Chapter 43

2.9K 82 17
                                    

XLIII- Engagement

Beryl's POV

Sobrang takot ang naramdaman ko ng makita na wala ang mga kasama ko sa bahay at gulo-gulo pa ang mga gamit. Natatakot ako sa katotohanan na baka may nangyari sa kanila.

Pero bakit naiwan ako?

Kailangan ko silang mahanap.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa damo, pinunasan ko ang mga luha na tumulo sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka pilit na pinapalakas ang aking loob na makikita ko rin sila, na okay lang sila kung nasaan sila.

Naglakad ako papalabas ng gate para pumunta sa pinakamalapit na police station ngunit napahinto ako ng makarinig ng isang maganda at malamig na boses na kumakanta.

It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you
There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out

Sobrang sarap pakinggan ng kanta. Ang ganda kasi ng pagkakanta, pinapakalma ako sa hindi ko alam na dahilan. Nakarating din sa akin ang mensahe na hatid ng kanta. Dahil do'n, napalingon ako sa likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang mga ilaw na sunod sunod na nagbigay liwanag sa buong kabukiran na madilim. Doon ko nakita ang napakagandang disenyo ng buong bukid na unti-unting inilawan kaya mas pinaganda ang tanawin. Napakaraming lanterns na inilagay at ang ilaw na 'yon ay ang nagsisilbing daan para sa akin upang maglakad papunta sa hindi ko alam ang paroroonan. Napansin ko rin ang mga wooden tiles na alam ko'ng kagagawa pa lang. Sobrang ganda ng kabukiran ngayon. Nagliliwanag sa ganda, punong puno ng mga nakalutang na bulaklak.

Anong nangyayari? Kanina lang ay nawawala ang mga tao sa bahay tapos ngayon...

I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you

Sobrang lamig ng hangin ang sumalubong sa akin habang naglalakad. Sa bawat paglingon ko ay makikita ang mga naglalakihang lanterns na nakasabit at ang mga bulaklak. Sa nilalakaran ko naman ay may mga kandila na gumagabay sa akin para makapaglakad ako. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Ano na naman ba ito? Bakit naiiyak na naman ako.. hindi na sa takot kundi sa isang hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine
Oh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain

Mas namangha ako ng makita ang buong tao sa bahay na nakaharang na sa aking dadaanan. Iyon na siguro ang pagtatapos sa aking paglalakad. Nagulat ako dahil lahat sila ay nakasuot ng pormal na damit at nakangiti sa akin.

"Ano 'to?" Naiiyak na tanong ko sa kanila ng huminto ako sa harap nila. Pero walang sumasagot sa akin at nakangiti lang sila. Lahat ay may hawak ng bulaklak.

May ideya na ako, ngunit hindi ko maamin sa aking sarili. Naiintindihan ng puso ko ngunit hindi maproseso ng  utak ko para maintindihan

I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only
I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now