Prologue

20.4K 345 15
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

"50 million. Just find my wife and our son. Let me know where are they now then you'll have that money. That's all." Lumabas ang litrato ko sa isang tv kung saan may announcement na nagmula. Nagsimulang magbulungan ang mga tao dito sa karinderya na kinakainan namin.

"50 million?! Ang laki non! Hahanapin ko talaga 'yang babaeng 'yan. Makakapagtayo na 'yata ako ng kumpanya n'yan!"
"Sa akin mapupunta ang pera dahil ang anak ko ay pulis, gagawin niya ang lahat para mahanap ang babaeng 'yan"
"Gagawin ko ang lahat para mahanap siya.

"Damn!" Bwisit talagang Callidon 'yon! Hindi na talaga kami papatahimikin. Tinignan ko si Callix na napatigil sa pagkain at nakatingin lang sa tv. He's my 6 years old son.

"Mommy! Is that you!" Masayang tinuturo ni Callix ang litrato ko sa tv.

"Hindi ako 'yan. You should wear this." Pinasuot ko sa kanya ang hoodie niya, pagkatapos ay isinuot ko naman ang akin.

"No mommy! Ikaw po talaga 'yon." Sumigaw siya at tumayo habang tinuturo ang tv.

"Callixton! Stop it!" Inakay ko na siya para makaalis kami.

"Mommy, I look like him! He's my daddy! He's my daddy!" Masayang sabi niya habang tumatalon. Napapapikit naman ako dahil nararamdaman ko na ang tingin ng lahat ng tao na andito sa karinderya.

"Callix. Pinapahamak mo si mommy. Kukuhanin niya tayo! He's a bad person! Let's go" Sabi ko habang kinakarga si Callix upang makaalis na kami dito.

"But mommy, I want to see him more. I want to know him more" Nagsimula ng humikbi si Callix ng makarga ko siya.

" You don't know him. Ayaw mo na ba sa mommy at hinahanap mo 'yang lalaki na 'yan?" Sinasabi ko 'yon habang isinusukbit ang bag ni Callix sa isang balikat ko.

"I love you mommy but I have a rights to know daddy." Napahinto ako dahil sa isinagot niya.

"Callix." Nakita ko ang mga mata niyang punong puno ng luha. Pinagmasdan ko ang mukha niya na kuhang kuha nung Callidon na 'yon. Bakit ba kasi siya pa ang daddy ni Callix?!

"Teka! Siya nga 'yung babae!" Napatingin ako sa mga taong papalapit na sa akin.

Nagsimula akong tumakbo habang karga ko si Callix.

"Habulin n'yo!"
"Tawagin niyo 'yung lalaking naghahanap sa kanya!"
"Hello sir, andito po 'yung hinahanap niyo."

Shit! Kailangan kong makatakas! Ayokong makita ang Callidon na 'yon! It's just me and Callix! Hindi ko na siya kailangan.

Ayoko ng makatagpo ang landas namin. I will keep running until you can't find us.

---

A/N: Hi guys! Thank you for reading po, uunahan ko na po kayo. Marami pong typo and grammatical errors sa story. Pagpasensyahan niyo na po 'yung mga mali. Promise po, i-edit ko po ang story kapag mas natuto pa po ako. Thank po sa pagbabasa. Hanggang sa dulo, matira matibay!

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now