Chapter 6

6K 169 14
                                    

VI- Shopping.

Beryl's POV

Nasa labas kami ng pinto nila Callix kasama ang kumags. Ngayon na kasi sila aalis at mamamasyal sa mall. Inayos ko muna ang damit ni Callix na kasamang inorder ng kumags kanina. Tinignan ko siya pagkatapos kong ayusin ang damit niya.

"Callix, huwag kang malikot please lang ha? Huwag ka ring sasama sa mga kalokohan ng tatlong 'yan. Kapag may ginawang mali, sabihin mo sa kanila ang pangalan ko titigil na ang mga 'yan. I love you Callix. Take care." Hinalikan ko siya sa noo. Tinitigan niya ako at ngumiti siya ng matamis sa akin . Err nakita ko na naman sa kanya si Callidon. Carbon copy talaga niya si Calli. Kaya paano ko makakalimutan ang mang-iiwan na 'yon?

"I love you too, mommy." Sabi niya at naglakad papunta sa kumags. Sumunod naman ako sa kanya at nakita ko na naman ang mga mukha nilang mapapangit. Tinignan ko sila ng masama. Kailangang mapaalalahanan ko ang mga ito.

"Hoy kayong tatlo! Huwag niyong bitawan 'yang si Callix dahil malikot 'yan. Huwag niyo ring gugutumin 'yan at huwag kayong magkakamaling gumawa ng katarantaduhan na kasama siya, naintindihan niyo ba kumags?!" Sabi ko at kumunot naman ang noo nila. Ano naman kaya ang problema nila?

"Kumags? Are you pertaining to us?" Sabi ni Alrin habang tinuturo-turo ang sarili niya at ang kambal tuko.

"Oo bakit totoo naman ah? Sige na alis na!" Tumalikod sila na parang may sama ng loob. Nagbulong-bulungan sila na naririnig ko naman or rather pinaparinig nila

"Grabe naman pala 'yang si Beryl. Siya na nga ipagbibili natin, kumag pala tayo sa paningin niya." Si Alrin na pinamulsa pa ang mga kamay sa pantalon niya.

"Siya na nga tutulungan natin eh. Hindi niya talaga tayo mahal." Sabi ni Harren na lumapit sa kakambal at hinawakan sa isang kamay si Callix.

" Akala ko ba naman, magiging sweet na siya pagkatapos ng ginawa nating pagyakap sa kanya." Si Harris na siyang may hawak sa isang kamay ni Callix. Mga bano talaga.

"Ano ba kayo mga tito's. Isn't obvious to you? Mommy loves us all don't worry. Hindi nga lang po siya showy." Boses ni Callix na parang ang saya-saya niya.

Napangiti ako sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko alam na ganon na pala ang epekto ko sa kanila. Akala ko kasi.. ginagamit lang nila ako para makapaghiganti kay Callidon pero mali pala ako.

Hinabol ko sila pero patuloy parin aila sa paglalakad.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Mag-iingat kayo duon ha? Bumalik kayo dito ng safe. Mag-enjoy kayo!" Sabay-sabay pa silang tumingin sa akin na parang gulat na gulat at natouch sa sinabi ko. OA talaga sila.

"Huwaaa! Akala ko wala ka ng care sa amin eh. I love you too." Tumakbo pabalik sa akin si Alrin na parang yayakap pero agad kong hinarang ang kamao ko sa mukha niya kaya napatigil
siya pero inilapit niya sa akin ang mukha niya. Nakita ko naman na sumunod ang kambal tuko.

" Oo, mag-iingat kami para sayo." Si Harris na inilapit pa ang mukha sa akin.

"Andito lang kami palagi para sayo." Si Harren na katulad ng kakambal niya, inilapit din ang mukha niya sa mukha ko. Kinarga niya pa si Callix para makalapit din sa mukha ko.

Matangkad silang tatlo kaya nakayuko lang sila sa akin pero malapit talaga ang mukha nila sa mukha ko. Para akong isang alipin na nakapaligid sa mga prinsepe. Mga gwapo naman kasi talaga sila---sobra! Dinaig pa nila ang mga artista. Si Alrin na sobrang gwapo sa light brown na mata niya. Sa mga mata niya na sobrang saya kapag tinignan mo, mapapangiti ka nalang dahil parang kumikislap 'yon. Si Harren at Harris na parehas na parehas ang gwapong mukha dahil magkamukha. Malilito at malilito ka talaga kung sino sa kanila si Harren or Harris pero kapag ngumiti si Harren, makikita mo ang pinagkaiba nila dahil sa malalim na dalawang dimples niya. At talagang maiilang at maiilang ka kapag tinitigan ka nila katulad ng ginagawa nila ngayon sa akin. Huwaaa! Umiinit ang pisngi ko!

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now