Chapter 10.1

412 15 0
                                    

Panay ang buntong-hininga ni Cassie habang pinapanood ang pakikipag-usap ni Judge Romero sa kanyang lolo sa cellphone. Bahagya itong lumayo sa kanya at may glass wall ito nakipag-usap.

"No, Sir Alfon. You cannot stop me now." Narinig niyang sabi nito. Bahagyang lumakas ang tinig nito. Lalo siyang kinabahan. Mukhang nagtatalo ang mga ito.

"I see. Pero tulad ng nasabi ko na. Wala na kayong magagawa." Sabi pa nito saka tumingin sa kanya. "I deserve her now more than she deserves me."

Natigilan si Cassie sa nakitang emosyon mula sa mga mata nito. His stare was so tender. Tila humaplos iyon hanggang sa puso niya.

"See you, Sir." Anito at natapos ang pag-uusap. Lumapit ito at ibinalik sa kanya ang cellphone niya.

"N-nagalit po ba s'ya? Tito Rom, I'm sorry." Puno ng pag-aalala niyang saad.

"Of course, nagalit s'ya. Ayaw niyang nagkikita tayo eh. Kaya nga tumagal ng ilang taon na hindi kita napuntahan. But those years are over." Tugon nito at kumunot ang noo niya.

"Tito Rom, ano po ba talaga ang ibig n'yong sabihin? Bakit ba parang may pinagtatalunan kayo ni Granpa? Bakit ayaw n'yang magkita tayo?" sunud-sunod niyang tanong.

"Sabihin na lang natin na galit s'ya sa'kin. Dahil..." anito sabay hinga nang malalim. Parang hindi nito kayang sabihin nais nitong sabihin.

"Tito, please." She almost begged.

Nag-isang buga ito ng hangin saka nagpatuloy. "Anong alam mo tungkol sa pagkatao mo?"

Binundol ng kaba ang dibdib ni Cassie. Ano ang nais nitong sabihin niya? Nais ba nitong ulitin niya ang pagkukwento tungkol sa nakaraan niya? Anong ibig sabihin nito sa salitang pagkatao niya? Alam ba nito ang hindi niya tunay na ama ang lalaking ipinakulong nito?
"T-Tito..." bumibilis ang tibok ng puso niya. Nangiginig ang mga kamay niya.

"Tell me. What do you know?" ulit nito habang lumalapit sa kanya.

"Diyata's ako ang nagtatanong n'yan." inis na niyang sabi.

"Tungkol sa ama mo-"

"He's not my real father if that's what you want to know. Matagal ko na 'yong alam. I heard it by accident nang sabihin n'ya mismo na hindi n'ya ako anak. Kaya gano'n na lang ang kakayahan n'yang saktan ako..."

Mabilis na namuo ang luha ni Cassie. Muling kumirot ang dibdib niya nang alalahanin ang mga eksenang matagal na niyang nais kalimutan. Ang katotohanang matagal na niyang itinatago sa puso niya. She never bothered to ask about it. Dahil tila ayaw na ring ungkatin ng lolo't lola niya.

"Cassie..." saad nito at mabilis siyang dinaluhan. Hinawakan nito ang kamay niya na may takip na cotton gloves. Tuluyan na siyang napaiyak. Mabigat ang pakiramdam niya. Noon lamang ulit siyang umiyak nang ganoon.

"Hush, sweetie. It's okay." Pag-alo nito sa kanya habang yakap siya. "He was a big fool hurting you and your mother. Walang kapatawaran ang ginawa niya. Kung ako lang ang masusunod ay tinapos ko na ang buhay n'ya. Pero ang batas na ang bahala sa kanya."

Patuloy siya sa pag-iyak. Matagal nang nangyari sa kanya iyon ngunit patuloy pa rin ang sakit na humihimay sa kanya.

"Kung kaya ko lang baliin ang batas para sa'yo ay ginawa ko na. It hurts me seeing you like this. You don't deserve this. Any of my children don't deserve this." Panay sabi nito sa hirap na tinig. Tila wala sa loob ang sinabi nito ngunit hindi iyon nakaligtas sa pangdinig niya.

"Children?" hilam ang mukha sa luha niyang tanong dito nang bahagya siyang lumayo dito. Hindi kaagad ito nakatugon. Nakatitig lamang ito sa kanya.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon