Hindi na nagulat ngunit nainis si Lourd nang makita si Amanda na papalapit sa kanya. Palibhasa'y empleyado ng kanyang ama ito kaya nagkaroon ito ng pribelehiyo na makapasok sa naturang club. Katatapos lamang nilang mananghalian at hindi niya akalain na makikita ito doon.
"Hi." Simpleng bati niya. Nilampasan niya ito nang akmang yayakap ito sa kanya. Nasa restroom lamang si Cassie at anumang oras ay darating ito at hindi nito maaaring makita si Amanda.
"Akala ko hindi ka na sanay na mag-unwind. Anong nakain mo at nagbakasyon ka?" Sabi nito habang nakasunod sa kanya.
"I always have time for fun. Akala mo lang wala." Pilit itinatago ang pagkairita niyang sagot dito.
"Mag-usap muna tayo. I missed you." Sabi nito na pilit siyang hinahawakan.
"May kasama ako." Sagot niya. Umangat ang isang kilay nito.
"Oh. Pero sinabi mo na magkaibigan pa rin naman tayo. So, pwede pa tayong-"
"Amanda, listen." Agap niya at noon ay hinarap ito. "Yes we are friends. But just friends. Nothing more. I'm sorry. Hindi ko maaaring pagbigyan ang gusto mo. Hindi ka pwedeng basta na lang darating. Hindi mo na pwede gawin ang ginawa mo kanina. Malinaw ba sa'yo?"
"At saan ka pupunta? Sa bagong flavor of the month mo?" galit nang tanong nito. Salubong ang kilay niyang hinarap ito.
"Ano?"
She smirked. She crossed her arms in front of her chest. "Akala mo hindi ko alam na nilalandi ka ng dancer mo sa club. Oh my! Lourd, bakit siya? Ano bang mayroon ang babaing 'yan na wala ako? She's just using you."
Puno ng pag-aakusa ang mga salita ni Amanda. Puno rin ng galit ang mga mata nito. At hindi niya maintidihan kung bakit ganoon na lang galit nito kay Cassie. Wala na itong pakialam kung sino mang gustuhin niya. He knows what he was doing. Lalong alam niya ang gagawin pagdating kay Cassie.
"Salamat sa pag-aalala mo pero sa tingin ko ay hindi ka na dapat nakikialam. Don't forget that we are over, Amanda. What other things concerning me is not your business." Sagot niya at tinalikuran na ito ngunit pinigil siya nito.
"Ano bang ginawa niya sa'yo para ipagtanggol mo siya nang ganyan? Kagaya rin lang siya ng ibang babae. Nakalimutan mo na ba?" pahayag nito na iiling-iling pa na animo'y nanghihinayang.
"She's cheap. I pity you." Dugtong pa nito.
Matalim ang naging tingin niya dito. Ang kaninang inis ay nauwi sa awa dahil sa inaasal nito. She could be searching for respect and love around. Nakikita niyang tila nawawala si Amanda. A desperate that looking for something. Kaya sa ibang tao nito ibinabaling ang tila galit sa sarili. He hated it. Para tuloy gusto niyang pagsisihan na naging kasintahah niya ito. Ngayon tuloy ay hindi siya patahimikin nito.
"It's none of your business. Excuse me." Sabi niya na hindi pinansin ang pang-iinsulto nito. Muli siyang tumalikod. Sasalubungin na lang niya si Cassie.
"It's not over." Sabi nito at natigil ang paglayo niya. He saw how eyes glittered with fierce. "Pagsisisihan mo ito. Sinisiguro ko sa'yo na hindi ka magiging masaya. Sige, hahayaan kitang magpakabaliw sa kanya. Pero sa'kin ka rin babagsak Lourd Kristof."
Nauubos ang pasensyang nilapitan niya ito. "I'm telling you this, Amanda. Don't you ever try to hurt her. Hindi ko maipapangakong magiging mabuti ako."
"Hindi pa tayo tapos. Hindi ka magiging masaya sa piling ng iba. Ipinapangako ko 'yan. You owe me big time for hurting me." Nanlilisik ang mga matang pahayag nito.
"Wala akong ginawa sa'yo. Naging totoo lang ako sa sarili ko. At uulitin ko, huwag ka nang manggulo. Or else you'll be sorry." May bagbabanta niyang sagot.
"Tingnan natin." Lalong nagalit nitong sabi at padabog na lumayo. Pinanood niya ang paglayong iyon na nagbubuga ng hangin.
"Ang lalim yata ng iniisip mo." Napukaw ang isip niya nang marinig ang tinig ni Cassie.
Ngumiti siya at kaagad na niyakap ito sa baywang. "Iniisip lang kita."
She smiled teasingly. "Talaga? Anong tungkol sa'kin ang iniisip mo?"
He smiled widely. Saka niya inilapit ang labi niya sa may tainga nito. May sinabi siyang hindi dapat naririnig ng mga naroon at hindi nito napigilan ang mapatili. Mabuti na lang at mabilis nitong natutop ang sariling bibig. He laughed.
Sa sobrang tuwa niya sa reaksyon nito at niyakap niya ito. Tila napapahiya naman si Cassie kaya itinago nito ang mukha sa dibdib niya. He really laughed then. Hindi niya akalain na kahit pilya ito ay hindi ito sanay sa ganoong usapan. Even though they shared a steamy night together. She was still fine and proper. That made him overwhelmed and proud.
Nagtatawanan pa rin sila habang lumabas ng restaurant habang magkayakap. Palakad na muli sila upang sumakay sa golf cart nang mapansin niya si Amanda na nasa gilid ng damuhang pathway at nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa kanila. Pasimple niyang iniikot si Cassie upang hindi nito makita si Amanda. Ayaw niyang mag-isip ng masama ang dalaga. Ayaw niyang masira ang magandang araw nila dahil lamang kay Amanda.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...