Chapter 46

2.6K 85 10
                                    

XLVI- Postponed

Beryl's POV

"Kapag may nakita akong magandang progress sa lagay ni Harris, pwede na magbantay ang isa sa inyo. But for the meantime, kung gusto niyo pwede naman kayong mag-stay dito sa kwarto ko. Kaso kita niyo naman, medyo maliit." Sabi ni Cian sa amin pagkatapos kumain.

"Okay lang, basta nandito kami." Medyo may kalakasan na sabi ni Alrin kasi siya ang nag-uurong ng mga ginamit namin na baso.

"Bilisan mo d'yan, pupuntahan na natin si Harris." Sabi ni Calli sa kaniya. Naramdaman ko na naman ang kamay niya na nasa bewang ko.

"Alam mo ang init na nga tapos nakalingkis ka pa sa akin, alis nga!" Inis na sabi ko kay Calli at inalis ang kamay niya na nasa bewang ko.

Ngumisi siya ng may tunog. "16 degrees ang temperature ng aircon, Beriana. Why are you feeling hot huh?" Tinuro pa ni Calli ang aircon dito sa kwarto ni Cian.

Nadinig ko ang mahinang bungisngisan ng mga kumags. Nang-aasar.

"Ahh, you are feeling hot when I am around. I understand now." At talagang kinindatan pa niya ako ha?

"Syempre naman, nag-iinit ako kapag nasa paligid ka." Pagsakay ko sa biro niya.

"Really?" Mukha siyang tanga na nakangisi.

"Really. Dahil 'yang ugali mo, nakakapang-init ng ulo. Bahala ka nga d'yan!" Inis na sabi ko at tumayo para tulungan si Alrin sa paghuhugas.

"Isa ka pa e, napakatagal mo na dito hindi ka pa rin tapos? Ano 'yan, labahin? Halatang hindi kumikilos sa bahay." Inis na sabi ko at tinulak siya papalayo sa maliit na lababo. Dahil tapos na niyang sabunin ang mga baso, ako na ang magbabanlaw.

Habang binabanlawan ko ang mga baso, napangiti ako ng maalala kung ano ang naging pag-uusap namin kanina habang kumakain, nakipag-asaran na sa akin ang mga kumags. Mukhang natauhan na talaga sila na hindi dapat sila magpakalugmok dahil sa nangyari kay Harris. Kailangan namin na maging malakas para sa kaniya.

Natapos na ako na magbanlaw ng mga baso kaya lumapit ako at nakisiksik sa mga kumags. Lahat kasi kami ay nakaupo sa kama ni Cian na masyadong maliit. Nasa unahan ako tapos katabi ko si Calli na automatic na nakahawak sa bewang ko.

"Bago tayo pumunta sa ICU, gusto ko muna linawin ang mangyayari sa atin." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Cian.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Taka 'kong tanong sa kaniya.

"Pinag-uusapan kasi namin kanina ang tungkol sa pagbabantay kay Harris. Makulit kasi ang tatlo na 'to e. Hindi nga kayo pwedeng magbantay sa ngayon at kung pwede naman na ay isa lang ang papayagan." Sinamaan pa niya ng tingin sila Alrin, Harren at Calli. Imbis na matakot ako kung paano siya tumingin ay natawa ako. Ang cute kasi ni Cian.

"Damn, don't smile like that to Cian, Beriana." Galit na sabi ni Calli at tinakpan ang mga mata ko. Pinalo ko 'yon at siya ang sinamaan ko ng tingin.

"Burn, haha!" Napatingin tuloy ako kay Harren ng marinig siyang tumawa at animong nang-aasar. Hindi lumalagpas sa mga mata niya ang tawa niya. Hindi peke pero hindi rin natural. Malungkot pa rin siya.

"Selos pa more. Wala kang laban d'yan kay Cian. Mayaman ka lang, sobrang gwapo niyan." Pang-aasar ni Alrin kaya nakatanggap siya ng batok kay Calli.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now