Chapter 18.3

468 17 2
                                    

May isang oras nang nakaupo si Lourd sa single chair sa gilid na kama ni Cassie ngunit hindi pa rin siya kumikilos. Naroon lamang siya at tigtig na titig sa himbing na dalaga. Nakapatong sa gilid ng upuan ang mga siko haggang magkadaop ang dalawang kamay na pulos band-aid ang likod ng palad niya. At hawak noon kamay ng dalaga. Sa paghawak niyang iyon ay nasasalat niya ang pilat nito. He kissed her hands. Nagbabakasaling kikilos ito.

It has been ten days ngunit hindi pa rin nagigising si Cassie. Lahat ay sila ay inip na inip na dala ng pag-aalala. Hindi nila masisigurong ligtas na nga ito hangga't hindi nila ito nakikitang nagmumulat ng mga mata.

Naroon siya lagi sa ospital. Bago pumunta at pagkagaling sa studio ay dumadaan siya sa kwarto nito upang makibalita o kaya'y silipin ito. He missed her terribly.

Pinilit niyang ibalik sa normal ang lahat. Nakakulong na si Amanda at marahil hindi na ito maabswelto dahil sa pag-amin nito. Hindi na rin niya ito tinangkang kausapin. Baka hindi niya mapigil ang sarili at masaktan niya itong muli. It was such a waste of time talking to her.

Napalingon siya sa malaking bouquet ng bulakalak na nakalagay sa asul na vase sa side table ng kama nito. Siya ang may dala noon. Pangpitong bulaklak na niya iyon. Nagbabasakaling maamoy iyon ng dalaga at magising na ito. Ngunit tulad ng anim na nauna, walang nangyari. Himbing pa rin ito.

Hindi na itinuloy ang anniversary party ng kanyang mga magulang. Hindi kayang magsaya ng kahit sino dahil sa nangyari. Pinasabihan na lang ang lahat ng guest. Nagpadala ng regalo bilang paghingi ng paumanhin sa nangyari.

Dumalaw na rin ang mga kapatid niya sa ospital. Matinding emosyon ang dumaan sa pamilya niya dahil sa gulat ng mga ito. Hindi madaling tanggapin ngunit nakakaintindi pa ring tumanggap ang mga kapatid niya.

But things will never be the same again. Hindi na maaaring ibalik ang lahat. At kahit na anong pilit niya sa sariling maging maayos ay nahihirapan siya. Dahil iisa lamang ang nais niyang mangyari. Ang makitang muli ang ngiti ni Cassie.

"Cas." Aniya. Nagbabasakaling kumilos ito. "Ang sabi ng doktor nakakarinig kahit pa'no kahit tulog ka. Patawarin mo 'ko sa nangayari. I...really didn't expect it. Hurting you would be the last thing na gagawin ko sa buhay ko. I'm really sorry."

He breathed out. Tila naninikip ang dibdbi niya dahil sa bigat ng nararamdaman. Inalapit niya ang silya sa kama nito at isinubsob ang mukha niya patagilid sa kama nito. Parang gusto na naman niyang lumuha.

"Wake up. Miss na miss na kita." Halos pabulong niyang sabi dito. Umasa siya ng kahit na anong tugon. Kahit paggalaw man lamang ng daliri nito. Kahit pagkilos ng kilay o pagdiin ng hawak nito. Ngunit lahat iyon ay hindi nangyari. She remained still. No response. Just always in deep sleep.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Inayos niya ang sarili at hinintay ang paglapit ng kung sinong pumasok.

"Anak." Tinig ng kanyang ina iyon.

"Ma." He acknowleged her. Umayos siya. Lumapit ito at hinawakan ang balikat niya.

"Try to get some sleep. Masyado ka nang napapagod." Sabi nito.

"Okay lang ako, 'Ma." Hindi kumikilos niyang sagot.

"Nag-aalala na kami sa'yo. Napapabayaan mo na ang sarili mo. Don't worry. Andito naman kami."

"Paano mo tinanggap, 'Ma, ang lahat?" wala sa sarili niyang tanong.

Matagal itong hindi nakasagot. Tumingin ito kay Cassie saka bumaling sa kanya. Saka umupo sa gilid ng kama malapit sa kanya. Huminga ito nang malalim.

"Hindi naman nagdalawang-isip ang Papa mo na aminin sa'kin ang lahat. Nagalit ako noon s'yempre. Nasaktan ako eh. Walang kasing sakit. Ilang linggo, buwan ko s'yang hindi kinausap. Umalis ako ng bahay. Nag-stay kami ni Andrea sa bahay ng lola mo. Pero sinuyo n'ya ako. Paulit-ulit s'yang humingi ng tawad. May mga araw pa nga na sa labas na s'ya ng bahay natutulog. Sa loob ng kotse n'ya. Ginawa niya ang lahat para mapatawad ko. 'Yon ang pinakamahirap na pagsubok na pinagdaanan namin ng papa mo. Pero dahil mahal namin ang isa't-isa, tinanggap ko s'yang muli. I asked him about the woman but he said wala na s'yang alam kung nasaan ito kasi itinago sa kanya ng pamilya nito. At itinago namin ang sekretong 'yon sa pamilya natin nang twelve years. At sa loob ng maraming taon, Anak, pinatunayan n'ya kung gaano niya tayo kamahal."

Ngumiti ito sa kanya. "Panahon. Panahon ang tumulong sa'kin para matanggap ang lahat. And besides, Cassie is a wonderful child. Napalaki s'ya nang maayos at mabuti sa kabila ng lahat ng pinagdaanan n'ya. She has a good heart. A forgiving one." Dagdag pa nito saka siya niyakap mula sa likuran. Nakagaan iyon sa pakiramdam niya.

"Thanks, 'Ma. Sa lahat-lahat." Sabi niya. Naramdaman niya ang paghalik nito sa ulo niya.

"You're welcome. Please rest, okay? Nasa labas lang kami." Sabi nito saka siya tumango.

Muli niyang pinagmasdan si Cassie nang makalabas ang mama niya. Saka tahimik na nanalangin. Nahiling niya na sana ay magising na ito.

'Bukas sana, makausap na kita at makayakap na. At masabi ko na sa'yo na mahal na mahal kita.' Pagsusumamo ng puso niya.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon