Chapter 38

2.7K 92 22
                                    

XXXVII- Foundation

Beryl's POV

"Ayoko nga! Ikaw na lang, twin!" Inis na reklamo ni Harris at tinulak pa ang kakambal.

"Hindi ako mahilig magsalita sa harap ng tao. Ayaw ko. Si Alrin nalang," Masungit na sabi ni Harren sa kaniya.

"Ay, wala namang gan'yanan. Hindi ako magsasalita sa harap ng tao. Si Cian na lang, magaling magsalita ang mga doctor, 'di ba?" Nilingon ni Alrin si Cian na nanonood ng operation video sa cellphone.

Nag-angat si Cian ng tingin. "Si Calli na lang, siya naman ang pinakakilala sa atin." Binalik niya ulit ang tingin sa cellphone. Grabe talaga 'tong si Cian. Kakaiba.

"Damn." Inis na sabi ni Calli saka tumayo sa monoblock chair na hinanda ng school para sa kanila.

Nasa school kasi sila para sa foundation day. Nakakalungkot nga dahil hindi namin nakasama si Lux dahil may importante raw gagawin. Nasa isang room kasi kaming lahat. Actually dapat wala ako dito dahil ang room na ito ay para sa mga may-ari ng school, ang limang kumag na 'to ang nagmamay-ari ng school. Pinilit lang nila kami ni Callix na dito tumambay, wala naman akong magagawa sa kakulitan nila.

"Mga sir, limang minuto na lang magsisimula na po. Sino ba ang mag-o-opening remarks sa inyo?" Sarcastic na sabi ko habang pinagmamasdan silang lima.

Siguro kung 'yung ibang babae ako, maglalaway siguro ako sa harap nila. Ang lilinis at gugwapo kasi nilang tignan sa white foundation t-shirt namin na tinambalan nila ng jeans.

"Fine, ako na. Sumama kayo sa akin. Tara na," Inis na sabi ni Calli sa apat. Napapailing naman na sumunod 'yung apat.

Tinignan ko si Callix, nakasuot siya ng headset habang may pinapanood sa cellphone. Lumapit naman ako para tignan ang ginagawa niya.

Kinalabit ko siya. "Pumila na tayo do'n, magsisimula na ang foundation day." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Nagugulat naman niyang tinago ang cellphone niya ng makita ako saka naiilang na ngumiti sa akin.

"Hi mommy?" Naiilang niyang sabi. Mas nagtaka ako dahil sa inaasta niya.

"Callix, pwede ba na sabihin mo kung ano 'yung ginagawa mo?" Nakangiti ngunit sa loob ko ay nakikiusap ako. Bawat galaw niya ay tinitignan ko lalo't mukhang siya ang puntirya ni Luce.

"Mommy, hindi ko po pwedeng sabihin. Sorry po mommy," Mukhang hindi siya mapipilit na sabihin ang gagawin niya kaya naman napahinga na lang ako ng malalim.

"Just promise me na hindi ka mapapahamak d'yan ha?" Sabi ko sa kaniya habang nakaluhod sa harap niya at tinutupi ang mahaba niyang jogging pants.

"It's actually my surprise to y--- oh! Mommy, daddy's already giving his speech! Tara na po," Napakunot ang noo ko dahil nanguna na siyang maglakad palabas kaya inunahan ko siya at inakay.

"Huwag ka'ng lalayo sa amin, ha? Sasama kalang sa mga tito mo at kay Calli okay? Sa kanila lang." Seryosong sabi ko sa kaniya. Tumango naman siyang nakangiti. Napakainosente niya.

Inosente siya para idamay mo, Luce.

Inakay ko siya at medyo naging mabagal ang lakad namin dahil huminto si Callix sa tapat ng bulletin board sa may hallway. Naririnig ko na ang boses ni Calli na nagsasalita pero huminto pa rin kami ni Callix dito. Napangiti ako sa nakita. Nakahilera kasi ang mga picture nung lima. Ang bata nila tignan doon at lahat sila ay naka tuxedo.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now