Chapter 1

10.7K 281 25
                                    

I

Beriana Lyne

Bwisit na lalaking 'yon! Talagang nagpatong pa sa ulo ko ng milyong milyong pera! Ipinagmamalaki pa talaga kung ano ang ipinalit sa akin huh?

Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating na sa dulo ng baranggay na napuntahan namin.

Wala naman ng sanang mga asungot na mukhang pera na maghahabol sa amin!

"Muntikan na tayo don!" Hinihingal na sabi ko at binaba si Callix. Pagod na pagod na ako at sobrang nanlalata dahil mabigat si Callix. Ang haba ng tinakbo ko.

"Mommy naman kasi, kung nagpahuli nalang tayo edi sana kasama na natin si daddy." Tinignan ko siya ng masama kaya naman napatahimik siya. Natakot ko 'yata

"Hindi mo alam sinasabi mo Callixton! Iiwan lang ulit tayo sa ere non!" Napanguso nalang siya at nagkutkot ng kuko niya.

Napakaraming humabol sa amin kanina. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatakas mula sa kanila. Ang dami kong sinuotan na eskinita. Hindi ko ininda ang pagod kahit karga ko pa si Callix na puro sinasabi ay " Mommy pahuli na po tayo!" "Daddy will protect us from them"

Hindi niya alam na nangiiwan sa ere 'yon! Ang galing magjowa tapos bibirahan ng layas!

Tumingin tingin nalang ako. Hindi ko kasi alam kung saan kami matutulog. Hindi ko alam kung anong lugar itong napasukan ko at hindi ko alam ang pabalik sa inuupahan namin. Naligaw ako inshort

Siguradong isusuplong ako ng may-ari ng paupahan na tinitirhan ko dati, mukhang pera pa naman 'yung ale na 'yon na napakanipis magkilay! Maghahanap nalang ako ng iba. Saan naman kaya may pauupahan----

House for rent.

Thank you Lord! Hindi ko akalain na hindi na pala ako maglalakad lakad para makahanap ng uupahan. Dahil nasa gilid ko lang pala.

Kumatok ako sa huling bahay na natapatan ko.

"3 thousand ang advance deposit niyo, kada buwan ay 3 thousand ang babayaran niyo. Hindi pa kasama ang tubig at kuryente doon" sabi ng matandang babae na may-ari ng mauupahan ko sana. Ang mahal ng upa niya. Ni hindi ko nga alam kung saan kukuhanin 'yong ipangbabayad ko. Bahala na!

Nasa dulo kasi ng baranggay na napuntahan ko ang bahay nila. Alam kong safe kami dito kung hindi magsusumbong ang matanda na ito. Sana.

Hinubad ko ang hoodie ko at hinarap siya.

"Uhm.. may issue kasi about s-sa akin na may naghahanap sa akin. B-baka naman po pwede--". Naputol ang sinasabi ko ng bigla siyang sumigaw.

O shit! Wala na, mahuhuli ka na.

"Ikaw 'yung babaeng may patong sa ulo na 50 million-- at ang batang ito ang tinutukoy na anak nung sikat na bilyonaryo na 'yon!" Hinawakan ko na sa braso si Callix para makaalis na kami. Hindi kami magpapahuli sa Callidon na 'yon.

" Salamat nalang po, sige aalis na po kami." Akmang lalabas na ako sa gate nila ng bigla nitong hawakan ang braso ko.

"Iha, matanda na ako. Kung isusuplong kita, aanhin ko naman ang malaking pera na 'yon kung mamatay na ako?" Sabi niya. Napaharap ako sa kanya at nakita ko ang matamis na ngiti niya. Masyado na nga siyang matanda.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now