Cassie was not surprise. Sa Antipolo siya dinala ni Lourd dahil napansin niyang palabas sila ng Maynila. Sa isang sikat na bar sa kahabaan ng Sumulong Highway sila pumunta. Weekend kaya maraming tao sa naturang bar.
Bahagyang nanghinayang si Cassie dahil ang akala niya ay sa mas romantikong lugar sila pupunta. But it ended up being a simple night-out and unexpectedly, Lourd was working overtime. Naroon sa nasabing lugar ang artist ng LinkMusic na Skiptloosemonk. May gig pala ang mga ito. Ganoon pa man, nagkibit-balikat na lang siya. I-eenjoy na lang siguro niya ang lugar.
"Guys!" Pasigaw na sabi ni Lourd sa mga nakaupong kalalakihan dahil maingay ang lugar.
"Oh, sir." Sabi ng isang nang makita sila. Tumayo ito at inabot ang kamay ni Lourd na animo'y magmamano ito. Natatawang binawi ni Lourd ang kamay at mahinang binatukan ito.
"Kumusta? Tapos na ba kayo?" tanong nito sa mga ito habang nakikipag-high five sa iba. Samantalang siya ay hawak nito sa kamay sa likuran nito.
"May isang set pa kami." Sagot ni Euan Roswell, ang bokalista. Ito rin ang nag-iisang anak ng boss nila na si Roxanne.
"Alright. Ah, guys..." sabi ni Lourd at bahagya siyang hinila. Lumipat ang kamay nito mula sa kamay niya papunta sa kanyang baywang.
"This is Cassie." Pagpapakilala nito sa kanya saka tumingin sa kanya.
"Kilala mo na si Euan. Pero itong si Mike, Marlon at Jershian ay hindi pa." Iniisa-isa nito ang lahat ng nakaupo.
"Hi." She raised her hand and waived.
"Sir, ang swerte mo naman. 'Xquizit ang date mo. You're exquisitely beautiful, Cassie." tumayo si Mike at kinuha ang kanyang kamay at dinala ito sa labi nito.
"Hindi siya interesado sa'yo, Mike." Hindi naitago ang inis na saway ni Lourd.
"Okay, boss. Para halik lang eh. Masyado ka naman." Nakataas ang kamay na muli itong umupo sa silya. Nagkatawanan ang lahat at pati siya ay nakitawa na rin. These guys were cool. Napapaisip tuloy siya kung bakit naiinis si Amber kay Euan gayong masaya naman itong kasama. May kapilyuhan nga lamang na normal naman sa kagaya nitong artist.
"Basted! Wag kasi epal, pisan!" Pang-aasar ni Jershian sabay hagis ng drumstick. Hindi naman ito nasaktan at tumatawa pang ibinato pabalik ang stick dito. Lalong lumakas ang kantiyawan at tawanan.
"Don't laugh with them. I don't like it." Bulong sa kanya ni Lourd. Idinikit pa nito ang labi sa tainga niya kaya para siyang hinahalikan nito.
Perhaps it could come to her attention the sweet glitter feeling that made her turn her head and look at him.
"Hindi naman masamang tumawa di ba?" mahina niyang tugon. And she blissfully shivered when he pressed her waist trying to show his anger.
"I'm your date." Tila naiirita nitong bulong.
"Alam ko."
"Then stop flirting." He hissed.
"Grabe ka naman. Hindi naman." She said trying not to laugh.
"Ah...sir, nag-aaway na ba kayo?" singit sa kanila ni Marlon. Marahil na napansin ng mga ito ang palitan nila ng salita sa kabila ng mahina naman iyon.
Inis na binalingan ito ni Lourd. "Just leave us alone."
Hinila siya nito palabas ng bar at naiwan ang mga nagtatawanang sina Jeuan. They walked heavy but in silent by the tiled floor of the bar towards outside. Gusto niyang magprotesta dahil nasasaktan siya sa higpit ng hawak nito sa kanya.
Pagdating sa labas ay binitawan siya nito. Lumayo ito sa kanya at nakita niyang naglabas ito ng sigarilyo. Sinindihan at hinithit. Halatang may kinainisan ito.
"May problema?" tanong niya habang hinihamas ang tila nabali niyang kamay.
He continued popping the cigarette. He looked a pro in smoking but it never irritated her. In fact, she found it still natural to him yet very masculine.
"I'm sorry. Nasaktan ba kita?" sabi nito at tukoy ang kamay niya.
"H-hindi naman." Sagot niya kahit na ang totoo'y tila humapdi ang palad niya. Humithit pa ito ng isa. Binitiwan ang sigarilyo at inilaglag sa lupa at tinapakan. Tumingin ito sa kanya ngunit hindi nagsasalita. He put his hands on his pocket and stared at her.
"I'm sorry, Cassie." He uttered. "This is not supposed to be our date. Hindi kita dapat dito dinala."
Nilingon niya ang paligid imbes na sagutin ito. At napansin niya na sa likod ng bar pala siya hinila ni Lourd kung saan kitang-kita ang buong Maynila. Dahil sa sobrang pag-iisip kay Lourd ay nakalimutan niya ang overlooking view na nagpasikat sa Antipolo.
"Maganda naman ang lugar. Okay lang." sabi niya at muling tumingin dito.
"Honestly Cassie. I don't know how to prepare a date. Hindi ko alam kung saan dapat dinadala ang isang date. I do go out with women but never a real date." Sabi nito.
"You mean I'm your first date? Joker ka pala." she asked smiling but in disbelief. Even at a distance, his warmth assailed to her. And the warmth was magnifying.
"No. It is the first that I treat as a real one."
Natilihan si Cassie. Tila umurong ang ulirat niya dahil sa kakaibang sayang naramdaman. Nagdiwang ang puso niya. Hindi na niya napigilang mapatawa.
"Pwede pa naman nating ayusin." She said and walked towards him. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila sa isang park bench na nakaharap sa view. Umupo siya ngunit nanatiling nakatayo ito.
"Halika, tabi tayo." Utos niya.
"Anong binabalak mo?" naguguluhan nitong tanong.
"Magdi-date." Sagot niya sabay hila sa kamay nito. Nang makaupo ito ay sumandal siya at pinagsawa ang mga mata sa tanawin. Then she closed her eyes as she whiff the fresh mountain air.
"Dito na lang muna tayo, mag-usap na lang tayo." Sabi niya habang nakapikit pa rin.
BINABASA MO ANG
ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)
Romance"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si Lourd Fortes. Tahimik at mula sa malayo niya ito minahal at minamahal. Sapat na sa kanya ang makita...