XLVII- Recognition
Beryl's POV
"Callix," Hindi niya ako pinansin.
"Callixton," Ulit ko pero tumalikod na siya. Ang cute niya talaga, lalo na dahil suot niya ang maliit na uniform at ayos na ayos.
"Philip Callixton," Tawag ko pa pero hindi niya talaga ako pinapansin. Yumakap lang siya sa tatay niya.
Nagtatampo kasi siya sa akin, tuwing may klase ko na lang siya nakakasama at kapag hapon pero tinutulugan ko siya dahil nga ako ang bantay ni Harris kapag gabi. 'Yan ang resulta ng isang linggo na hindi ko siya katabi tuwing gabi. Nagtampo na nga.
Lumapit ako sa kaniya at kinakalabit siya. "Sorry na, baby. Promise kapag okay na si tito Harris mo tatabihan na kita. Huwag ka na magtampo kay mommy, ikaw na nga lang baby ko o." Paglalambing ko. Mukhang effective naman dahil humarap siya sa akin kaya napangiti ako. Nakanguso pa rin siya. Ang cute niya talaga, Calli na Calli ang itsura.
"Hey! I am your baby too," Reklamo ni Calli at parang nagtatampo pa. Kinurot ko ang pisngi niya.
"Huwag ka na sumabay," Bulong ko at muling hinarap si Callix na ngayon ay nagtataka ng nakatingin sa akin.
"What happened to tito Harris, mommy? Hindi po ba siya okay? Bakit po?" Sunod-sunod na tanong niya kaya naman napaharap ako kay Calli na ngayon ay nakahawak na sa batok niya na parang may nasabi akong hindi maganda.
"Hindi niya alam?" Gulat na tanong ko at tumango siya. Hindi ko rin naman nasabi 'yon kay Callix dahil ang alam ko ay alam na niya. Hindi pala sinabi ni Calli.
Mas madalas na nakakasama ni Calli si Callix ng mga nagdaan na araw. Siya ang nag-aasikaso kay Callix kapag papasok ito sa school, ihahatid muna niya si Callix sa school bago siya pumunta ng Manila para magtrabaho. Hindi ko na kasi nagagawa 'yon dahil dinadala ko na ang uniform ko at mga gamit para deretso na sa school. Pagkatapos ni Calli na ihatid si Callix, magtatrabaho siya ng saglit sa Manila tapos babyahe pabalik ng Pampanga para lang sunduin kami mga bandang tanghali. Hindi ko nga alam kung paano siya nakakapagtrabaho ng ganoon kabilis. Magbabantay pa siya tuwing hapon sa hospital at babalik sa gabi para may makasama si Callix sa bahay nila nanay Tess. Nakikita ko naman na masaya si Calli dahil kahit papaano raw ay nababawi niya ang mga taon na hindi niya nakasama si Callix.
Napalingon si Calli kay Callix bago ako sagutin. "Yeah, because I can't let my son feel what I feel. Ayaw ko na maranasan niya na bawat oras ay iniisip ko 'yung aksidente. He's too young for that but he also need to know. Besides, his condition was already fine. Go, tell him." Seryosong sabi niya kaya naman kinuha ko ang kamay ni Callix at pinaupo siya sa kama.
"Baby, did you know the car accident that we always see in drama?" Inosente siyang tumango.
"Yes mommy. Why po? Don't tell me that's what happened to tito Harris po?" Gulat at malungkot na tanong niya.
"Oo, 'yun nga ang nangyari sa kaniya. Hindi pa nga siya gumigising, one week na. Kaya mag-pray na lang tayo para sa kaniya." Pandederetso ko sa kaniya.
Napatingin ako kay Callix at ganoon na lang ang guilt na bumalot sa katawan ko ng makitang nangingilid na ang mga luha ni Callix. Nakasibi at agad na namula ang ilong. Paiyak na.
"Hala, bakit Callix?" Nag-aalalang tanong ko.
Biglang tumulo ang isang butil ng luha sa mata niya. "That's explain why I had a dream about him. He's carrying me and we are happy in my dreams. Tapos po malalaman ko po na naaksidente po siya. Mommy.." Humikbi na si Callix kaya mas nag-alala ako.
YOU ARE READING
Just Keep Running from Billionaire
Ficción GeneralThe most successful business man, the multi-billionaire Callidon Wright had an announcement. Whoever finds his girl, Beriana Lyne Perez will be receiving 50 million pesos. Where his precious gem? What will Callidon do when he finds out that Beriana...