Chapter 40

2.9K 90 8
                                    

XL- Fight back

Beryl's POV

"Bakit hindi pa tayo bumababa?" Seryoso na sabi ni Alrin kay Calli. Talagang nagalit siya sa ginawa ng step father niya kay Callix.

"We will wait for Luxury. We can't fire the gun without its bullet," Walang emosyon na sabi ni Calli ngunit ramdam ko ang galit niya.

Nasa driver seat siya, si Alrin ay nasa tabi niya at ako nandito sa backseat ng kotse. Hindi pa rin kami bumababa kahit na nasa tapat na kami ng bahay nila Luce. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa loob ng kotse.

Hindi naman ako mapakali dahil iniwan ko ang anak ko doon, baka kung ano na naman ang mangyari sa kaniya. Ngunit kapag naalala ko na bantay niya ang tatlo ay bahagyang nawawala ang pag-aalala ko.

Kailangan ko na rin harapin ang likod sa lahat ng mga nangyayari noon at hanggang sa ngayon. Kailangan ko ng malaman kung ano ang tunay niyang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.

Hindi pa rin talaga kumakalma si Calli, panay ang pindot niya sa cellphone niya at handa ng lumabas para sugurin si Luce. Dahil doon, lumapit ako sa upuan niya at bumulong.

"Ayaw ko ng gulo Calli. Mapapag-usapan ang mga bagay ng malinaw basta kalmado ang parehas na kampo. Walang mapapala ang pag-gawa ng gulo, mas makakagulo lang 'yon ng sitwasyon. Naiintindihan mo ba ako?" Seryosong sabi ko habang bumubulong sa tenga niya. Nakatingin naman ako sa salamin kung saan makikita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Kunot na kunot ang noo niya. Nagulat ako sa biglaang pagharap niya kaya nadampi ang kaniyang labi sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ang malambot na labi niya na nakadampi na sa labi ko. Biglang may kuryente na dumaloy sa akin at pinatibok ng malakas ang puso ko.

Naramdaman ko ang pangisi ni Calli kaya naitulak ko ang mukha niya saka bumalik sa upuan ko.

Ano 'yon?!

Bakit ngayon pa nangyayari ang lahat ng 'to?! Bwisit!

"Wrong timing but makes my head little cold right now. " Nakita ko ang pag-ngisi ni Calli. Napakagat pa siya sa labi niya.

"Konting respeto naman po para sa mga heartbroken," Sabi ni Alrin at umubo pa. Nagtataka ko naman siyang tinignan.

"Heartbroken? Bakit hindi pa ba kayo nagkakabalikan?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng mapait sa akin.

"Hindi na 'yata. Oh, ayan na pala si Lux e," Pag-iiba niya ng usapan. Nakita namin ang isang kotse na kakaparada lang. Bumaba nga mula doon si Lux.

Bumaba na kaming lahat para salubungin si Lux. Nakangiti siyang naglakad papalapit sa amin. Simpleng white dress lang ang kaniyang suot at nakaladlad ang mahaba niyang buhok pero napakaganda pa rin niya. May dala siya na envelope na sobrang kapal. Kinuha 'yon ni Alrin para hindi na siya mabigatan.

"Hi, ate, kuya, Phoenix! Bakit mo nga pala pinadala ang lahat ng 'to?" Takang tanong ni Lux pero nakangiti pa rin siya. Ang ganda niya talaga. Kapatid ko 'yan.

"May ginawa lang naman ang tatay mo sa anak ko at hindi ko 'yon mapapatawad. Ito na ang tamang oras para pagbayarin siya sa lahat ng ginawa niya." Seryosong sabi ni Calli. Ang kanina namang ngiti ni Lux ay nawala.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now