Chapter 41

3K 99 21
                                    

XLI- 2 months ago

Beryl's POV

"Class, please present your family picture. I will listen to your stories okay?" Nakangiti kong sabi sa mga estudyante ko habang nakaupo ako sa teacher's table.

"Start with you, baby," turo ko sa babaeng estudyante ko. Nakangiti naman siyang tumayo at pumunta sa gitna.

"Good morning, class. This is my family. Here's my daddy, my mommy and my two siblings. My daddy is always busy on his works po as seaman. Kaya po kami nila mommy, ate, at kuya po ang magkakasama araw-araw," Nakangiti niyang pagpapaliwanag sa amin habang ipinapakita ang malaking picture frame nila.

"So, Kris. Do you love your family?" Mahinahon kong tanong sa kaniya.

"I love them so much, teacher Beryl. They do everything for me because I am their baby," Nakangiti niyang sabi kaya naman napangiti ako.

"So sweet of you, thank you Kris." Tumango naman siya sa akin at umupo. Tumawag naman ako ulit at masaya silang nagkwento.

Marami ng nagpresent ng kanilang assignment. Minsan napapangiti ako dahil sa ikinukwento ng mga estudyante ko kung gaano sila kasaya sa pamilya nila. Minsan naman ay nalungkot ako dahil may mga estudyante ako na may namatay sa kanilang pamilya o iniwan sila ng kanilang magulang.

"Okay, thank you Vincent. Ikaw na, Callixton." Nakangiti kong sabi sa kaniya pero nawala ang ngiti ko ng makitang nakatingin siya sa bintana.

"Callix?" Ulit ko pero wala akong natanggap na sagot.

Lagi na lang talaga, palagi na lang talaga siyang hindi nakikinig sa akin!

Ang dami namang mamanahin na maganda kay Calli, bakit 'yung katigasan pa ng ulo tuwing nasa klase.

Kaya naman tumayo ako at kinalabit siya. Nagtataka naman siyang humarap na parang galit pa dahil inabala siya sa pagtingin sa bintana. Narealize niya na ako ang kumalabit sa kaniya kaya naman ngumiti siya sa akin na naiilang.

"H-Hi, mommy? Why po? hehe." Nahihiya niyang sabi. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"Teacher Beryl, Callix. At nasaan na ang assignment mo?" Sabi ko pa sa kaniya habang nakalahad ang mga palad ko.

"Ah! Right, assignment." Kinuha niya sa bag ang dalawang picture frame na ipinagtaka ko. Isa lang ang ipina-frame niya kay Calli kahapon. Nakakatawa nga dahil pinadala pa 'yon ni Calli sa bahay. Nasa Manila kasi siya, at hindi maibibigay kay Callix ng personal dahil busy ito. Bakit naging dalawa?

Nanguna na akong naglakad at muling umupo sa teachers table. Ngayon pa lang umalis sa upuan si Callix at taas noo naman siyang tumingin sa akin saka binigyan ako ng ngiti. Nakalagay sa likod niya ang frame kaya hindi ko makita.

Napangiti na lang din ako. Kapag nakikita ko talaga siyang masaya ay nahahawa ako. Muli ko na namang naalala ang nangyari sa kaniya nung nakaraang dalawang buwan. Tama nga si Cian. Pinahirapan si Callix ng matinding pagsakit ng ulo niya, ngunit dahil may doctor kaming kaibigan. Napagaling niya ng mabilis si Callix.

"Hey, palapag muna ha?" Tanong niya kay Kris at nakangiti naman itong tumango. Patalikod niyang inilapag ang frame para hindi ko makita. Tapos iniharap ang picture frame. Gusto kong mahiya ng makita 'yung pina-develop ni Calli na picture. Ang picture ay nung nasa garden kaming tatlo, nagpi-picnic kasi kami doon. Si Calli ang may hawak ng camera. Nakakandong si Callix sa kaniya at nasa tabi naman nila ako. Nakakahiya dahil nakadress ako doon. Minsan lang ako magdress at sa tingin ko ay hindi bagay.

"Hi classmates, hi mom--teacher Beryl, I proudly presented my assignment. So this is my family." Binigyan pa niya ng tingin ang picture frame.

"Mommy, kailangan ko pa po bang sabihin 'yung name?" Nahihiyang lumingon sa akin si Callix.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now