Lourd quietly watched Cassie while half of her body is bent inside the car. She was unaware of the appeal she was shielding out.
Nawala ang init ng ulo niya dahil sa traffic nang makita ito kaninang pagbaba niya ng sasakyan. She was again wearing a skirt that showed her well-shaped legs. Hindi niya maiwasang humanga sa ganda nito. Masyado siyang inaaliw ng presensya nito. At hindi na ito nawala sa isip niya. She was very cheerful yet seductively funny.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong nito kunwa'y sa galit na paraan.
Kibit-balikat siya. Umikot ang mga magaganda nitong mata. He noticed himself obviously starting to flirt. Sanay siya sa ganoon ngunit iba ang dulot dahil ang dalaga ang kausap niya.
"You're teasing." Pasimple nitong sabi at isinara niya ang pinto ng kotse. Pinindot ang alarm noon.
"And you're teased." Agap niya at lumapit dito.
"Me?" nakataas ang kilay na sagot nito. "Balewala ang ginagawa mo."
He chuckled. "Bakit naman defensive ka? Nagbibiro lang naman ako. But seriously, you look pretty that is why I like staring at you."
"Whew! Ngayon naman nambobola ka na." tila umiiwas na sabi ni Cassie. Napansin niya kaagad na tila may nagbago dito. Nabasawan ang pagiging masayahin nito. Ngunit naroon pa ring ngumingiti ito ngunit tila nilalabanan nito iyon.
"Agh!" aniya at umaktong magkakaroon ng heart attack. "That hurts, honey. Am I not entitled to tell the truth?"
"Yeah right." She said in boring voice. Kipkip ang dalawang bag ay umuna ito na lumakad.
"Hindi ka naniniwala 'no?" tanong niya nang humabol ito sa kanya. Inagaw niya ang dala nitong bag.
"Dapat ba akong maniwala?"
"Oo naman." Mabilis niyang tugon.
"At bakit?" she snapped.
"Dahil totoo."
"Ha-ha-ha." She said the laugh and again rolled her eyes.
"Where is Cassie?" bigla ay tanong niya. Napahinto ito sa paglalakad at kunot-noo siyang nilingon.
"A-anong ibig mong sabihin?" nalilito nitong tanong.
"You were so sweet then. Pero ngayon, hindi ko na nakikita. Where are you Cassie? At kung nasaan ka man, please bumalik ka na." seryosong saad niya.
---o0o---
Cassie remained silent.
"You're talking to me very distant." Patuloy ni Lourd.
She released a sigh and looked away. Ayaw niyang malaman nito na nasasaktan siya nang mga oras na iyon. Ilang gabi na siyang nanaginip ng masama. Nangyari iyon muli matapos ang date nila sa Antipolo. Tila binura noon ang ligayang naramdaman niya sa piling ni Lourd. Muli siyang binalot ng takot at lungkot. At dahil doon ay wala siyang nagawa kundi muling kumunsulta sa doktor. Kailangan na naman niyang sumailalim ng counseling at may posibilidad na magpahinga siya sa pagsasayaw.
She cleared her throat, and gave him her sweetest smile.
"H-Hindi naman ako nagbago. Baka ikaw ." Humakbang siya papalapit dito. Nais niyang itago ang lungkot na nararamdaman.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...