Chapter 7

5.3K 167 9
                                    

VII- Truth

Harris' POV

Hindi niyo nalalaman kung gaano ako kinakabahan ngayon!

'Yung mga kamay ko nanlalamig na. Ang bilis din ng tibok ng puso ko.

Paanong nangyari na andito na kaagad si Callidon? Argh! Ang balita talaga ay may pakpak! Napakabilis naman niyang nalaman.

Lahat ng tao ngayon ay naghahangad ng pera lalo na ang instant money! Kaya sa malamang at malamang may magsusumbong. Boset naman!

"Potek talaga! Ako nga munang maghahanap kay Callix tapos isasakay ko na sa kotse. Kayong dalawa na ang bahala kay Callidon at itaboy n'yo dito! Peste naman oh!" Sabi ni Alrin. Tumakbo siya at lingon ng lingon.

Tumingin ako kay Kambal na siyang nakausap ni Callidon. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya at parang nakikita ko rin ang sarili ko sa kanya-- hindi dahil sa kambal kami kundi dahil parehas kaming kinakabahan sa lahat ng bagay.

"I guess, we should see the monster, Harren." Sabi ko kay kambal at inunahan ko na siya palabas ng mall.

Sana lang talaga nahanap na ni Alrin si Callix! Nako naman, baka magkita pa ang mag-ama at 'pag nangyari 'yon. Game over na ang plano namin at mayayari pa kami kay Beryl. Saka hindi pa ito ang tamang oras para magkita sila.

Halos magkasunod na kami ni kambal na maglakad. Malalaki ang hakbang namin at parang may hinahabol sa bilis ng paglalakad. Kinakabahan talaga ako na makita ulit si Callidon.

Hindi kasi ako--kami sanay na magsinungaling sa isa't-isa except kay Callidon na parang misteryo na ang ginagawa niya para sa amin dahil hindi namin alam ang mga iniisip niya. Saka isa pa, masyado naming kilala ang isa't-isa at kaya naming malaman kung may tinatago ang isa't-isa. Solid namin 'diba? Pero mas gwapo parin ako sa kanila hehe!

Nang makalabas sa mall ay nakita ko na ang pigura ni Calli. Nakasandal siya sa kotse niya at halatang naiinis na sa paghihintay.

I-ready mo na Harris ang pag-acting mo. You're the most handsome actor for now! Dapat hindi niya mahalata na may malaking sikreto kang tinatago.

"Callidon my man!" Bati ko agad sa kanya at hinampas pa ang balikat niya. Inis naman akong tinignan nito.

Ngayon lang din natignan ng maganda kong mata ang porma ni Calli. Naka polo shirt at maong shorts lang ang mokong at wait there's more! Naka shades pa talaga!

Alam ko mall itong pinuntahan niya, bakit ang pormahan nito ay parang pupunta sa beach. Abnormal talaga

"Mukhang stress na stress ka brad ha?! Oh bakit ka nga pala andito? Namimiss mo na ba kaming mga kaibigan mo? I'm so touch." Si Harren na yayakapin na sana si Calli ng bigla itong suntukin sa braso si Harren. Sa itsura palang ni kambal ay alam ko na kung gaano kasakit 'yon. Ang harsh grabe!

"Where's Alrin James?" Walang emosyon nyang pagtatanong. Speaking of that kumag. Natatanaw ko si Alrin na nasa labas at kasama na niya si Callix. Medyo nawala ang kaba ko. Sinakay na niya sa kotse ang batang malikot. Hindi siya agad makapasok dahil inilalagay pa niya ang mga pinamili namin!

Potsa Alrin James! Bilisan mo naman ang paglalagay niyang fvcking groceries! Pare-parehas tayong mapapahamak niyan eh!

Grabe! Mabuti nalang at nahanap na niya agad si Callix. Thankyou talaga.

"Wait, is that Alrin? Sino 'yung kasama niyang bata?" Si Callidon na nakatingin din kay Alrin at Callix.

Oh, shit! Ang kupad kasi ni gago!

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now