Chapter 19.2

474 17 0
                                    

Tahimik ang kalooban ni Cassie habang pinagmamasdan ang malawak na garden mula sa ikalawang palapag ng cottage. Mag-aanim buwan na siya sa Bukidnon at nagiging maayos naman ang pagtigil niya doon. Wala na ang sugat niya sa may leeg. Ni hindi na niya iniida iyon. She was physically backed to herself.

Muli, natapos ang unos sa buhay niya. She again survived. Sadya nga yatang ipinanganak siya upang lampasan ang mga pagsubok sa buhay. At pinatibay na siya noon. Nakulong na si Amanda. At tulad ng kanyang ama, pinagbabayaran na nito ang kasalanan sa kanya.

She had a good stay in Bukidnon. She had more time contemplating. Upang isipin ang lahat at kung bakit kailangang mangyari sa kanya. Kung tama ba ang naging desisyon niya na pumunta doon at manahimik.

Dalawang buwan siyang comatose. Himalang walang masyadong naging damage ang ulo niya at nagawa pa niyang matandaan ang buong pangyayari. Mabilis naman ang naging recovery niya kaya nang pwede na siyang makauwi ay kaagad niyang sinabi sa kanyang lola ang nabuo niyang desisyon.

"Gusto kong umuwi ng Bukidnon, Granma." Aniya. Palabas na sila noon ng ospital.

"Sige. Actually, naisip na din namin 'yan ng lolo mo. Baka lang hindi ka pumayag dahil...dahil kay Lourd." Tugon nito.

Saglit siyang natigilan. Hindi niya masabing ito mismo ang dahilan niya kung bakit gusto niyang umalis. Hindi pa niya kayang harapin si Lourd. Naguguluhan pa siya. At nasasaktan pa.

"Don't tell him, Granma. Ayokong malaman n'ya kung saan ako pupunta."

"Pero-"

"Please, Granma. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay daddy." Pakiusap niya. Tumango na lang ito.

Lumawig pa ang kanyang tingin at napatingin siya sa greenhouse ilang metro mula sa pangalawang hanay ng taniman. Naroon ang espesyal na uri ng bulaklak na kailangan ng maselang pag-aalaga. Madalas siyang naroon nitong mga huling araw. Siya mismo ang tumitingin at nagdidilig sa mga halaman doon. Tinutulungan lang siya ng botanist nila. Nais niyang abalahin ang sarili upang maiwasan din ang sobrang mag-isip. Hindi rin iyon maganda para sa kanya.

"Ma'am Cassie." Anang tinig ni Lea. Iniabot nito ang cellphone. "Kanina pa po 'yan nagri-ring. Pinaabot na po sa inyo ni Sir Ruben."

Ngumit siya. "Salamat. Hello?"

"Cassandra, kailan ka ba babalik dito?" anang tinig ni Thia.

"Kumusta?" sagot niya.

"I need you in my wedding." Anito. "Atrasado na 'yon ng ilang buwan. And I wanted to be happy. Ayaw mo ba akong maging masaya?"

She smiled. "Kami pa rin naman ang florist mo."

"No." matigas nitong tugon. "Alam kong alam mo ang sinasabi ko. I want you to come. Ipinadala ko na ang invitation d'yan sa'yo. Kung kinakailangan na ipadala ko pati pamasahe mo pabalik sabihin mo lang. Hindi ako magdadalawang isip."

"Anastacia!" nangingiti niyang saway. Binanggit pa niya ang buong pangalan nito.

"Gagawin ko talaga 'yon." Sabi nito.

"Alright." Walang magawa niyang sabi. It left her with one choice. Kailangan na niyang bumalik sa Maynila.

"Hihintayin ko muna dumating ang invitation mo. Then, inform ko kayo kung kailan ako babalik." Aniya.

"Sa wakas. Aasahan ko 'yan. Alam mong hindi ko kayang magpakasal nang wala kayo." May pagbabantang biro nito. Napatawa siya.

"Opo, alam ko."

"Mabuti naman." Tila nasisiyahan nitong tugon. "Kumusta ka na ba?"

"I'm better." Sagot niya.

"That's good to hear. Pero may kilala akong hindi okay dito. Kasi wala ka." Anito. "Cassie, hindi ko alam kung tamang magtanong pero magtatanong ako. Bakit ka lumayo? Dahil ba sa kanya?"

Nag-isip muna si Cassie.

"Kasama s'ya sa dahilan. Pero ang talagang dahilan...gusto ko lang ihanda ang sarili ko sa bagong buhay. Ayokong makita n'yo kung pa'no ko lalampasan ang lahat-lahat. Ayokong maawa kayo sa'kin."

"Cassie."

"Thia, sa totoo lang sobrang nagpapasalamat ako sa inyo. Kasi mahal n'yo 'ko. Na pinahahalagahan n'yo ko. Sa tingin ko nga kayo ang dahilan kung bakit ako matatag. Kayo nina Granpa at Granma. Kaya nahihiya ako sa inyo kung hindi ko kakayanin. Kung hindi ko aayusin ang sarili ko. Ayokong makita n'yo ang process kung pa'no ako gagaling kasi ang pangit tingnan. Para lang akong may cancer, Thia. Kailangan kong i-chemo ang sarili ko. Ginawa ko naman 'to para sa inyo." Naluluha niyang paliwanag.

"Sana lang din...hinayaan mo kaming samahan ka. Lalo na si Lourd. Oo nga't kilala nating palikero 'yon at charity ang turing sa relasyon pero ibang klase ding magpahalaga 'yon. Nakikipagbugbugan nga para sa kaibigan. Para sa'yo pa kaya?" Ani Thia na tila nagbibigay pag-asa sa kanya.

"Pero hindi n'ya sinabing mahal n'ya 'ko." Agap niya. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon.

"Iyon ba ang dahilan mo kung bakit ka lumayo? Akala mo hindi ka n'ya mahal?" tanong nito.

She sighed. "Hindi naman sa...gano'n."

"I think you guys really need to talk. Mahal ko kayo, ang 'Xquizit at ang Roxy. Pero sa ginagawa ni Lourd nanganganib ang club. Baka isang araw magsara na tayo. Naiinis na rin si Rox." Tila naiirita nito.

"Sige, luluwas na 'ko." Aniya.

"Good." Anito. "Pagbalik mo na dito tayo magchikahan, okay? I gotta go."

"Sige. Bye. Ingat kayo lagi d'yan." Sabi naman niya.

"Sure. Ikaw din. We love you." Sagot nito at nawalan na ito sa linya.

Muli siyang nagbuntong-hininga. Naroon na ang lahat ng dahilan upang bumalik siya. Life maybe was hard to her. Ngunit naniniwala naman siyang may masayang kapalit ang lahat ng iyon. If it takes to love Lourd again, hesitation would not be an option. Hindi naman nawala ang pagmamahal niya para dito.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon