Chapter 2.1

610 18 0
                                    

Hapong ibinagsak ni Lourd ang katawan sa ibabaw ni Amanda. Habul-habol niya ang hininga at bumilang ng ilang segundo bago gumalaw. Saka inihiga ang sarili sa tabi nito. Si Amanda ay mabilis na yumakap sa kanya at nanatiling nasa kisame ang kanyang mga mata. He just had sex with her and it satisfied his lust. But nothing deeper than that.

"Darling, is there any problem?" tanong ni Amanda. Manaka-nakang hinahalikan nito ang kanyang leeg.

Hindi niya ito sinagot dahil wala naman siyang alam na pwedeng sabihin. At wala siya sa mood upang makipag-usap. Gusto lang niya ay matulog. Maaga pa kung tutuusin dahil alas otso pa lang gabi ngunit dalawang araw na siyang agaw lang ang tulog dahil sa mga engagements ng mga artists ng label kabilang na si Kathryn na siyang sikat na pop/rock artist. Isama pa ang major concert ng 'Skiptloosemonk' na siyang pinakasikat na rock band sa bansa.

Wala siyang reklamo kung toxic ang trabaho sa label niya. Mahal niya ang kumpanya niya. Naiinis lang siya dahil tila sabay-sabay na nagsusulputan ng sakit ng ulo niya. Isa na doon ang kanyang ama.

Galing siya kanina sa opisina nito sa Pasig upang kuhanin ang updated contract ng kanyang mga artists at i-discuss ang legal aspects ng label niya. Ngunit ang pakikipagrelasyon niya kay Amanda ang ibinungad nito.

Judge Romero Fortes Jr., a dictator who practice his own definition of justice. Kahit sa kanilang magkakapatid ay ginagamit nito ang pagiging hukom sa pagdidesisyon. His family owns a law firm and he combines his court power to business. Ang Fortes-Diomidez Associates ay isa sa joint business ng pamilya niya. Ang mga Fortes sa bahagi ng kanyang ama at Diomidez sa bahagi ng kanyang ina. Ngunit hindi niya gusto ang magbasa ng batas at imanipula ito. He wanted the other face, art and music.

Kahit kailan ay hindi sila nag-away ng kanyang ama. Lumaki siya sa estrikto pero mapagmahal na pamilya. Isang psychologist ang kanyang ina. Apat silang magkakapatid at nag-iisa siyang lalaki. Pangalawa siya. Siya ang inasahan na susunod sa yapak ng pagiging hukom pero hindi iyon nagkatotoo. Si Andrea, panganay niyang kapatid ang naging abogado at kasalukuyang namamayagpag ang karera sa court and legal industry.

Sinuportahan ng kanyang pamilya ang career niya mula sa pagiging vocalist sa rock band hanggang sa pagiging producer niya. Inalagaan siya ng kanyang mga magulang at minahal nang buong-buo. Kaya paano niya tatanggihan ang kanyang ama na nagsabing hiwalayan na niya si Amanda? He wondered why? Na kung iisipin ay sa mismong firm nila nagtatrabao si Amanda. Nang tanungin naman niya ito ay hindi naman ito sumagot nang maayos.

"Bakit sobrang workaholic mo? Wala ka nang time sa'kin." Naghihimutok nitong saad sa malambing na paraan.

Hindi siya muling tinugon dahil kung tutuusin ay dapat naiintindihan siya nito bilang girlfriend niya. Alam dapat nito na buhay niya ang ginagawa niya.

He was running a fast growing record label for six years, ang LinkMusic Inc. Sa tulong ng pinsang si Jared de Veyra at ng magulang ay sinimulan niya ang pagiging producer. Ngunit bago iyon, isa siya sa founding member ng sikat na banda na sumikat noong mid-nineties hanggang early 2000s. Matagal na namayagpag ang karera niya sa naturang banda. Sa katunayan ay ito nagpasikat sa kanya kasama ng mga kantang isinulat niya. Kinailangan lamang nilang ma-disband nang biglaang mamatay ang kanilang bahista sa isang car accident kasama ng asawa nito. They thought of forming a reformed band but it was never been the same. Kaya nagdesisyon ang lahat na magkanya-kanya na lang.

And just like any other music man, he cannot stop playing as long as he can hear music. Kaya kahit hindi na active sa pagtugtog, siya naman ngayon ang sought-after album producer ng mga gustong sumikat at makilalang artist. Kahit ang mga legendary na sa music industry ay kinukuha ang serbisyo niya. At ang joint venture niya kay Roxanne Roswell na Roxy City Superlub na siya namang dinarayo ng maraming partygoers ay pinagpaplanuhan nang mag-branch out.

ROXY CITY SERIES 3: THEN ALONG CASSIE CAME (Published under PHR 2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon