Chapter 5

6.5K 175 18
                                    

V- Game of confession

Beryl's POV

Sabik na sabik na talaga akong matapos ang araw na 'to. Alam niyo ba kung bakit? Kasi pangalawang araw na ng pananatili ng kumags sa bahay ni 'nay Tess at sa wakas aalis na rin sila! Yeheeeeeyssss!

Nung time na nakipag-usap ang kumags kay Calli with my hard headed son-- Callixton ay nagalit ako sa kanila hindi nga nila ako ibinuking, inuunti-unti naman nila ang pagpapaalam na nasa tabi-tabi lang ako. Mga kumag talaga isinama pa sa kalokohan si Callix. Okay naman na kami, hindi na ako galit sa kanila dahil binilan nila ako ng favorite kong ice cream. Madali naman pala silang kausap eh.

Pagkatapos non ay pinagod nila ng sobra ang katawan ko. Naghabulan sa may tabing ilog at nagswimming na rin, tinulungang magharvest ng gulay si 'nay Tess at gumawa ng tree house sa puno ng acacia. As in tree house na isang araw lang namin ginawa kaya pagal na pagal ang katawan ko although hindi totally tapos pero naayos na lahat dahil nagpatulong sila sa kapitbahay. Sabi nila, 'dun daw ang magiging taguan namin if in case na may makakita sa amin. Um-order pa nga sila ng appliances at kinabitan ng electricity. Mga abnormal talaga pero ang laki ng utang na loob ko sa kanila.

Oo, pinapainit nila madalas ang ulo ko pero ang laki talaga ng naitulong nila sa akin. Naibalik pa namin ang pagiging close sa isa't-isa. Kahit nakakaburyo sa loob ng bahay dahil nga wanted ako at kailangang magtago pero dahil sa kumags, hindi na ako nabobored at ramdam ko na safe kami ni Callix dahil sa tulong nila.

Hehehe. Kumags na ang pangalan ng grupo nila para sa akin hehe.

Katulad ngayon, nasa kwarto kami ng kambal tuko at naglalaro ng snake and ladders amp! Mga bata talaga.

"Hey Callix beybe! Natapat ka sa ahas oh! Hahaha! Balik sa number 4!" Si Harren na inilapit pa ang mukha niya kay Callix at nilanas ang dila lara mang-asar. Nainis naman ang baby ko at isinungalngal sa mukha ni Harren ang board ng snake and ladders. Amp!

"Napakaboring naman ng laro na
'to at napakaisip bata ng mga kalaro ko. Akala naman cute kapag dumila eh mukha namang dog." Pagpaparinig ni Callix kay Harren na nagpatawa sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit parang nagbago 'tong anak ko ng mameet ang kumags. Ang galing na niyang mangbara.

Ewan ko na kung paano nila nagagawa pero parang pakiramdam ko ay ang saya-saya ko kahit na ang dami kong problema na kinakaharap ngayon. Dahil kasama ko sila.. masaya ako.

"HAHAHAHA amporkchop! Inasar mo pa eh tignan mo mga magulang niyan parehas na mainitin ang ulo." Si Alrin na inaasar asar pa si Harren. 'Yung isa naman ay mangiyak-ngiyak na hinahawakan ang mukha na nasungalngal ni Callix.

"Sorry twin pero- nakakatawa ka eh! Haha!" Si Harris na binatukan pa ang kakambal. Mga kumags talaga eh!

"Nako talaga! Kung hindi lang 'yan bata, nasungalngal ko na 'yan sa kanal! Anong ginawa niya sa gwapo kong mukha?!" Si Harren na mangiyak-ngiyak talaga.

Lagi talagang sumasakit ang ulo ko sa kakulitan nila pero wala e, masaya talaga ako kasama sila.

"Kasalanan mo 'yan. Bakit kasi inasar asar mo eh pikon 'yan. Mag iba nalang kasi tayo ng laro para hindi na mapikon 'yan si Callix sa mala-dog mong mukha." Tumayo ako at pumunta sa cr ng kwarto nila Harren habang hawak ang bote ng gatorade na iniinom ko kanina.

Nang matapos kong malagyan ng kalahating tubig ang bote ay bumalik ako sa pagkaka-indian seat sa ibaba ng kama. May carpet naman kaya no worries.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now