Chapter 11

4.7K 128 14
                                    

XI- Without them.

Beryl's POV

Tatlong araw. Tatlong araw na ang nakakalipas ng umalis ang kumags. Medyo tahimik nga dito dahil wala sila dahil obviously, ang bahay na ito ay maingay lang kapag andito ang kumags dahil sa sobra nilang gulo.

Sa tatlong araw na 'yon, kwentuhan lang kami ng kwentuhan ni nanay Tess.  Katulad ngayon, syempre dahil madaldal ako, nasabi ko kay nanay Tess na naikwento sa akin ng kambal tuko ang about sa lovestory niya. Akala ko magagalit siya kasi medyo tsismosa ako sa part na 'yon pero hindi siya nagalit. Niyakap pa niya ako saka iniyakan. Sising-sisi parin daw siya sa nangyari. Hindi ko tuloy maiwasan na makarelate.

Baka kasi kapag sinayang ko pa ang panahon, mahuli na ang lahat at mapunta sa pagsisisi.

Natigil sa pag-iyak si nanay Tess saka ako kinausap about sa sarili ko. Halatang iniiba niya ang topic.

"Akala ko, aalis na ang kambal ng masabi ko sa kanila na hindi ko tatanggapin ang pera nila nung araw na dumating sila dito. Hindi ko nga sila dapat papapasukin sa loob ng bahay dahil andito ka. Parang nakahalata ang mga apo ko na may tinatago ako kaya pumasok na sila. Nagulat ako na magkakakilala pala kayo. Paano nga ba ulit kayo nagkakilala?" Tanong niya sa akin habang nakatingin kay Callix na nag-aaral.

Ginamit ko kasi ang modules na ibinigay ni Harris para kay Callix. Nagulat nga ako kasi pang-grade 3 na ang librong ibinigay niya kaya talaga todo ang pagtuturo ko sa kanya na agad naman niyang nakukuha. Anak ko 'yon eh. Kaya malamang sa malamang kasing talino ko 'yon hindi katylad ng ama niyang dependent tsk! Ngayon ay nagsasagot siya ng mga ipinasagot ko sa kanya.

"Schoolmates po kami nung kambal. Si Callidon po ay kaibigan nila kaya napalapit po ako sa kanilang dalawa. Lagi po kaming magkasama nung college days." Paliwanag ko sa kanya na tatango-tango.

"Salamat iha ha kasi kinaibigan mo parin ang kambal sa kabila ng ugali nila. Kasi alam ko naman na matitigas ang ulo ng mga 'yon at sobrang kukulit. Hindi ko nga malaman kung saan nila nakuha ang kakulitan nila. Eh 'yung Alrin ba, kaibigan mo din?" Tanong ni nay Tess.

"Sabi nila sa akin, college palang din daw ay kaibigan na nila si Alrin kaso hindi ko siya kilala kasi po sa may maritime academy daw po nag-aral si Alrin, seaman po kasi ang isang 'yon. Kahit kakakilala ko palang sa kaniya, ang gaan na po ng loob ko sa kaniya. Hmm. Katulad po nila kambal ang turing ko na po kay Alrin." Iniisip ko pa ang mukha ni Alrin habang sinasabi kay nanay Tess 'yon. Ang maloko niyang mukha pero sobrang amo. Kapag nga nilagyan mo 'yon ng wig. Magmumukhang babae 'yon. Pero may jowa pala ang kumag.

"Parang magkapatid nga kayong dalawa eh. Haha! O s'ya. Magluluto muna ako ng hapunan natin." Gusto kong mandiri sa sinabi ni nay Tess. Kapatid si Alrin? Hindi ako kumag na katulad niya!

Nilapitan ko na lang si Callix na abala sa pagsasagot.

"Tapos ka na ba d'yan sa pinapasagutan ko sayo" Sinilip ko ang ginagawa niya pero hindi siya nagsasagot. Nagse-cellphone. Ang cellphone niya ay ang cellphone ni Alrin. Ibinigay kasi ni Alrin ang cellphone niya, tumangi si Callix pero ibinigay parin ng kumag at sinabi na bibili nalang daw si Alrin ng bagong cellphone. 'Yung cellphone ko naman na bigay ni Harren, hindi ko naman nagagamit dahil medyo abala ako sa pag-aalaga kay Callix at pagtulong kay nanay Tess sa pag-harvest ng halaman niya.

"Callix." Tawag ko dito. Nagbabanta pero hindi parin niya ako pinapansin.

"Callixton." Tulalang tulala siya sa ginagawa niya sa cellphone. Ano naman kayang ginagawa nito?

"Philip Callixton!" Isinigaw ko na ang pagtawag ko sa kanya kaya agad niyang itinago ang cellphone na hawak niya.

"Tapos ka na ba kako sa ginagawa mo ha? One to fifty items 'yon at 20 minutes palang ang nakakalipas. Cellphone ka ng cellphone eh may sinasagutan ka pa. Math 'yan!" Sabi ko at agad na inagaw ang papel na sinasagutan niya.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now