Sa gilid ng Roxy ipinarada ni Cassie ang kanyang Honda Jazz. Nagbuntong-hininga siya nang makababa sa kotse. Kahit paano ay kinakabahan siya dahil iyon ang una niyang photo shoot. Ngunit bago siya tuluyang maakapasok sa loob ay nakita niya ang OB-van at isang Canter. May palagay siyang iyon ang sasakyan na gamit ng mga crew ng magazine.
Dapat ay lalakad na siya nang maalala niya na may naiwan pa pala siya sa loob ng kotse. Lumakad siya pabalik. Kailangan niya ang mga gloves niya. Dapat handa siya. Ayaw niyang matanong sakaling may makakita ng pilat niya.
Habang pabalik ay napansin niya ang parating na puting Ford Ranger. Latest model iyon sa tantya niya. She anticipated seeing whose driving the vehicle. May palagay siyang iyon ang photographer.
Bumilis ang tibok ng puso niya hindi dahil sa takot kundi sa kakaibang kaba. Bumaba si Lourd mula sa sasakyan. He was ruggedly gorgeous on his as usual jeans and t-shirt. He never wore himself on business suit. But still, it endured so much hotness to his appeal. Idagdag pa ang unique look nito dahil sa goatee nito. It never failed to add such sexiness to him.
Agad itong ngumiti nang makita siya. Sa kabilang panig ng sasakyan ay isang lalaki ang bumaba at isa pang lalaki sa likuran.
"Hi." Bati agad nito. Mabilis na bumaba ang mukha nito sa kanya at dinampian siya ng halik sa pisngi. It was only a normal gesture of greeting but the jaunts of electrifying sensation were enough to shaken her. Lalo na marahil kung sa labi siya hinalikan nito.
"H-hello." ganting bati niya.
"Kumusta?" napakalambing nitong tanong habang hawak ang pisngi niya. Noon ay nakasunod dito ang dalawang lalaking kasama nito.
"Okay naman." She said smiling.
"By the way, this is March Lim, our photographer and Jude, his assistant." Pagpapakilala nito sa dalawa.
"Nice to meet you po." Tinaggap niya ang nakalahad nitong kamay.
"This is Cassie, isa sa 'Xquizit." Pakilala naman nito sa kanya. March reacted on what Lourd said. Malapad ang nating ngiti nito.
"Now I believe when the editor said that I will not regret this shoot. You're beautiful." Nasisiyahan nitong pahayag. Hindi napigilan ni Cassie ang mapangiti.
"Thank you. Pero mas maganda ang mga kaibigan ko kaysa sa'kin." Nakangiti niyang tugon.
"Oh, I can't wait to take your pictures." Tumatawang sabi nito.
"Tara sa loob." Singit ni Lourd. Nagpatiuna ang dalawang lalaki.
"Ikaw?" lingon sa kanya ni Lourd nang mapansing hindi pa siya umaalis.
"Sige lang. May naiwan ako sa kotse." Sagot niya.
"Hintayin na kita. Sabay na tayo." Sabi nito at kampanteng nagpamulsa at mukhang hihintayin siya talaga. Walang nagawa si Cassie kundi pagbigyan ito.
Sa litong isip ay alam niyang pinagmamasdan siya ng binata. Abot langit tuloy ang nararamdaman niyang pagkailang.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...