IV- Talk to your dad.
Beryl's POV
Nasa napakagandang dining area kami habang nag-aalmusal. Medyo masama ang gising ko dahil aba'y paggising ko, pagmumukha ng tatlong kumags ang nakita ko. Hindi ka ba naman mabadtrip.
Ang ulam namin ngayon ay fried itlog at fries chicken. May sinigang na baboy din at 'yun ang ulam ko ngayon.
Kumain nalang ako habang kunot na kunot ang noo ko. Agad naalis ang pagkakunot ng noo ko dahil sa sobrang sarap ng pagkain! Takte! Anong pangalan ko?
"Ano masarap ba Beryl?" Tanong ni nanay Tess.
Tama! Beryl ang pangalan ko!
"Sobrang sarap p--" naputol ang pagsagot ko sa tanong ni nay Tess ng biglang may isa sa kambal tuko ang sumabat sa akin.
"Ang saraaaaap! Namiss ko 'to!" Si Harris na nagsasalita habang kumakain. Yuck! Ang baboy.
"Wala p're, nasa Pampanga tayo. Ano aasahan mo eh mga tao dito masarap magluto?" Si Alrin.
"Sus, si lola lang naman masarap magluto dito." Si Harren. Tinignan ko naman si nanay Tess na parang gustong kiligin sa sinabi ng apo niya pero pinipigilan lang niya ang sarili.
Aba? Kamusta naman akong kausap kanina ni nanay tess? Pero teka.. bakit parang namumula si nanay Tess?
Pabebe pa si nanay Tess. Ang tanda na eh!
"Tigilan niyo nga ang pagsasalita habang kumakain!" Si nanay Tess na parang galit na galit na ewan. Hays, nagtatampo talaga 'to.
"Sorry po." 'Yung tatlo na napayuko.
"Anong oras kayo uuwi? Hindi naman kayo mananatili ng matagal dito 'diba? 3 hours ang byahe niyo papunta ng Manila." Pfft. Parang pinagtatabuyan pa ni nanay Tess na umalis 'tong tatlo knowing na namiss niya rin tong kambal tuko.
"Lola naman parang galit na galit ka samin? Hindi muna kami aalis dito. Pupunta pa kami sa mall to buy something and to bonding with them. Mga 2 days din siguro kami magstay dito. Gusto ko ulit magswimming sa ilog!" Si Harren na tumayo na sa hapagkainan at umupo sa may sofa malapit din sa may dining area. Grabe yayamanin talaga 'tong mga Lozan na 'to. Ang ganda ng bahay eh!
"Malapit lang 'yata ang Arayat dito. Gusto kong makita sa malapitan!" Si Alrin na sinisimot ang buto ng friedchicken. Dugyot amp!
"I will like it too pero para pong mas gusto ko dito nalang mamasyal. 'Yung lugar po na 'to ay parang perfect na po!" Si Callix na hindi ko namalayan na tapos na rin palang kumain.
"Aba syempre apo, alaga kong lahat ng nakikita mong perpekto. Mamasyal kayo mamaya ng mama mo. Sandali lang ha? Magtitinda lang ako sa labas." Nakangiting sabi sa amin ni nanay Tess. Medyo binilisan ko ang pagsubo ng pagkain.
"Tapos na po ako, tutulong po kami nung kambal saka ni Alrin, 'diba?" Tinignan ko pa sila ng masama habang tumataas taas ang kilay ko.
"Hehe. Kahit naman Engineer na ako ngayon eh kaya ko paring magtinda huhu." Nakangiting sabi ni Harren pero agad na tumalikod at bumulong sa hangin. Abnormal.
"Kahit puro tubig ang kaharap ko madalas, eh kaya ko rin namang tignan ang mga gulay at ibenta." Si Alrin na nakangiting unggoy-- ngiting peke to be exact.
"Mga sukiii! Ay nakuuu bumili na kayuuuu!" Si Harris na agad na lumabas na kumembot kembot na parang bakla.
Mga abnormal na kumags!
YOU ARE READING
Just Keep Running from Billionaire
General FictionThe most successful business man, the multi-billionaire Callidon Wright had an announcement. Whoever finds his girl, Beriana Lyne Perez will be receiving 50 million pesos. Where his precious gem? What will Callidon do when he finds out that Beriana...