Pinagmasdan ni Lourd si Cassie. At nahihirapan siyang labanan ang sumasaklob sa kanya. He felt helpless every time with her. Nadadamay siya sa nararamdaman nito. Kanina na lang nang makita niya ang pagkadismaya nito nang dumating sila sa bar ay nainis siya sa kanyang sarili. He felt so stupid being a date. Parang napakahalaga para sa kanya ng sasabihin at mararamdaman nito. He knows he should be going and don't take her seriously. But he need her touch so damn much. Na kung minsan ay nakakalimutan na niya kung sino ito. Hanggang sa lubusan niya itong lapitan at tinangka ang hindi dapat. He bound his head down to her chicks. Hanggang kusa nang hanapin ng labi niya ang labi nito.
Cassie was after her breath when Lourd left her lips but he still touching her. She cleared her throat to wake up herself. Pakiramdamdam niya ay nilalagnat siya sa init ng kanyang katawan.
"Lourd, hindi ba parang napaparami na ang halik mo sa'kin?" tanong ni Cassie.
He chuckled. Bumitiw ito sa kanya at sumandal sa bench. Humarap sa kanya saka dahan-dahang iminulat ang mga mata deretsong tingin sa kanya.
"We both enjoy it."
"At nasasanay ka na." Sabi niya nang nakaiwas ng tingin. Nagsasabi ito ng totoo. Ngunit hindi naman siya ganoon kababa para halik lang isipin at hilingin nito. What was that, pure desire? Not more than that?
"Masisisi mo ba ako? You are so inviting." Hindi niya alam kung magsasaya o maiinsulto sa sinabi nito.
"Pero hindi naman ako ganoon lang." sabi niya sa pilit itinagong galit na paraan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Alam ko kung paano ako naipakilala sa'yo. I was a flirt, a tease or even a playgirl but I'm not." Sabi niya saka lumingon dito.
"Ganoon ba ang akala mong pagkakakilala ko sa'yo?" tanong nito sa kanya. Lumapit ito at bahagyang tumungo sa kanya.
"Ganoon ba, ha?" tanong ulit nito. Nakababa pa rin ang ulo niyang tugon.
"Okay, let's play a game." Maya-maya'y sabi nito.
"Huh? Ano?" she asked blankly.
"Magtatanong tayo sa isa't-isa and we have to answer it. Baka sakaling may magandang mangyari. Makikilala na natin ang isa't-isa nang lubusan." Saad nito.
Nagbungtong-hininga siya at tumango.
"Good, you ask first." He said. Sandaling nag-isip si Cassie.
"Wala na ba talaga kayo ni Amanda?" gusto niyang masiguro kung malaya na talaga ito. She hates complications, ayaw niya ng sigawan at away. Nahihirapan siyang huminga kapag sinisigawan. Nagugulo ang mundo niya kapag may karahasan.
"Wala na. My turn." Sabi nito. "Bakit lagi kang may suot na gloves?"
Iglap na napalis ang ngiti sa kanya. Hindi makahagilap ng sagot. Ngunit mabilis ding bumawi ang isip niya.
"Style. Ako naman. Ilan kayong magkakapatid?" sunud-sunod niyang sabi na tila ayaw bigla ng pakakataon si Lourd.
"Apat." Tugon nito. "Why do you always flirt?"
"Hindi ah! I'm only being nice and sweet. Siguro iba ang dating sa inyo noon." She answered in defense.
He smiled and laugh, "Tease."
"Sinabi nang hindi eh!" nakataas ang kilay na sabi niya.
"Alright, alright." Tumaas ang mga kamay nito upang awatin siya.
"Ikaw naman." Utos nito.
"Masaya ka ba sa pagiging producer."
"Oo naman. Ikaw, how many dates have you gone with? Don't count me in." Sabay taas ng kamay nito.
She can't help it but she laugh. "About...ahm, di ko na mabilang eh."
Tumawa rin ito, "Bakit ba itinanong ko pa 'yon?"
Napatawa na rin siya. Hindi niya mapigilan mag-enjoy sa ginagawa nila kahit na kinakabahan siya dahil baka may maitanong pa itong hindi niya masagot o ayaw niyang bigyan ng sagot.
Tila nangalay siya sa pwesto niya. Tinanggal niya ang kanyang wedge at itinaas ang mga paa at ipinatong sa bench. Inipit niya ang laylayan ng shirtdress niya sa pagitan ng kanyang mga hita at binti. Para siyang batang inialalay ang ulo sa mga tuhod niya paharap kay Lourd.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito sa kanya.
"Wala lang."
"Nakalimutan mo na bang nakasuot ka ng dress?" He asked to her almost nagging.
"You hit two questions in a row." Instead she said.
Tinampal nito ang sariling noo at nakangiting umiling. "Oh, damn. I forgot."
"Why did you ask me for date? bakit hindi si Cleo o si Amber. Or some other girls?" she asked. Alam niyang walang kwenta ang mga itinatanong niya ngunit gusto niyang malaman kung magkapareho ba ang kanilang nararamdaman.
Tumingin ito sa kanya. In a portrait of his face, too much thoughts and wondered was like dancing in his eyes that made his expression unsuitable.
"Hindi ko alam." He said then he traced his fingers to her legs while his elbow was lazily rested on the backrest of the bench.
"Sigurado ka ba na okay lang na dito lang tayo?" tanong nito na parang napapahiya.
Something unfamiliar savored on Cassie's heart. Sana ay tama ang nararamdaman niya na mahalaga siya kay Lourd. Iniba niya ang kanyang posisyon habang tumatawa. Umusod siya palapit dito at ibinaba niya ang kanyang tuhod ngunit nanatili pa rin ang mga paa sa bench. Sumandal siya patalikod kay Lourd.
"Okay lang. Sayang naman ang oras ko para magmaktol, it will only ruin this breathtaking view." Sagot niya habang nakatingin sa view.
Nakaramdam ng kaginhawahan si Cassie nang lumapat ang likod niya sa dibdib ng binata. She felt secured and safe in his arms.
"You are more breathtaking than that view." bulong nito sa kanya. He clutched to her. Niyakap siya nito at inayos pa ang dress niya na napalilis dahil sa paglikot niya.
"Thanks."
"Para saan, sa compliment, or sa pag-aayos ko ng dress mo?" he asked while nibbling her ear.
"Lourd, ano ba?" saway niya. Hindi dahil sa ayaw niya ang ginagawa nito, kundi dahil sa bawat dantay ng labi nito sa balat niya ay tila ningas iyon sa kakaibang init. Ngunit parang walang narinig ito. Patuloy pa rin ito sa ginagawa.
"Sinabi nang tama na." She almost hissed. Iniiwas niya ang sarili dito at hinarap ito.
"Okay, okay. I will stop." Tumatawang sabi nito.
Kumibot ang labi niya saka nagbuntong-hininga, "Sino na bang magtatanong?"
"Ikaw na lang magtanong." Sagot nito. Cassie looked at him. Dumako ang tingin niya sa goatee nito at pinagmasdan iyon.
"Gaano na katagal 'to?" tanong niya habang marahang hinahaplos iyon.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...