Chapter 17.1

430 16 0
                                    

"A-anong ginagawa mo dito?" naguguluhan tanong ni Cassie. Abut-abot ang pagtahip ng kanyang dibdib.

"You left the door open." Maarte nitong tugon at walang pasabing naupo sa one-seater. Dumi-quatro ito. Nakapatong ang mga siko sa gilid ng sofa.

"Anong kailangan mo? Hindi ba't magkasama kayo ni Lourd? " she asked. Pinahid niya ang luha sa kanyang mukha. Hindi dapat nito mahalata ang nangyayari sa kanya. Pagtatawanan siya nito.

"Si Lourd? Ewan ko. Baka hinahanap ka." Walang gatol nitong tugon.

"Break na kayo di'ba? Anong..." she asked. Tumawa ito. Nainis siya.

"Hindi para sa'kin. Ako ang magsasabi kung kailan kami matatapos." Sagot nito. Inis na nag-iwas siya ng tingin. Pagod na siya kaya wala na siyang panahon para sa panggugulo nito.

"Pwede umalis ka na." Malamig niyang saad. Amanda smirked. Galit siyang lumingon dito.

"Nakita mo kami." Sabi nito kasabay ng palatak. "Poor bitch. Hindi ka niya gusto. Sinabi ko na sa'yo, hindi ba? Naniwala ka naman agad sa kanya na wala na kami."

"Ano bang sinasabi mo?"

Umikot ang mga mata nito saka nagbuntong-hininga. "Stop it. Don't play as if you are the victim. Ikaw 'tong patay na patay sa kanya. At no'ng nalaman mo na nagkakalabuan kami eh umeksena ka naman."

"Huwag mo 'kong pagbibintangan. Hindi ako katulad mo." napatayo niyang saad. She was really surprised on that matter.

"Oh, come on. Huwag ka nang magmalinis. Player ka rin naman hindi ba? Hindi ka rin nawawalan ng karelasyon. Kaya huwag ka nang umarte na parang si Lourd ang unang lalaki sa buhay mo." Mayabang nitong tugon.

She breathed out. "Ang kapal ng mukha mo."

"Bitch." Anito.

Marahas siyang lumapit dito. Ngunit mabilis naman itong tumayo at lumayo sa kanya. Umangat ang kamay nito.

"Huwag kang lalapit sa'kin. Hindi mo ako masasaktan. Tanggapin mo sa, Cassie. Alam natin pareho na hindi ka siseryosohin ni Lourd. Kaya sa'kin siya. At saka alam naman natin pareho kung sino ang talagang mahal n'ya kaya huwag kang aasa. At ako tanggap ko 'yon as long as akin s'ya." Saad nito.

Natigilan siya. Kunwa'y lumabi ito nang makita ang pagkagulat niya.

"Kawawa ka naman. You thought you can win him."

"Tumigil ka na, pwede!" Sansala niya dito. Nagsimulang manginig ang kanyang katawan. Kung sa galit o pagkalito ay hindi niya alam. Naikuyom niya ang mga kamay sa pagpigil na saktan ito.

"Cheap bitch." Nag-aakusa ang salita nito.

"Umalis ka na!" galit niyang hiyaw at akmang lalapit dito ngunit umatras ito. Namagitan sa kanila ang malaking sofa.

"Ano bang gusto mo, Amanda? Bakit hindi mo matanggap na hindi ka mahal ni Lourd?" gagad niya.

Humagipgip ito. "Let me tell you a story. There was a father and child. Me and my Dad. Isang financial analyst ang Daddy ko. And he went into business. Parangap ng Daddy ko na magkaroon ng sariling insurance company. He planned everything. And it went very well. Marami kaming naging kliyente. My father wanted to be the best. Pero sa isang iglap, niloko siya ng isang babae at kinamkam niya ang lahat ng pera ng kumpanya. That left us to burden. Nalubog sa utang ang Daddy ko. Wala kaming pambayad sa lahat ng investors, sa mga members."

Nagsimulang mangilid ang luhat nito ngunit mabilis din nabawi iyon ng galit sa mukha ni Amanda. She was frightened. Mukhang siya masasaktan nito kaysa siya ang makapanakit dito.

"Kinasuhan nila ang Daddy ko. Staffa. Pero wala namang kasalanan ang Daddy ko eh. Niloko lang siya ng babaiung 'yon. Nakiusap siya kay Judge Fortes na tulungan siya. Pero tinanggihan niya ang Daddy ko. Guilty ang hatol niya. That left me with nothing but shit!"

Napakurap sa gulat si Cassie. Hindi niya gusto ang nakikitang panlilisik ng mga mata nito.

"He was guilty." Saad niya.

"Hindi. He was a heartless judge. Kaya hindi ko hahayaang maging masaya si Lourd sa piling ng iba. Sa akin siya at ako ang magpapahirap sa kanya. Magiging mesirable ang buhay ni Lourd at makikita ni Judge Fortes ang paghihiganti ko. At ikaw ang hadlang sa plano ko, Cassie. Nakikita ko sa mga mata niya na pinahahalagahan ka niya. Everything happened the way I never expected, never in my plan. So you better die." Puno ng pagbabanta ang tinig nito.

Hanggang nanlaki na ang mga mata niya nang mabilis nitong abutin ang vase na hugis bote sa tabi ng sofa at basagin iyon. Natira ang basag na bahagi na hawak nito at sinugod siya.

Mabilis siyang kumilos upang lumayo dito. Tinakbo niya ang pinto palabas ngunit nagulat niya dahil niya mabuksan iyon. Paano nito nagawang maisara iyon nang hindi niya namalayan kanina? Pinlano ba nito ang lahat?

Sumandal siya sa pinto at nakitang papalapit si Amanda sa kanya. Tumakbo siya patungo sa main sala. Hinabol siya nito. Nakita niya ang daan patungo sa lower deck at tumakbo patungo doon ngunit nagulat siya nang nahila ni Amanda ang buhok niya. Noon ay hawak na niya ang hamba ng hagdan.

"Saan ka pupunta?" anito at bigla siyang iniuntog nito sa kahoy na hamba. Kaagad niyang naramdaman ang sakit sa ulo niya.

Maybe it was adrenaline. Nagawa niyang humarap dito at nasipa niya ito. Gumapang siya palayo dito.

Nakita niyang papalapit ito muli sa kanya. Her head was really aching. Nahihilo na rin siya ngunit determinnado siyang pigilan ito. Nasaan na ba si Lourd?

Pinilit niyang tumayo ngunit pasugod na ito. Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang makalapit ito sa kanya. Inuunday nito ang kamay pasugod sa kanya ngunit mabilis niya iyong pinigilan. Nagbuno sila. Noon na rin siya napaiyak. She was horrified. Takot na takot siya. Parang nauulit ang lahat. Ang karahasan. Malakas ito marahil dahil sa galit nararamdaman. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito.

"Die, Cassie. Die." Gigil na gigil nitong saad. Parang gustong gumuho ng mundo niya nang mga oras na iyon. Patuloy siya ng pag-iyak habang buong lakas na pinipigilan ang kamay nito. Hanggang itulak siya nito. Napahiga siya sa sahig.

"Huwag!" Sigaw niya habang pigil muli ang kamay nito. Hinigpitan niya ang hawak niya sa pulsuhan nito. She had to fight. Her nightmares are over. Tama na. Inipon niya ang lahat ng lakas na mayroon siya upang pigilan ito. She had to fight for her life. Taon ang binuno niya upang mabuhay. Kaya hindi siya papayag na ulitin iyon lahat ni Amanda.

Ngunit palibhasa'y nasa ibabaw niya ito kaya nahirapan siya. Nagiging mas malakas si Amanda sa kanya. Dahil marahil sa pagod at sa hilong nararamdaman niya. Idagdag pa na parang umiinit ang ulo niya. Parang namamanhind rin iyon. Unti-unti na nitong naibaba ang bubog patungo sa kanya. Lalo siyang nataranta. Naipanalangin niya na sana ay may dumating na tulong. Na sana ay dumating na si Lourd.

Parang panghihinaan na ng loob si Cassie nang dumaiti na sa pagitan ng leeg at balikat niya ang bubog.

"Ahgg." Daing niya nang maramdaman ang pagbaon noon. Hawak pa rin niya ang kamay ni Amanda. "Please, huwag..."

"Huwag!" anang isang tinig at kasunod noon ay may humila kay Amanda papalayo sa kanya. Si Lourd!

Hirap siyang gumapang at sumandal sa pader. Hinawakan niya ang leeg niya. It was bleeding. She almost fainted when she saw the blood. Nahihirapan na siyang huminga.

'No! Not again!'

Nakita niya ang pag-aaway nina Amanda at Lourd. He was trying to stop her. She even heard Lourd shouted but she cannot watch all of it. Masakit na masakit ang ulo niya. Unti-unti nang nanlabo ang paningin niya at bumalot na ang dilim.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon