Chapter 17

4.4K 111 15
                                    

XVII-  Angry

Beryl's POV

Bumalik ang kambal tuko dito sa bahay nila nanay Tess kahapon tapos 'nagbonding' kami at nung naggabi ay nagalit sila sa akin dahil sa hindi pagsasabi about sa pictures.

Hindi ko naman sinasadya e.

Kaya kailangan ko talaga'ng magsorry sa kanila. Sila na nga lang ang nasa tabi ko, pinagtaguan ko pa ng sikreto'ng dapat ay hindi tinatago. Ano'ng klase ako'ng kaibigan?

Kailangan ko talagang bumawi. Kailangan ko dahil baka... masira pa ang pagkakaibigan namin. Aba! Hindi ako makakapayag don dahil sobra ko sila'ng pinapahalagahan. Oo, mahalaga sila sa akin hindi dahil tinutulungan nila ako, mahalaga sila sa akin dahil kaibigan ko sila.

Babawi talaga ako ngayon at sinimulan ko sa pagluluto ng almusal nila. Pero ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto ay ang mga kumags na... NAKAHUBAD! And take note, kumpleto na sila.

Nang pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa akin ang kambal---at si Alrin na nakahubad. Yes! It's Alrin James Garcia! Wala silang suot na damit tanging boxers lang.  Napansin ko din na may bag sila sa kama nila.. para'ng may lakad sila.

Halos mabitawan ko ang food tray sa nakita ko. Shems! Bakit ba ganito ang mga lalaki? Hindi ba uso sakanila ang mag-bihis sa CR? Shet!

Tanga mo din kasi Beryl eh! Hindi mo manlang inintay na pagbuksan ng pinto, binuksan mo agad!

"Ano ba Beryl?! Hindi ka ba marunong kumatok?" Galit na sabi ni Harris. Hala! Galit talaga sila sa akin.

"S-sorry, nagpaalam naman ako a?" Napapahiya'ng sabi ko.

"Nagpaalam ka nga, inintay mo ba ang permisyo namin na pumasok ka?" Pinalupot pa ni Harris ang twalya sa katawan niya. Halata'ng galit din.

"S-sige, labas muna ako ha?" Nahihiya kong sabi. Hindi naman na nila ako pinansin. Pati si Alrin parang walang naririnig. Hindi siya nakikisabat sa away namin katulad ng dati.

Siguro alam na niya at sabay-sabay silang nagalit sa akin. Nakakalungkot naman.

Nilapag ko muna ang pagkain sa lamesa at pinuntahan ang nag-aaral na si Callix.

"Baby, andyan na si tito Alrin. Puntahan mo nga tapos tanong mo kung galit ba siya sa akin." Hinalikan ko ang noo ni Callix. Unti-unti naman siya'ng sumunod.

Ilang minuto pa ako'ng nag-intay bago bumalik si Callix. Nang makabalik siya dito ay bumulong siya sa akin. "Mommy, sinundo lang po ni tito Alrin 'yung dalawa tapos aalis na sila, babalik na daw po sila sa Manila. Hindi daw po sila galit" Napalabas naman ako sa kwarto namin ni Callix ng madinig 'yon.

Wow? Hindi galit? Kaya pala.. kaya pala ang init ng ulo nila sakin

Aalis sila'ng lahat? Akala ko ba, 2 days pa sila dito? Akala ko ba tutulungan nila ako para sa birthday gift ko kay Callix?

Sobrang lungkot ang naramdaman ko ng pumunta ako'ng muli sa kwarto nung kambal. Hawak ko ulit ang pagkain na para sa kanilang dalawa. Dinagdagan ko nalang para kay Alrin.

Nang pumasok ako ay hawak na nila ang bag nila at nakatingin sa akin na walang ekspresyon ang mukha.

"Uyy. Sorry na? Hindi ko naman kasi sinasadya na hindi sabihin sa inyo ang tungkol sa picture e." Inabot ko pa ang food tray sa kanila.

"Talaga? Picture lang sayo 'yon? Baka nakakalimutan mo na 'death threats' ang tawag don. Nababaliw ka ba?bakit hindi mo sinabi samin?" Pasinghal na sagot ni Alrin. Alam na nga talaga niya.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now