Chapter 5.2

418 14 1
                                    

Hindi alam ni Cassie kung paanong ngiti ang gagawin sa harap ng salamin. She was wearing a v-neck shirt dress that was color blue and purple and accessorized it with bangle. Pinaghalong kaba at saya ang nararamdaman niya. It is her first date with Lourd.

Katok sa pinto ang umagaw ng atensyon niya mula sa salamin. Excited siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon.

"Granma, dumating na ba siya?" kinakabahan niyang tanong nang makita niya ang lola niya.

"Hindi pa. Excited ang apo ko." Sagot nito. Nilawakan niya ang bukas ng pinto upang papasukin ito.

"Ano 'yan, Granma?" tanong niya habang umuupo sa kama dahil pakiramdam niya ay nanginginig ang tuhod niya.

"Kanina ko lang natapos." Sabi nito sabay iniabot sa kanya ang isang pares ng braided lace fingerless gloves. Kakulay ito ng kanyang suot.

"Thank you." Nasisiyahan niyang sabi. Ito na ang nag-suot noon sa kanya.

"Ayan." Sabi nito habang nakatingin pa rin sa mga kamay niya.

"Ang ganda." She said.

"Sino ba itong swerteng lalaking makakapanhik sa bahay natin?" tanong nito habang inaayos ang suot niya.

She chuckled. "S'ya ang part-owner ng Roxy City, Granma. Si Lourd Fortes."

Tumaas ang kilay nito sa pagkagulat. "Fortes?"

"Yes." Napansin niya ang kakaibang emosyon nito. "Fortes. Bakit po?"

Hindi kaagad ito nakatugon. Nag-iwas ito ng tingin at tila may malalim na inisip. Nagsalubong ang kilay niya. Kilala ba nito si Lourd?

"M-may idea ka ba kung aling angkan ng Fortes siya galing?" Sabi nito.

Tumikom ang labi niya at matiim na nag-isip. Noon lang din niya nawari na hindi pa pala niya lubos na kilala si Lourd. Buong pangalan lang nito na Lourd Kristof Fortes ang alam niya at pamilya rin nito ang naghahawak ng mga legal concerns ng artist nito sa LinkMusic dahil may law firm ang pamilya nito.

Napangiti siya sa nakitang pag-aalala sa lola niya.

"Granma, it is just a date. I'm not getting married." She glinted in amusement.

"Can I have minute?" Anang tinig ng lolo niya sa gawing pinto at sabay silang napalingon ng lola niya. Noon ay tuluyan nang pumasok ang lolo niya. Tiningnan niya ito.

"So, manliligaw mo ba ang bisita mo?" deretsong tanong ng lolo niya.

"Ahm...hindi naman-"

"Bakit kayo lalabas ngayon kung hindi ka niya nililigawan?" muli nitong tanong.

"Granpa, it was-"

Malakas na nagbuntong-hininga ng lolo niya. Alam na nila ng lola niya na hindi ito natutuwa. Na pinagtakhan niya. Hindi naman mahigpit ang mga ito sa kanya. Naiintindihan niya na nag-aalala ito sa kanya. Na may takot sa mga ito na muli siyang mapahamak. Ngunit bakit tila nagiging judgemental kaagad ito gayong hindi pa naman nakikilala ng mga ito si Lourd?

"Gaano mo kakilala ang binatang ito, Cassandra?" tanong ng lola niya. Napatingin siya dito. Paano ba niya sasagutin iyon?

"Sino ba itong pupunta dito?" tanong naman ng kanyang lolo.

"Lourd Fortes daw ang pangalan." Ang kanyang lola ang sumagot.

Marahas na napalingon ang kanyan lolo sa kanya. Salubong ang kilay nito at tulad ng lola niya ay tila nagulat nang malaman kung sino si Lourd. Nagkatinginan ang mga ito at tila napuno ng pag-aalala ang mga ito.

"Sinong mga magulang niya?" tanong nito.

"A-ano...ahm, ang totoo, Granpa, hindi ko talaga kilala ang parents n'ya. Ang alam kong lang may law firm ang family n'ya. Granma..."

Hindi nito pinansin ang pagtawag niya bagkus hinarap ang asawa. Hindi talaga niya lubos na maintindiha ang ikinikilos ng mga ito. Bakit ba parang may hindi sinasabi ang mga ito?

"It was just a date, Granma, Granpa. Nasa tamang edad naman na 'ko, hindi ba? Wala namang masama kung susubukan ko." May pagsusumamo niyang sabi sa mga ito.

"Sa tingin ko kailangan muna nating pag-usapan ito. Call him. Sabihin mong hindi kayo tuloy." Anang lolo niya. Hinilot nito ang sariling noo na tila sumakit iyon.

"Granpa, what's wrong with him?" naguguluhan niyang tanong.

"Everything." Agap nito.

"Ano?" aniya sabay tayo. "Hindi ko kayo maintindihan. Maayos s'yang haharap dito. Maayos na magpapaalam. 'Wag naman sanang tama ang nasa isip ko na nagiging mapanghusga na kayo kaagad. Hindi n'yo pa s'ya kilala. Don't dislike him quickly."

"Cassandra, apo. Nag-alala lang kami sa'yo. Alam mo na-"

"Granma naman. Wala naman akong gagawing masama. Pagkatapos ba naman ng lahat ng nangyari sa'kin hindi pa ako natutong mag-ingat?"

"Then tell us. Sino ang lalaking ito? What do you know about him?" seryosong tanong ng lolo niya.

Muli siyang naupo. "Nasabi ko na, part-owner s'ya ng Roxy. May-ari s'ya ng isang record label. Dati s'yang member ng banda pero na-disband na. S'ya si Lourd Kristof Fortes. Thirty-two years old. 'Yon lang. W-wala pa akong alam masyado sa personal na buhay n'ya."

Isang pagkabigat na buntong-hininga ang ginawa ng lolo niya.

"Hindi ka ba nag-aalala na baka masaktan ka lang?" tanong naman ng lola niya. Muli itong naupo sa tabi niya. Ang lolo naman niya ay palakad-lakad sa harap nila.

"Hindi po ba...hindi ko naman malalaman 'yon kung hindi ko susubukan?" Aniya. Suminghal ang lolo niya.

"At gusto mo pang mangyari 'yon? Are you insane, Cassie? Hindi ka namin pinigilan sa lahat ng gusto mo. When your mother died and after your counseling, ipinangako ko na sa sarili ko na ibibigay ko lahat ng pangangailangan at gusto mo. You are our princess. 'Tapos ay ganito? Sasabihin mo sa'kin ngayon na hahayaan mo na lang na saktan ka lang?"

Noon nangilid ang luha niya. She was touched. Hindi naman niya itinatanggi ang pagmamahal ng mga ito sa kanya. At mahal na mahal din niya ang mga ito. Subali't hindi rin niyang kayang basta na lang bitawan ang pagkakataong mahalin din ni Lourd.

"Granpa, alam ko naman po 'yon?" She said.

"Hindi ko s'ya kilala. Hindi ko alam kung ano talagang pakay niya sa'yo. Kaya bago pa lumawig ang nararamdaman mo sa kanya ay tigilan mo na." tugon nito.

Naramdaman niya ang paghawak ng lola niya sa kamay niya. Napatungo siya. Muli ay may kumatok sa pinto at tinungo iyon ng lola niya.

"Dumating na po ang bisita ni Ma'am Cassie." Narinig niyang sabi ni Mildred.

"Salamat." Sago ng ginang at lumingon sa kanila.

Tumayo si Cassie at kunuha ang denim short sleeves blazer niya. Hawak ang silver pouch ay nilingon niya ang lolo niya.

"Alam ko ang ginagawa ko, Granpa. I'm a big girl now. Kaya ko na ang sarili ko." Maluha-luha niyang sabi. Nagbuntong-hininga lamang ito at tahimik nang lumabas siya ng kwarto tanda na hindi pa rin ito sang-ayon sa gusto niya.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon