Chapter 5.3

396 15 0
                                    

Tila hindi na lumilipas ang bawat sandali na hindi tumatakbo sa sistema niya si Lourd. Gestures pa lang nito ay nakukuha na ang buong loob niya. At sa mga sandaling iyon ay hindi niya ipagpapalit sa kahit na anong bagay ang pagkakataong kasama niya ang binata. Kahit pa magkasamaan sila ng loob ng lolo niya.

Lourd arrived on their house on time. Natural, nakasuot ito ng jeans at sa bahagya niyang gulat ay nakapolo ito at pinatungan ng vest. Casual yet, still stylish and rugged. And his scent was dragging to her nose trill up to her nerves.

Bago sila umalis ay kinausap muna ito ng lolo niya. At habang kausap ito ng lolo niya ay napansin niya ang pagtiim ng bagang paminsan-minsan ng lolo niya. Nagpasalamat pa rin siya na pinakitunguhan pa rin ng mga ito nang maayos si Lourd.

"What made you say yes to this date?" tanong sa kanya ni Lourd. Kasalukuyan silang nasa byahe at wala siyang ideya kung saan sila pupunta. Katatapos lang nilang kumain ng hapunan sa isang restaurant at sinabi nito sa kanya may pupuntahan pa sila.

"Bakit ayaw mo?" Nakangiti niyang sagot. "Saan ba tayo pupunta?"

Noon ito tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Somewhere." Sagot nito at muling ibinalik ang tingin sa daan. Napuno siya ng excitement. Kinakabahan man ay hindi pa rin maalis sa kanyang isipin ang maaaring mangyari.

"Naiintriga tuloy ako." Naisip niyang sabihin upang bumukas ng usapan.

"Bakit?" simpleng tanong nito.

"I don't know. Dahil siguro wala akong idea." Biro niya.

"Just relax." And he followed a bit of smile.

She could have been more wrong. For Lourd led to something strange. Huwag naman sanang paglaruan lang siya ng binata. Dahil naisuko na niya ang puso dito. Handa na siyang tuluyang gumaling at hayaan ang sariling magmahal.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon