Chapter 13.2

392 15 3
                                    

Isang pagkalalim na buntong-hininga ang ginawa ni Cassie nang makababa sa lobby ng building. She closed her eyes with her hand on her forehead. Muli siyang nagbuga ng hangin dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. She was surprised and shock. Hindi niya inaasahan na maririnig ang usapang nadatnan. Gusto niyang tanggihang paniwalaan ang lahat ng sinabi ni Lourd. Gusto niyang isipin na hindi nito ibig sabihin iyon. Tulad ng sinabi nito kanina sa kanya.

Ngunit bakit nito nabanggit ang salitang hindi siya dapat siniseryoso? Ganoon na ba kababa ang tingin nito sa kanya? Dahil lang sa nag-isip kaagad ito ng masama nang makita silang magkasama ng ama nito?

Nagpunta siya sa opisina nito upang makipagkalas kay Lourd. Iyon ang nabuo niyang desisyon matapos ang insidente sa restaurant. Hindi na nagiging maganda ang mga nangyayari. Anumang oras na malaman ni Lourd kung sino siya at magkaanu-ano talaga sila. Na isang malaking kahibangan ang nagkalapit sila sa isa't-isa.

Hindi ikinatuwa ng kanyang ama ang inasal ni Lourd. Iyon daw ang unang pagkakataong nakita niyang ganoon ang anak. Kilala nitong palaging mahinahon at masayahin ito. Wala sa bokabularyo ni Lourd ang mag-eskandalo nang ganoon.

Ngunit ang insidente ring iyon ang naging dahilan upang malaman ng kanyang ama na may namamagitan sa kanila ni Lourd. Mangha itong tumitig sa kanya habang nagpapaliwag siya. Panay ang iling nito at buntong-hininga. Hanggang sa ikinagulat niya ang biglang sinabi nito...

"Broke up with him." Sabi nito sa kanya.

"O-of course. 'Yan po ang balak ko. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo." Tugon niya.

"Broke up with him but don't tell him that you're my daughter. Hayaan mo s'ya sa kung anong iniisip niya."

"P-pero-"

"Trust me. Hindi ito ang tamang panahon para malaman niya ang tungkol sa'yo. Nakita kong kasama niya si Amanda. I have a hint that Amanda has something to do with. Hindi mapanghusga si Lourd. S'ya na marahil ang pinaka-open minded na anak na nakilala ko. Kaya nasorpresa ako sa ginawa n'ya. You must be really something to him." Mahabang sabi nito.

"Pero ang alam ko po, wala na sila ni Amanda." Aniya.

Nagkibit-balikat ito. "Hindi pa nakatali ang anak ko. Kaya pang gawin ni Amanda ang gusto niya. Sa simula pa lang na maging empleyado ko si Amanda ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Kung hindi nga lamang kaibigan ko ang nagrekomenda sa kanya ay hindi naman s'ya mapupunta sa firm."

'Anak ko.' Bakit iyon ang terminong ginamit nito at hindi, 'Kuya mo o kapatid mo?'

"Bakit ganoon na lang ang duda n'yo kay Amanda?" nagugluhan niyang tanong. Hindi ba't empleyado nito si Amanda? Oo nga'y may pagdududa ito. Pero bakit kailangang damay siya. Ano bang plano nito?

"Ikaw? Gusto mo ba s'yang maging kaibigan?" balik-tanong nito. Hindi siya nakatugon.

"Please, anak. Makisama ka muna. Alam ko ang gagawin ni Lourd sa oras na makipaghiwalay ka. At alam kong rin kung bakit n'ya gagawin 'yon. I just want to give my son a little dose of his short judgment." Himig-pakiusap nito.

"O-okay po."

Ramdam na ramdam ni Cassie ang sakit ng dibdib niya. It was like she wanted to cry. Ngunit pinipigil niya ang sarili. Gustung-gusto na niyang isiwalat ang totoo dito dahil nasasaktan siya sa ginawa nito sa kanya. Hindi totoo ang akala nito.

"Mukha kang nalugi ah." Anang isang tinig na nagpalingon sa kanya. Nasa tabi na pala niya si Amanda.

"Hi." Pinilit niya ang sariling batiin ito.

"It seems like si Lourd ang pinoproblema mo." Sabi nito.

"It's none of your business." Sagot niya at tinalikuran na ito upang lumabas ng building.

"Hindi ikaw ang magpapabago sa kanya." Napahinto si Cassie nang marinig ang sinabi nito. Lumapit ito sa kanya.

"Hindi kayo magtatagal. Lourd is just lovable. Hindi lang niya matanggihan ang mga kagaya mo. But nothing's more behind that." Saad nito. She snorted.

"So?" namimilosopo niyang sagot.

"Pwede kayo ngayon pero hindi ako papayag na hindi siya babalik sa'kin. At isa pa, sigurado ako na hindi ka n'ya mahal. Alam kong alam mo 'yan." Mataray na sabi nito sa kanya.

"I don't do cat fights, Amanda. Sa ibang kalye mo dalhin ang kahibangan mo. Wala na kayo. Move on." Sagot niya sa pagtataray nito sabay talikod papalayo.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon