin sana niya ang natitirang putol ng morcon ng tampalin ng mama niya ang kamay niya.

"Huwag mong kamayin 'yan, Kristof." Saway nito. Napatingin siya dito at hindi nakaligtas sa kanya ang tila balisa ang mga mata nito. Parang nagpipigil din ito ng galit.

Inabot ni Lourd ang serving spoon at kinuha ang morcon. Ngunit sa likod ng mga ngiti at kwentuha nila ay nararamdaman niya ang tensyon. Pasimple siyang tumingin kay Andrea. Nagtapon din ito ng tingin sa kanya.

"Nasaan ba talaga ang papa?" tanong niya sa lahat.

"May inaasikaso lang. And besides, he is on his way." Salo ng mama niya halatang pinagtatakpan ang kanyang ama.

"Why don't you just eat, Lourd." Singit ni Hannah. Hindi ito marunong tumawag ng kuya sa kanya kahit na bunso ito. He wanted to maintain his being young.

"Tito." Tawag naman ni Lottie sa kanya. Uminom muna ito ng tubig bago magsalita, "Where's your girlfriend, why don't you bring her here?"

Natigil ang pag-inom niya ang iced tea at hindi nagawang gumalaw. He moved his eyes to everyone through the rim of the glass and saw them all looking at him, waiting for an answer.

"She's busy." Tanging sagot niya at sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang tinitigan siya ng kanyang mama.

She gave him a warning look. Mukhang siya ang tampulan ng tukso noong araw na iyon.

"Tito, what's her name? Is she beautiful like mommy and Tita Hannah?" pangungulit ni Lottie. Hinila pa nito ang manggas ng t-shirt niya dahil upang matabig niya ang baso ng tubig sa kanan niya.

"Oppps." Habol ng kaliwa niyang kamay upang hindi mabuhos kay Lottie ang tubig.

"Lottie, stop it. Look at the water, it almost throw out." Saway naman ni Andrea.

"I just want to know Tito Lourd's girlfriend's name!" Lottie insisted.

"Alright, here." Sabi niya at inilabas ang kanyang cellphone. He touch the screen and did some swipe. Saka inilapit ang screen kay Lottie. Sa screen ay naroon ang picture ni Cassie na kuha noong magkasama silang kumain isang umaga.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon