Chapter 20

4.5K 117 6
                                    

XX- Announcement

(Not edited. But still enjoy!)

Beryl's POV

Nakanguso ang kumags sa akin at palihim namang tumatawa ang anak ko. Pauwi na kami ngayon sa bahay dahil magaling na ako. Ayos yon dahil nakakabored talaga dito sa hospital.

" Ano? Ramdam mo pa ang sakit twin?" Dinig kong bulong ni Harris. Ano na naman ba? Grabe sila ah! Ang aarte.

"Oo tol, ramdam ko pa ang sakit. Grabe talaga, natulog na'ko at lahat. Ramdam ko pa rin." Madramang sabi nung bwisit na si Harren.

"Mga bwisit. Huwag nga kayong OA! Gisingin niyo na nga si Alrin ng makauwi na tayo!" Tinuro ko pa ang sahig kung saan sila natulog dito sa hospital room.

Grabe naman sila magreact, para naman ang sakit ng ginawa ko sila kung makapag-react. Hanggang umaga ba talaga mararamdaman 'yung ginawa ko? Hindi naman nga masakit 'yung ginawa ko ha!

Hinampas ko lang naman ang ulo nila ng pangbomba sa lobo. Hindi naman 'yon masakit ah? Over acting lang talaga sila!

Saka sila naman ang may kasalanan. Unuwi ba naman daw ng alas-diyes ng gabi. Wow lang talaga dahil ang sabi ko ay 6:30 na ang pinakalate na dating nila. Grabe, 10:00pm talaga sila dumating. Kaya ayan tuloy. Ginalit nila ako 'e!

Ewan ko ba naman kasi kung bakit sila ginabi ng ganon. Alam ko kasi ay alas-sais palang ng umaga ay umalis na sila dito. Na-abala tuloy si nanay Tess at magdamag ako'ng inalagaan kahit hindi naman talaga kailangan kasi okay na ako eh! Pero saan pa ba magmamana ang kambal tuko ng kakulitan diba? Joke! Pero sobra talaga akong nagpapasalamat sa kanila. Kasi kung hindi dahil sa kanila, baka lalo lang ako nasasaktan ngayon.

Sinamaan ko sila ng tingin ng makitang hindi nila ako sinusunod. Kaya ako nalang ang manggigising sa kumag na 'to.

"Hoy! Gising! Aba, ala-una na kaya ng hapon! Abnormal ka ba? Iiwan ka namin---hoy kambal tuko! Alis na nga tayo! Bahala na 'tong siraulo na 'to." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa higaan nila dito sa sahig at kinuha ang bag ng mga bago ko'ng damit na binili ng kumags. Galanti e!

"Ano na? Iwan na natin 'yan si Alrin James.  Uwi na tayo." Kinuha ko ang gamit ko at lalabas na ng hospital. Wala naman na kasing nakakabit sa akin na abala at pwede na talaga ako'ng umuwi. Sabi ni Doc. Cian okay na daw ako at siya na daw ang bahala sa lahat. Pati sa bayarin.

"Hmp, nagtatampo kami, Beryl." Nasa sofa sila pareho at halatang nagtatampo sa akin.

"Hindi ba ang usapan ay alas-sais ng gabi? Malinaw ang usapan natin diba? Anong oras kayo umuwi ha?" Nilagay ko muna ang bag ko muli sa higaan at pinamewangan sila. Mga abnormal eh.

"Ano? Ano'ng oras kayo umuwi? Ha?!" Paghahamon ko pa.

"Halas-ten." Pangagago ni Harren kaya sarkastik ako'ng tumawa.

"HAHAHAHAHA! Grabe nakakatuwa HAHAHAHAHAHHahampasin kita!" Kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para may makuha na bagay na ipanghahampas nga sa siraulo na 'to. Saktong nakuha ko ay ang tumbler sa side table ng sofa. Tumama 'yon sa ulo niya.

"Ahhhhhh!" Nanlaki ang mata ko makita siyang humiga sa sahig at hinawakan ang ulo.

Hala gag* ka Beryl!!

"Hala twin! Baka mamatay ka na! RIP twin. Ako nalang ang papalit na boyfriend sa girlfriends mo--ay wala ka pala non. Sige na twin, mahal kita." Sinubukan ni Harris na magbiro pero walang imik ang isa. Nanahimik nalang bigla.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now