Chapter 15.2

411 16 2
                                    

"It's your shot." Nakangiting sabi ni Lourd sabay tayo mula sa pagkatungo sa billiard table.

"S-Sure." Mayabang na tugon ni Cassie. Pero alam niyang nagpapanggap lang ito. Hindi ito marunong. Ni hindi nga ito marunong humawak ng tako.

"Aim your target. Focus your eyes on it." Advise pa niya habang nakatitig kay Cassie. His body was half bending, his chin resting on the edge of the table.

Tiningnan siya nito nang masama saka ibinalik ang tingin sa pagtira. Napangiti siya. And amused. He was enjoying watching her. She was very lovable yet seductive.

"Alright." Sa pagkagulat niya ay padabog nitong inilapag ang tako sa mesa. Hindi nito itinuloy ang tira.

"Hindi ko kaya. Panalo ka na." tila yamot na sabi nito.

"What?" amused na sabi niya. Playing in his face was a smile of triumph. Padabog na itong umupo sa ibabaw ng mesa patalikod sa kanya.

"Ang dali mo namang sumuko. Nag-uumpisa pa lang tayo ah." Umikot siya upang makalapit dito.

"Ayoko na." walang gana nitong tugon habang panay ang kuyakoy.

"You know what? I lost my precious car when I was defeated in this game." Maya-maya'y sabi niya at naupo sa tabi nito. "Sayang. Pinaghirapan ko pa naman 'yon."

"Kahit naman anong gawin ko, hindi naman ako mananalo." Paghihimutok naman nito.

Malakas na tawa ang isinagot niya dahilan para lang lalong kumunot ang noo nito na tila inis na inis na.

"Anong nakakatawa?" pikon nitong tanong. Tumigil siya sa pagtawa at bumaba sa mesa upang humarap dito. He grabbed her face and kissed her forehead. Hindi ito umiwas ngunit ramdam niya ang tensyon mula dito.

"Do you want to hear a story?" tanong niya.

Sandali itong tahimik. Nakatingin ito sa kanya na parang pinag-iisipan kung tatango o iiwas na naman.

"What story?" kalauna'y tanong nito.

Humiwalay siya dito at tinabihan ito ng upo sa mesa. "The story of a premature baby boy."

Narinig niya ang pasinghal nitong tawa. "Sige nga. Umpisahan mo."

"Once there was a boy. He was born in Los Angeles, California, november twenty-six, nineteen eighty-two. Premature baby s'ya dahil seven months pa lang siya sa t'yan ng nanay niya ay lumabas na siya. Isang Filipina Psychology student ang nanay n'ya. Mexican soldier naman ang tatay n'ya na na-assign sa Midddle East no'ng time na ipinagbubuntis pa lang siya ng nanay niya. Isang hapon, sa middle east, nagkaroon ng engkwentro between US force at mga nagrerebelde. Ilang sundalo ang nasugatan at may mga namatay. Isa doon ang tatay ni premature baby boy. Isang taon siya nang mangyari 'yon.

"Sobrang dinamdam ng nanay niya ang pagkawala ng tatay niya. Kinailangan ng nanay niyang tumigil sa pag-aaral kasi walang ibang magtutustos sa kanila. Namasukan ang nanay n'ya as helper sa iba't-ibang tao. She needs to work overtime. Kailangan nila ng pera. Pero kahit na anong gawin ng nanay n'ya, kulang pa rin ang kinikita nito. Noon nagsimula na ma-depress ng nanay niya. Hindi na ito nagtrabaho at nalulong pa sa alak. Napapabayaan si baby boy. Kung hindi pa sa mga kaibigan ng kanyang nanay ay hindi siya makakatikim ng gatas o kahit ng simple pagkain man lang. Sinubukang kausapin at ayusin ng mga kaibigan ang nanay niya dahil kung magpapatuloy daw na ganoon ito ay baka mamatay na rin si baby boy. Pero hindi nakinig ang nanay niya. Nagtuluy-tuloy lang ito sa pagpapalulong sa drepresyon.

"A good friend named, Carmela, came to the rescue. Kaibigang matalik ng nanay niya ito at tinulungan sila. But the help was a bit late. Hindi na nito nakayanan ang problema kaya tinapos na lang ng kanyang nanay ang sarili nitong buhay. Dalawang taon lamang siya si baby boy noon.

"Naiwan kay Carmela si baby. Sinubukang lapitan ni Carmela ang mga kamag-anak ni baby na pwedeng mag-alaga sa kanya pero bigo si Carmela. Kahit ang pamilya ng tatay ni baby boy ay hindi rin nakita. Dahil sa awa, dinala ni Carmela si baby boy sa Pilipinas at doon lang inalagaan. Wala kasi silang anak na lalaki noon. Dalawang babae ang anak nila.

"Baby boy grew up healthy and happy in Carmela's love. Itinuring nilang mag-asawa na parang tunay na anak si baby boy at minahal. They gave them a beautiful life. Kaya gano'n na lang pagmamahal niya sa pamilyang kumupkop sa kanya. He would be dead if not for Carmela. Now, baby boy is thirty-two and fell in love with a girl. Her name is Cassandra. The end."

"Nice story." Cassie said in a small voice.

"That's my story." Tugon niya.

Isang matagal na katahimikan ang sumunod na eksena. Naghihintay siya ng sasabihin ni Cassie ngunit wala siyang narinig. Wala rin siyang mahagip na sabihin. Nasa isip niya kung bakit at paano niya nagawang sabihin dito ang pinakatatagong storya ng buhay niya.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon