Chapter 25

4.2K 144 21
                                    

XXV- Far away

Beryl's POV

"S-salamat po sa pagbibigay niyo ng kalayaan na gusto ni Alrin.. aalis na po ako." Walang lingunan akong tinalikuran sila at naglakad paalis.

"Wait, Beryl!" Mas tinusok ang puso ko sa mga salitang binitawan niya--ni Callidon.

Beryl, huh?

Hindi ko na siya nilingon at pinansin, umalis na ako sa malaki nilang mansion.

Gulong-gulo ang isipan ko at naglalagi sa isipan ko ang mga salitang binitiwan ni Alrin noon.

"And guess what? Sabi nila kailangan kong makasal sa business woman so what ever para sa partnership! Bwisit na kayamanan 'yan! Ginawa din nila sa'kin ang ginawa sa step sis ko. Alam mo kasi Beryl, kasal na 'yon arrange marriage din. Oh diba! Kahit hindi ko pa kilala step sis ko ay alam ko pa rin. Haha!"

Ginawa din nila sa'kin ang ginawa sa step sis ko. Kasal na 'yon arrange marriage din.

Si Luxury ang stepsister ni Alrin. Posible bang.. kasal na sila ni Callidon?

Iniisip ko palang 'yon. Masakit na sa akin. Paano pa kaya kung nakumpirma ko na.

Posible namang hindi si Calli ang asawa niya 'diba? Close lang sila ni Luxury kasi.. kasi parehas silang mayaman diba? Ganoon lang 'yon. Hindi sila mag-asawa.

Gusto kong lokohin ang sarili ko para maging magaan ang pakiramdam ko. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi sila mag-asawa ni Calli. Pero nakita naman ng dalawa kong mata ang totoo. Namulat na sa katotohanan ang mata ko na may asawa na 'yung taong mahal ko at ang masakit.. sa iba siya kinasal, hindi sa akin.

Sinabi ko sa sarili ko na sasanayin ko na ang sarili ko na mag-isa. Sinabi ko na iaalis ko na sa sistema ko ang nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi ko pala kaya.

Masakit.. sobrang sakit Callidon. Ano ba 'tong ginawa mo sa akin? Ano 'tong ginawa mo sa babaeng malakas ang loob at hindi basta-basta nasasaktan. Anong ginawa mo sa akin? Bakit ganito kasakit?

"Huy, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Harren ng makasakay ako sa kotse. Si Harris na ang nagda-drive ngayon at si Alrin tulala na nakatanaw sa bintana.

"May ayos ba na umiiyak ha?" Hindi ko na mapagilan na muling umiyak sa harapan nila.

"Oo naman! Kapag binigyan ng isang milyon, maiiyak ka sa saya!" Singit ni Harris.

"Harris naman 'e! Hindi ako nakikipag-lokohan." Umiiyak na sabi ko at pinunasan ang luha ko.

Kahit kailan talaga 'to! Wrong timing!

"Twin. Tigilan mo na." Seryosong sabi ni Harren. Napatiklop tuloy ang kakambal niya.

Magkaiba talaga sila kahit kambal sila. Si Harren ay mapagbiro pero madalas ay seryoso. Si Harris naman ay- hay, hindi na nagbago sa pagiging maloko.

Tumingin nalang ako sa may bintana at nag-isip ng malalim.

Sana pala nung naaksidente ako sa may puno, nagka-amnesia nalang ako. Para hindi ko na siya maalala. Para mapawi 'yung sakit na nararamdaman ko. Kaso ayaw kong mangyari 'yon. Ayaw kong makalimutan 'yung isang magandang regalo sa akin, si Callix.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now