Chapter 13

4.9K 135 19
                                    

XIII- Lie

Harren's POV

Hay ang buhay ay puno ng mga salita. Syempre kailangan mong magsalita para maging makulay ang buhay mo pero I'm not expecting a hurting words from my bestfriend Callidon. Anong connect ng mga pinagsasabi ko?

Sobrang nagalit si Callidon sa amin dahil sa tawag na 'yon. Galit na galit siya kay Alrin panget at sa aming mga kaibigan niya na walang kwenta.

Ang galing lang talaga nung panget dahil nalusutan niya ang tawag na 'yon. Akala ko kasi mabibisto na kami. Berly pa nga. Haha!

So 'yon nga, galit na galit sa amin si Callidon. Gustong gusto nga niya kaming sapakin eh.

Kasi nga diba sabi ni Alrin ay iuntog namin sa pader si Callidon baka daw matauhan. So hinawakan namin siya ni kambal at akmang iuuntog sa pader (kunwari lang naman) pero bago namin magawa 'yon ay nakatanggap na kami ng malakas at masakit na batok.

Alam ko na ang dahilan kung bakit siya minahal ni Beryl. Parehas sadista.

Galit na galit talaga siya sa amin. Sinabi niya sa amin na hindi na nga daw kami nakakatulong pero nagdaldalan pa rin kami. He even said to us that we are useless bestfriend of him. Hindi naman masakit. Sobrang sakit lang. Kahit naman kasi kami ay mga lalaking pogi ay nasasaktan sa mga salita.

Tinutulungan ko naman siya ah? Pinagod niya nga kami kahapon para maghanap sa kung saan-saan na pwedeng puntahan ni Beryl pero wala eh, hindi pa ba tulong sa kanya 'yon? Hehe. Hindi namin siya tinutulungan kasi mas pinapahirapan namin siya dahil alam naman namin kung nasaan ang taong hinahanap niya pero hindi namin sinasabi.

Kung alam niyo lang ay sobra-sobra ang guilt na nararamdaman ko. Kasi, pinapahirapan namin si Callidon na maghanap kay Beryl kahit alam naman namin kung nasaan siya. Ginagawa pa namin siyang tanga kakahanap dahil nga alam naman namin kung nasaan ang taong mahal niya, parang wala kaming kwentang kaibigan 'diba? Pero masisisi niyo ba ako--kami? Ayaw ni Beryl na magtagpo ulit ang mga landas nila at si Callidon ay nagbago na. Pero dahil magkaibigan kami, kahit hindi halata. Mahal ko si Calli-- as a friend kaya gagawin muna namin na maayos ang sigalot na ito bago namin sila paglapitin ulit.

Story telling muna ako. Hays.

Sa totoo lang, sobrang masayahin ni Callidon. 'Yung ngiti niya ay sobrang tamis dati. Naalala ko nga na dati ay mabait siya sa lahat kahit na sobrang tigas ng ulo, may mga oras nga lang na talagang mantitrip siya--kasama kami hehe.

Mukha siyang patapon pero ang dami na niyang natulungan. Ayaw niya ng ibang kaibigan dahil kaming tatlo daw ay sapat na pero approachable naman siya sa ibang tao. Kasama niya kami ni twin pati sa kalokohan-- hindi kasama si Alrin dahil iba ang school niya kaya hindi siya belong. Masaya na kami eh. Sobrang saya dahil totoo kami sa isa't-isa kahit puro kalokohan. Okay na samin kahit sabay-sabay kaming bumagsak sa school Haha! Nakakabonding naman namin si Alrin tuwing sunday sa bar. Susunduin namin siya doon sa maritime academy na school niya tapos mangchichicks--pwera kay Calli dahil he hates girls daw.

Mas lumabas ang kabutihang loob ni Calli ng dumating si Beryl sa buhay niya para tulungan itong makapagtapos. Laging nakangiti at sinasama si Beryl sa paggawa ng mabuting gawain. Si Callidon kasi 'yung tipo ng tao na Gago pero mamon ang puso. Unlike now. Gago na nga, naging bakal pa ang puso mas naging slow pa.

Siya ang nang-iwan pero siya ang gustong balikan anong klaseng pag-iisip 'diba? Naalala ko na naman nga ulit nung sinundo namin siya sa airport dahil after 7 years we will going to see Callidon's sweet smile again at sasalubungin niya kami with a hug.
Akala lang pala namin 'yon kasi ang ginawa niya sa amin pagkadating? Sinapak niya kami isa-isa dahil hindi daw namin binantayan si Beryl. Wala daw kaming kwenta. Sobrang pahiya kami sa airport non.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now