Impit na nanalangin si Lourd habang nakatitig sa 4-ball at pinupuntirya iyon. Isa pang sablay at matatalo na siya.
Pagkagaling sa Roxy at sa Taft sila nagtuloy. Sa isang sports complex kung saan miyembro sila ng isang grupo ng mga billiards enthusiast. Highschool pa lang sila ni Jared nang makahiligan ang bilyar. At dahil sa sobrang hilig ay hindi niya natanggihan ang isang friendly game. Naipusta pa niya ang kanyang kotse.
"The Jaguar, pare...Jaguar!" nang-aasar na sabi ni Calvin. Kaibigan nila ni Seoff si Calvin simula kolehiyo. Isa itong tattoo artist. Ang pinsan niyang Jubelle Diomidez na isang magaling na pastry chef ang asawa nito. Siya pa ang naging daan upang magkatuluyan ang mga ito.
Sa totoo ay nag-aalangan na siya sa kanyang gagawin pagtira. Hindi biro ang nakapusta sa panig niya. Sa pagkakatutok sa bola ay nailihis niya ang tingin kay Jared na kampante nang nakasandal sa kabilang mesa at ngingiti-ngiting pinagmamasdan ang pagtira niya.
Napapailing si Lourd habang tinatantya ang kanyang pag-asa. Namumuo ang pawis sa noo at tahimik na nanalanging pagbigyan siya ng pagkakataon.
He ended his prayer and strike the ball. Gumulong ito papunta sa gitnang butas ngunit unti-unti ay humihina. Pigil hininga ang lahat sa paghihintay kung titigil o mahuhulog sa butas.
"What the f─k!" sigaw ni Lourd. Right at the edge of the whole, the ball is like a snow freezes and did not fall. Nanlulumong napakayakap si Lourd sa sariling tako dahil tuluyan nang mawawala sa kanya ang sasakyan.
His opponent made the remaining shots until that last piece of the puzzle was complete. All the men shouted. Parang gustong sumakit ng ulo ni Lourd sa naririnig. Sana'y hindi na lamang siya pumayag sa pustahan.
"I guess, I'll be driving a luxury car starting today." Nakangiting saad ng kalaban niya. Nakalahad ang kamay at nakipagkamay sa kanya. Nakangiwi siyang lumapit kina Jared at Calvin.
"Losing your touch, pare?" Tumatawang tanong sa kanya ni Calvin.
"Sige tumawa ka. Ewan ko lang kung magawa mo pa 'yan kung ikaw ang nawalan." Pikon na sabi niya.
"Pikon." Ani Jared. "It's just a car. You can buy another if you want."
"Jared, sariling pera ko ang ginamit ko 'dun. My prize for myself." Ngitngit na sabi niya. Hindi talaga niya mapaniwalaang nawala sa kanya ang kotse niya.
"Okay lang 'yan." Si Calvin na himas-himas ang kanyang likod.
"Now I need to bite the dust to get another one." Paghihimutok niya sabay dakot sa beer in can at marahas na binuksan iyon. Wala siyang pakialam kahit magtapunan sa kamay niya ang laman niyon.
"Lourd, relax." Paalala sa kanya ng pinsan. "Baka isipin nila na hindi ka magandang kalaro. May problema ba?"
Lourd sighed. Tama si Jared. Bakit ba naman magagalit siya? Hindi naman ninakaw ang kotse niya. He bet it and he lost.
"Wala 'to." Bagot niyang tugon.
"Kailangan mo ba ng tulong?" Muli nitong tanong.
Mabilis na sandali ay lumipad ang tingin niya kay Calvin. Ngunit kibit-balikat lang ito kahit alam nila pareho ang totoong sitwasyon.
"Laro lang ako." Paalam ni Calvin at lumapit sa ibang miyembro.
Naiwan silang magpinsan. Parehong walang imik. Hawak ang lata ng beer ay nilaro-laro ni Lourd sa isang kamay ang tako. Nahiling niya na sana ay hindi na ito magtanong pa. Nagpunta sila doon para maglaro at mag-unwind. Ayaw niyang i-entertain ang mga burden niya nitong mga huling araw. Lalo na ang tungkol kay Kathryn.
"Wala na pala kayo ni Amanda. Anong nangyari?" Jared tries to pull a conversation.
"Nakakasakal. At saka parang lahat kayo ayaw sa kanya." Aniya.
"I know you when it comes to women. Hindi ka mapili sa pisikal. You can even fall in love with a bark-like skin pero hindi sa kagaya niyang pumipigil sa paglipad mo. And besides, you don't like women with long nails." Nakangiting sabi nito na mabilis na sinang-ayunan ng kanyang pride.
Tama si Jared sa sinabi nito na hindi niya gusto ang mga babaeng may mahahabang kuko. It too sassy for him.
Nang makita niya si Amanda sa opisina ng papa niya ay lantaran kaagad itong nagpakita ng motibo sa kanya. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon. Sino naman siya upang tanggihan ito. Maganda si Amanda. Wala rin siyang asawa para katakutan. That's why he just grabbed his chance being her guy. Wala namang masama. Pero sa paglaon nang makilala niya ang dalaga ay lumabas ang pagiging demanding nito. Walang naiintidihan kundi ang sariling pangangailangan. Hindi rin ito interesado sa buhay niya. Ni ayaw makinig sa mga kwento niya. She cannot appreciate simple things.
"I tried everything for the relationship, at least to work. But she didn't cooperate." Sabi niya habang patuloy na iniinom ang beer. If only he had a choice, he wanted to go back on old days. Where he can do what his mind speaks. Doon sa panahon na kilalang-kilala niya ang kanyang sarili at sigurado sa lahat ng nais gawin.
"What's happening to you, Lourd? Kung si Amanda -"
"I said it's nothing, Jared." He snapped. Itiningala ang ulo at minesahe sng leeg na pawang nangalay iyon.
"May kinalaman ba kami sa pagkakaganyan mo?" sabi nito. "I'm not naive not to feel guilty. Kaya ganyan na lang ang pagtulong mo sa kanya. You have feeling for her, cousin. I knew it."
Hindi siya kaagad nakaimik.
"Tara sa labas." Napalingon siya dito kasunod ng pagngiwi.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romantik"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...