Chapter 23

4K 119 9
                                    

XXIII- Letter

Beryl's POV

"Mommy, I'm so excited!" Halos magtatalon sa saya si Callix habang isinusuot ko sa kanya ang bagpack niya.

First day na kasi ng school year at nagreready na kami ni Callix. I'm so excited about this day.

"Ako rin naman baby eh," nakangiting sabi ko sa kanya at hinarap sa akin upang ayusin ang kwelyo ng uniform niya.

Nang matapos sa pag-aayos ko sa kanya ay tinanong niya ako. "Mommy, magiging good ka ba sa akin?" Inosente niyang tanong. Napatawa ako.

"Magiging good si Ma'am sayo kapag good ka din. Good luck, Callixton!" Natatawang sabi ko. Parang natatakot naman siya. Mas napangiti ako dahil doon.

"Takot ka ba kay Beryl? Sabagay, nakakatakot naman talaga! Haha!" Biglang nagsipasukan ang mga kumags sa kwarto.

Mga bwisit!!

"Bakit kayo andito ha?" Nahihiya kong sabi. Nakasando palang kasi ako at hindi pa naiisuot ang uniform ko.

"Sobrang puti mo naman, Beryl!"
"Witwew!"
"Hoy mga gago, baka banatan kayo niyan!"

Mga abnormal talagaaaa!!!

Kaya dali-dali akong pumunta sa malaking salamin sa may closet at sinuot ang uniform ko.

I smiled widely when I saw myself in the mirror. Teacher na talaga ako. Finally.

"Tuwang tuwa si teacher Beryl ha? Bagay na bagay ang uniform sayo! Mas gumanda ka!" Sabi ni Harren at katulad ng ginawa ko kay Callix, inayos din niya ang kwelyo ng uniform ko.

"Kaso hindi ka cute dito sa ID picture mo. Haha!" Parang nagsusuot ng medalya ang ginawa ni Alrin sa pagsusuot ng ID ko. "Congrats," Ngumiti ako sa huli niyang sinabi.

"Naalala ko na tamad kang magsuot ng necktie nung college tayo pero ngayon, mukhang kailangan mo na talagang suotin 'to araw-araw." Tinulungan akong magsuot ni Harris ng necktie.

"Ano bang trip niyo ha? Ang aga-aga, gising na kayo." Naiinis na sabi ko. Quarter to 7 palang kasi.

Dalawang linggo ang lumipas ng makita ko si Calli at si Lux na girlfriend niya. Sinamahan pa ako ng kumags ng dalawang araw at bumalik sa Manila para magtrabaho. Ang dami nilang habilin sa akin. Tinulungan din nila akong magpasa ng requirements sa school pala ni Alrin at 'yun nga, official teacher na ako.

Pinilit kong alisin sa isip ko si Calli at ang girlfriend niya at naging abala para sa paghahanda sa araw na ito. Effective naman dahil mas okay na ako.

"Ihahatid nga namin kasi kayo e!" Kinarga ni Harris si Callix. Agad namang nainis ang anak ko.

"I'm not child anymore. I'm 7 years old already po!" Hindi magawang makapumiglas ni Callix kasi malakas si Harris. Ang galing talagang mang-asar nito.

"Sus! Nung birthday mo nga, nagpakarga ka kay Calli! Ang saya-saya mo pa nga non eh, tapos ako hindi." Pang-aasar ni Harris kay Callix pero napatigil ako.

"Hoy! Bibig mo masyadong pasmado, twin!" Inis na sabi ni Harren.

Pasimple naman siyang binatukan ni Alrin. "Abnormal ka 'no? Sinabi na nga na huwag ng ipaalala kay Beryl si Calli eh!" Bulong ni Alrin pero nadidinig ko parin.

"Tara na, baka malate tayo." Nauna na akong lumabas sa kanila. Hindi parin nakatakas sa pandinig ko ang mga bulong nila.

"You are so insensitive, tito Harris"
"Nawala tuloy sa mood si Beryl!"
"Kaya ka iniwan nung gerlpren mo eh!"
"Lol! Mga bwisit! Sorry na nga diba? Wala ng ungkatan ng nakaraan."

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now