Chapter 32

3.4K 108 5
                                    

XXXII- Explanation

Beryl's POV

Ako si Beriana Lyne Perez. Wala akong kinalakihang mga magulang at namuhay sa ampunan. Nagdesisyon akong umalis doon dahil gusto kong tuparin ang aking mga pangarap. Nag-aral ako ng kolehiyo at pinagsasabay ang aking pagtatrabaho para makatapos. Pero hindi 'yon sapat dahil sa dami ng gastusin, nag-apply ako bilang scholar sa aming eskwelahan nang ako'y nasa 4th year na. Nabiyayaan ako ng scholarship at sa wakas ay makakatapos, basta ay tulungan kong makatapos ang isang lalaking lugmok ang grades. Si Phoenix Callidon Wright.

Akala ko, mai-stress ako dahil sa dami ng dapat habulin ni Calli. Pero hindi, pinakita niya sa akin na nagbabago na siya. Naging masikap na siya sa pag-aaral. Habang tumatagal ang aming pagsasama, nahulog ako sa kanya. Hindi ko akalain na ganoon din siya sa akin. Habang patagal ng patagal, lumalalim ang aming pagmamahalan. Hanggang sa ibigay ko ang lahat sa kanya pati ang pagkakababae ko.

Akala ko mananatili kaming masaya, pero pagka-graduate namin ay nagpa-alam siya na aalis at pupunta sa ibang bansa para asikasuhin ang business nila. 'Yun lang at hindi na siya nagpakita at nagparamdam sa akin.

Ngayong araw ay magpapaliwanag na rin siya sa wakas. Alam kong higit pa sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo ang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Ngayon ko malalaman ang lahat.

Dumating na rin si Harren, gulat na gulat dahil nakitang gising na ang kaibigan. Kaya ngayon, seryosong nakaupo sa sofa sila Harren, Harris, Cian, Alrin habang si Calli naman ay nasa higaan niya. Ako naman ay nasa tabi niya at handa ng makinig sa paliwanag niya.

Tumingin siya sa akin. "Do you remember the time that we're reviewing for the examination that I will take?" Seryosong sabi niya sa akin. Inalala ko naman ang mga oras na 'yon.

F L A S H B A C K

Busy ako sa pag-gawa ng reviewer ni Calli ng bigla niya akong kalabitin.

Napaarko ang kilay ko dahil sa biglaan niyang pagkalabit sa akin. "Manahimik ka d'yan, magbasa ka!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi naman niya nakita. Nakatingala siya sa langit.

Ngumiti siya habang nakatingin sa mga ulap. "Sabi nila, libre mangarap," Napabuntong hininga nalang ako. Hindi na talaga siya magiging normal.

"Syempre, doon tayo magsisimulang magtagumpay. Kapag may pangarap ka, pagsisikapin mong tuparin 'yon hanggang sa maging matagumpay ka. Bakit na naman?" Taka kong tanong sa kanya.

Lumabas ang kanyang dimple sa tamis ng kanyang ngiti. "Ganoon ba?" Ngayon ay sa akin na siya nakatingin.

"Oo, magreview ka na, para kang bata." Pinapatuloy ko ang ginagawa ko at hindi siya pinapansin.

"So, you are free?" Natigil akong muli sa aking ginagawa.

"Oo, kaya nga ako andito 'e. Para turuan ka." Nagtataka na ako sa inaasta ni Calli.

"So you are free?" Nakangisi na siya ngayon. Hindi makapaniwala sa sinagot ko. May naiisip na naman siyang kalokohan.

"Libre ang mangarap 'diba? Ikaw ang pangarap ko e, so libre ka na mapasakin?" Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa sinabi niya. Tumitig ako sa mga mata niya na ngayon ay kumikislap.

"You're my dream that I want to reach. My dream is to be with you forever and claim you as mine, Beriana." Kumindat siya.

Abnormal talaga 'to.

Pero dahil doon, hindi ko na mapakalma ang nagwawala kong puso.

Nawala ang ngisi niya ng biglang may tumawag sa kanya.

"Si mommy, sagutin ko lang," Hinalikan niya ako sa noo. Napapailing nalang ako. He's really sweet, hindi ko akalain na ganito pala ang dating barumbado na si Phoenix Callidon Wright. Talagang nagbago na siya.

Patuloy lang ako sa pag-gawa ng kanyang reviewer para sa huling pagsusulit na gagawin niya next week. Doon masusukat kung karapat-dapat ba siyang magtapos ng kanyang kurso. Bumalik siya na gulo na ang buhok at sobrang frustrated?

"Okay ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Tanong na hindi na niya siguro kailangang sagutin, halatang problemado siya.

"Sorry, I really need to go home. I'll continue tomorrow okay?" Kinuha niya ang kanyang bagpack at muli akong hinalikan sa noo.

"Pero, Calli, s-saan ka ba pupun--" Pinutol niya ang aking sasabihin dahil hinalikan na niya ang aking labi.

"No matter what, I love you."

"I love you too, take care."

E N D

"That's the time I knew about our company nearest to it's bankruptcy. Nalulugi na kami no'n, Beriana at wala ng makakapigil. Kahit makatapos pa ako, kahit magpakadalubhasa ako." Ngumiti siya ng mapait. Hinawakan ang kamay ko.

"My mother that time is starting to be problematic, hindi niya alam kung paano iaahon ang kumpanya sa pagkalugi. Ilang linggo naman ay ga-graduate na ako, matutulungan ko na siya. Pero hindi umabot, nalugi na kami ng tuluyan. I'm really disappointed to myself, I can't do anything for the company. I leave the burden to my mother." Tinignan ko siya sa mata niya, bakas na sariwa pa rin sa kanya ang lahat kahit kulang walong taon na ang nakalipas.

"Mom's depressed after the company's downfall. Nagawa pa niyang magpakamatay. Ang sakit no'n Beriana, na makita ang nanay mo na sobrang nanghihina. Kaya kong gawin ang lahat para bumalik ang sigla ng kumpanya. Para maging masaya na ulit si mom. Ako ang humawak noon kahit na pauntu-unti ng nawawala ang kumpanya, kahit hindi pa ako graduate," Walang nakapagsalita sa amin.

Naghihirap na pala si Calli ng mga panahong akala ko ay masaya pa kami. Nagdurusa na pala siya ng mga panahong pinipilit ko siya na punan ang kaniyang tungkulin sa akin bilang kasintahan niya. Sorry..

Nung mga oras kasi na 'yon, madalas nagsasaya 'yung kambal tuko, si Alrin at si Calli sa bar. Hindi sila makapaniwala na may problema na pala si Calli. Ang galing niyang magpanggap.

Ako rin naman ay hindi nakaramdam na may malaki pala silang problema na kinakaharap noon. Kasi nga nagawa pa namin ang bagay na dahilan kung bakit andito ngayon si Callix sa mundo. Napakagaling, hindi namin nalaman na may problema siya.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now