Chapter 14.1

381 17 1
                                    

"Daddy!" she shouted with fear. "Nasasaktan ako, ahg!"

Pinilit ni Cassandra na bawiin ang brasong hawak-hawak nito ngunit tila lalong bumabaon ang mga daliri nito. Hinila siya nito palabas ng kwarto.

Halos magkulay talong na ang kanyang dalawang braso mula sa balikat pababa sa kanyang pulsuhan dahil sa namuong dugo. Maga ang kanyang kaliwang mata dahil sa bugbog.

"Danny, tama na!" sigaw ng kanyang ina. Tumakbo ito at pinigilan ang asawa sa paghila sa kanya. Kahit ito ay bugbog na rin ang katawan. Dumudugo pa ang labi nito dahil kakasuntok lang dito.

"Get off my way!" sigaw ng lalaki sabay sipa dito. Sumadsad ang kanyang ina at nauntog sa balustre ng hagdanan.

"Mommy!" tawag niya sa ina.

"C-Cassandra..." nanghihinang tawag nito sa kanya. Pagapang itong kumilos at pilit na tumayo ngunit muling nabuway.

"Mommy!" muling tawag niya dito.

"Tumahimik ka!" saway ng Daddy niya at lumapat ang palad nito sa kaliwa niyang pisngi. Kung hindi lang siya hawak nito at naagapan ay baka nahulog na siya sa hagdan dahil sa lakas ng sampal nito.

Patuloy silang bumaba ng hagdanan. Nilingon ni Cassandra ang ina, napilipit pa ang kanyang leeg dahil sabunot nito ang buhok niya. Nakita niyang pilit itong tumatayo upang humabol sa kanila.

Pigil ni Cassandra ang humiyaw dahil sa sakit na nararamdaman at sa takot na baka muli na naman siyang saktan ng ama.

Narating nila ang basement. Ito ang nagsisilbing stock room ng bahay. Dito itinatago ang mga hindi na ginagamit na kasangkapan at ang mga gamit nila sa hardin. May kaliitan ito kaya patung-patong at sala-salabat ang mga gamit doon.

Lumapit ang kanyang papa sa switch ng ilaw na hila-hila pa rin siya. Pagbukas ng maliit na ilaw ay paluhod na hinarap siya ng ama. Namumula ang mga mata nito. Puno ng pawis at nangangatal ang buong katawan. Sa edad na labing-isa ay alam na at naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang hitsura at asal ng ama. Lulong ito sa masamang bisyo.

"I hate those eyes." Matalim na sabi nito habang nakatitig sa kanya. Nanlilisik ang mga mata at humihingal. Sa tingin ni Cassandra ay hindi ang kanyang papa ang kaharap niya.

Nangangatal na umiyak si Cassandra dala ng sakit ng buong katawan. Napalitan ng galit ang mukha nito dahil sa pananahimik niya.

"Bakit ka umiiyak?!" sigaw nito. Tumalsik pa ang laway nito sa mukha niya sabay yugyog sa ulo niya. Lalong napaiyak ang batang si Cassandra at alanganing umiling. Unti-unting ngumiti hanggang maging halakhak ang ginawa ng kanyang ama.

"Danny! Ilabas mo si Cassandra. Pakawalan mo ang anak ko!" mula sa labas ay narinig ni Cassandra ang boses ng ina. Binabayo nito ang nakasarang pinto ng stock room.

"Get lost you sloth!" ganting sigaw ng kanyang papa. Maya-maya'y hinila siya nito at pinaupo sa isang lumang wooden comfort chair.

"Daddy, please let me go!" umiiyak na pakiusap niya sa ama. Ngunit tila bingi ito sa anumang naririnig. Parang baliw na nagpaikot-ikot sa loob ng stock room na pawang may hinahanap.

"Danny ano ba? Pakawalan mo ang anak ko!" patuloy pa rin ang sigaw ng kanyang mama.

"Mommy!" tawag niya sa ina. Tumayo siya upang takbuhin ang pinto nang muli nitong hablutin ang kanyang buhok.

"Saan ka pupunta ha?" gigil na tanong nito sa kanya. "Umupo ka!" sabay balya sa kanya sa upuan. Tumama ang kanyang tagiliran sa armrest nang upuan dahilan upang mahirapan siyang huminga. Walang nagawa si Cassandra kundi ang maupo dahil nanghihina na siya.

Muli ay nagpaikot-ikot ang kanyang papa sa loob at ang kanyang ina ay patuloy ang pagbayo sa pinto. Wala silang duplicate key para sa stock room dahil hindi naman iyon nagagamit at madalang buksan.

Nakita ng kanyang Daddy ang tool box at binuksan iyon. Hinalo at maya-maya'y may hawak na isang concrete nail. Biglang nataranta si Cassandra nang makitang papalapit ito sa kanya. Nakangising tinungo siya nito.

Nilingon niya ang pinto sa pag-asang naroon pa rin sa labas ang kanyang ina ngunit wala na ito dahil tahimik na ang parteng iyon. Nanlalaki ang mga matang sinalubong niya ang namumulang mga mata ng kayang ama.

"Huwag po, Daddy..." pabulong na pakiusap niya sa ama.

"Blood, blood!" tila baliw na sabi nito sa kanya.

Itinulak siya nito pasandal sa upuan at kinuha ang lubid na straw na tali ng mga kahon na pinaglalagyan ng mga bulaklak. Itinali nito ang mga braso niya sa magkabilang armrest pahiga ang kanyang mga kamay. Lalong nangitim ang kanyang braso at napatili siya nang higpitan nito ang pagtatali. Hindi na niya maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan niya. She rests her head on the wooden chair. Pinulot nito ang nahulog na malaking pako.

"Ahhhgggg!" biglang sigaw ni Cassandra ng maramdaman ang walang kapantay na sakit sa kanyang palad. Nakita niyang inihihiwa nito ang pako sa palad niya. Kitang-kita ni Cassandra ang pagsirit ng kanyang dugo mula sa kanyang palad. Pakiramdam ng batang katawan niya ay para siyang isang hayop na kinakatay.

"T-tama na po." hindi na niya alam kung paano pa niya nagagawang tumugon at manatiling buhay.

'Papa Jesus please heal my pain.' piping dasal ni Cassandra at tuluyang nang nawalan ng malay...

"Huwag!" nagulat si Lourd nang biglang sumigaw sa gitna ng pagtulog si Cassie. Nakapikit ito ngunit umiiyak.

"No." banggit nito sa gitnang pagtangis.

"Cassie." Paggising niya dito. Noon niya inihimpil ang sasakyan. Malapit na sila sa ranch house at marahil sa pagod ay nakatulog ito habang nasa byahe sila. At habang tulog ito ay may pagkakataong umuungol ito. Hindi na lang muna niya ginising ito dahil manaka-naka naman iyong nawawala.

"Please..." humahagulgol ito.

"Cassie, wake up." Niyugyog na niya ito. "Wake up."

Noon ito napamulat. Hingal na hingal ito. Puno ng luha ang mukha nito. She really looked scared.

"Okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong habang hinahaplos ang buhok nito. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng pantalon niya at ipinunas dito. Hindi pa rin ito kumikilos.

"Hey." Buong suyo niyang pukaw sa atensyon nito. Inabot niya ang baba nito at iniharap sa kanya. Parang madudurog ang puso niya nang makita ang mga mata nito. Inabot niya ang bottled water sa dash board at ibinigay dito.

"S-salamat." Sa wakas ay nagsalita na rin ito saka uminom. He felt relief in a way. Akala niya ay hindi na ito gagalwa.

"Bad dreams?" tanong niya. Tumango ito.

"Madalas ka bang ganyan?" muli niyang tanong.

Nagbuntong-hininga ito. "H-hindi naman. Siguro kasi pagod ako kaya...ok lang ako."

"Sigurado ka ba? Gusto mong dumaan tayo sa clinic or..." paniniguro niya. Kung siya ang tatanungin ay tila hindi pa ito maayos.

"Yeah." Tumatango nitong tugon.

"Cassie-"

"I'm okay." Agap nito pigil ang kanyang labi ng hintuturo nito. "Huwag kang mag-alala. Panaginip lang naman 'yon."

Wala na siyang sinabi. Inabot niya ang kamay nito at hinalikan iyon. He was really worried about her.

Ngumiti ito. At kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala niya.

"Let's go." Pag-aaya nito. Nakatingin pa rin dito niyang binuhay ang makina. At inabot pa nito ang pisngi niya bago sila umusad.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon