Sa kabilang dako ng restaurant at kasalukuyang paupo sina Amanda at Lourd sa pang-apatang mesa. At kakikitaan ng saya ang mukha ni Amanda. Hindi sinasadyang nagkita ang dalawa sa 'shang' dahil kinailangang dalhin ni Lourd ang naiwang kamera ni March sa sasakyan niya. Matagal na iyon sa kanya. Hindi lamang niya maibalik dahil ssa sobrang busy. At nagkataong malapit siya sa lugar kaya sinadya na niya. Palabas na siya nang tawagin siya ni Amanda. It was supposed to be simple exchanges of Hi and Hello when Amanda requested to dine. Pinagbigyan na lamang niya. Wala naman siyang nakikitang masama dahil may pinagsamahan naman sila.
Sa gitna nang masayang pagkukwento ni Amanda ay sumagi sa isip niya si Cassie. Hindi pa rin niya ito nakakausap o nakikita. Napapansin niyang parang iniiwasan siya nito. Ilang araw itong hindi pumasok sa Roxy. Ang sabi ng assistant niya sa Roxy na si Sandy ay nag-file daw ito ng leave dahil may kailangang asikasuhin. Tinanong niya ang mga kaibigan nito pero hindi daw alam ng mga ito. Imposible. May pakiramdam siyang itinatago ng mga ito si Cassie sa kanya. Pero bakit naman? Anong nagawa niya para i-hang siya nang ganoon ni Cassie? Akala niya ay maayos sila. Na nagkakaintidihan sila.
"Let's order darling, I'm starving." Palambing na saad ni Amanda at mabilis na nakatawag ng waiter.
"So, what's up with you?" out of courtesy he asked. Pilit iwinawaglit sa isip si Cassie.
Amanda immediately smiled in a seductive way, trying to get his attention.
"I'm fine although I'm missing you everyday." She said so feminine.
Ngumiti siya nang malamlam. Alam niya ang gustong mangyari ni Amanda. But his not going to tie his pants with this selfish woman again.
Pagkaabot ng menu ay inabala ni Lourd sarili sa pagpili.
"Anong gusto mo?" tanong niya kay Amanda habang nakatugo sa menu ngunit hindi niya narinig ang sagot nito dahilan upang maptunghay siya dito.
"Amanda." Pukaw niya dito.
"Oh, no." sabi nito na angat sa balikat niya ang tingin.
"What?" kunot-noong tanong niya.
"Hindi mo magugustuhan ito, Lourd." Hindi siya sigurado kung pag-aalala o panunuya ang mababasa sa mukha ni Amanda. Sinundan niya ang tinitingnan nito. Hinanap niya ang maaaring tinutukoy nito nang makalingon siya.
"Sa dulo, sa mismong tapat mo." Sabi sa kanya ni Amanda nang hindi niya makita ang hinahanap.
Hindi napigilan ni Lourd na mapigil ang hininga nang makita ang dalawang bulto sa dulong mesa.
Sa sulok na iyon ay naroon si Cassie kasama ang kanyang ama. Nakahawak ang kamay ng dalaga dito. Nakatingin sa isa't isa. Nakatagilid ang mga ito sa kanya kaya hindi siya nakita ng mga ito.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Duda na 'ko sa babaing 'yan. Hindi iilang beses na pumunta siya opisina ng papa mo." Paliwanag ni Amanda.
Siya ay hindi maalis-alis ang mga mata na unti-unting tumatalim ang tingin. Umaahon ang galit sa kanya. Damn this woman to deceived him and damn his father to fool her mother. Kaya pala iniiwasan siya ni Cassie at kaya rin pala hindi nagkakasundo ang mga magulang niya.
"Shit." Matalim niyang saad. Sensing the situation could quickly deteriorate into his rage against the malicious act shown on the other table, he decided that it was out diplomatic to confront them. He felt betrayed and deceived both by them.
"Minsan ko nang nakausap ang babaing 'yan. Binalaan ko na siya na tigilan na ang papa mo but she was so brutal to say that she will not leave him. Una ko pa lang kita sa kanya ay wala na akong tiwala." Si Amanda pa rin ang nagsasalita.
Hindi malaman ni Lourd kung saang sulok ng mundo napunta ang mga salita niya. Puno siya ng galit at ng napakaraming tanong na kailangan ng kasagutan. Hindi niya akalain na makakayang gawin iyon ng kanyang papa. His father who was a man of justice and wisdom. Prosecutor of the law but capable of breaking it. It hurts his veins that crawl through his heart.
Tuluyan nang nawalan ng gana si Lourd. Hindi na niya ipinatawag ang waiter upang umorder.
"I'm sorry, Lourd." nakikisimpatiya na sabi ni Amanda. "Huwag mo na lang silang pansinin, kumain na lang tayo."
"Nawalan na 'ko ng gana." Mahina ngunit may galit na saad niya.
"But darling, hindi naman sila ang ipinunta natin dito. Let's-"
"Then eat if you want. Maiwan ka kung gusto mo." He snapped. His eyes were furious at kung magpupumilit si Amanda ay baka dito mabaling nag galit ni Lourd.
"Fine. Lumipat na lang tayo ng lugar." Saad nito. Hindi niya ito pinansin. He doesn't want to lose his patience.
"Napakagaling ng papa para maitago niya sa'min ang kalokohang ito." Puno ng akusasyong sabi ni Lourd.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...