Chapter 27

3.9K 111 18
                                    

XXVII- Attack

Beryl's POV

"Why don't you go for lunch, Ms. Perez?" Napatigil ako sa pagsusulat at napaharap sa lalaking kumakausap sa akin. Nakapalumbaba ito at titig na titig sa akin,

"Daren, ang dami ko pang ginagawa oh? Magche-check pa ako ng quiz ng mga bata. Makakakain naman ako 'e, hindi nga lang sa ngayon." Pinagpatuloy ko pa ang pagsusulat ng lesson plan at hindi pinansin ang presensya niya.

Isang linggo na akong pumapasok, at katulad ng sinabi ni Cian. Hindi muna ako pumasok nung monday at sinamahan ako nung mga kumags. Bumalik na din ang mga kumags sa Manila at nagtrabaho don.

Nalaman nila ang tungkol sa muling pagpapadala sa akin ng death threats dahil sinabi ko, wala na akong balak itago. Kaya naman kahit ayaw ko, mas madalas ko na silang makikita para daw masiguro nila ang kaligtasan namin. Katulad ngayon, dadating daw ang kambal tuko. Hindi dadating si Alrin dahil may byahe. Nasa puso talaga niya ang pagiging seaman

"May lahi ka ba, Beryl?" Napalingon ulit ako sa kanya kaya nakita ko ang maamo at mala-anghel niyang mukha. Na kapag tinitigan mo ay hindi ka magsasawa.

Ano na naman ba, Beryl?

"Wala. Hindi ko alam, galing ako sa ampunan 'e. Hindi ko alam kung may lahi ako kasi hindi ko naman kilala ang mga magulang ko." Natahimik siya at umalis sa pagkakatitig sa akin.

Tumikhim siya. " Sorry to hear that," Napapahiyang sabi niya.

Kaya naman ngumiti ako sa kanya, sana lang talaga hindi niya mahalata na peke, " Ayos lang, sanay na ako. Haha! Bakit mukha ba akong may lahi?" Kunwaring tanong ko sa kanya.

"Uhm.. mukha ka kasing hmm, may lahing Spanish? Grabe kasi, ang puti mo tapos napakatangos ng ilong mo. Sana all," Binatukan ko nga siya.

"Baliw! Wala ka bang trabaho ha? Bakit ka nanggugulo?" Inis na sabi ko.

"Aray ha! Napaka-sadista mo naman pala, nakatanggap ako ng unang batok mula sayo. How sweet!" Napakamot siya ng ulo niya kung saan ko siya nabatukan. Haha!

"Matuwa ka nga kasi nababatukan kita 'e, limang tao palang nababatukan ko," Pagmamayabang ko pa sa kanya.

'Yung lima na 'yon, sila Alrin, kambal tuko, Callix at.. Calli.

"Anong dapat kong ikatuwa, Beriana Lyne? Ang sakit kaya!" Natawa ako sa itsura niya, ang cute niya kasi.

"Kapag nabatukan kita, ibig sabihin, kumportable na ako sayo." Binalik ko ang aking atensyon sa mga paperworks na ginagawa ko. Kahit kasi nakakapagod, masaya ako sa ginagawa ko. Masaya akong maging isang guro.

"Edi ibig sabihin, kaibigan na kita?" Halata ang tuwa sa kanya.

"Oo naman," hay, kelan kaya siya aalis? Hindi ako makapag-focus e,

"Ibig sabihin, pwede tayong naging close?" Hindi ko parin siya tinitignan.

"Syempre," simpleng sagot ko.

"Edi ibig sabihin, pwede kitang ligawan?" Kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Ha?! Ligawan ka d'yan? Bugok, bumalik ka na nga lang sa table mo!" Natawa siya sa reaksyon ko at hindi ko matiis na hindi siya titigan.

Wala siyang malalim na dimple katulad ni Calli pero 'yung tawa niya kasi, mahahawa ka. Napaka-amo talaga ng mukha niya. Ang sarap niyang titigan.

Erase! Erase!

Bakit ko ba pinagkukumpara?! Saka bakit grabe kong i-appreciate ang pagmumukha nito? Baliw na 'yata ako.

Tawa parin siya ng tawa. "Tigilan mo ako, Daren Marlaux ah?" Tinignan ko siya ng masama.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now