Chapter 15

4.9K 122 10
                                    

XV- Unknown

(GET READY FOR THE ERRORS. SORRY)

Beryl's POV

Nakatingin lang ako sa kambal tuko na nakahawak sa mga bunganga nila. Gulat na gulat sila sa sinabi ko tungkol sa regalo ko kay Callix sa birthday niya. Hindi sila makapaniwala na payag ako'ng makipagkita si Callix sa tatay niya.

"Hala? Paano 'yung mga efforts namin'g ilayo kayo ha Beryl? Akala ko ba, ayaw mo pa'ng makita si Callidon kasi.. galit ka pa sa kanya. Pero bakit ka ngayon ay parang ang dali lang sayo na makipagkita kay Calli?" Si Harren. Pinipilit niyang ipakita sa akin na kalmado siya sa sofa na kinauupuan niya pero nararamdaman ko na gusto niya'ng magtanong ng madami. Makulit 'yan eh.

"Hay nako Harren, naiintindihan mo ba ako? Ang sabi ko si Callixton ang makikipagkita kay Calli. Hindi ako." Inirapan ko siya at lumingon sa kabilang gawi na mali pala. Ang lapit ng mukha ko kay Harris! Anak ng!

"Beryl naman? Bakit mo naisip ang mga bagay na 'yan? Papayag ka sa gusto'ng mangyari ni Callix? Makikipagkita ba siya kay Callidon?" Sabi ni Harris. Masyadong malapit ang mukha niya sa akin kaya hinawakan ko ang noo niya at itinulak palayo.

"Ano ba kayo? Ayun ang gusto ng baby ko sa birthday niya eh. 'Diba baby Callix?" Nilingon ko si Callix sa kabilang side.

"Yes mommy. That will served as the best gift I ever had po!" Masayang masaya ang boses niya, hindi maitago ang excitement. Hinarap ko ang kambal tuko

"See? Masayang masaya si Callix kaya anong karapatan ko para hadlangan ang kasiyahan na 'yon?" Natahimik ang dalawa sa sinabi ko. Parang tanga na tatango-tango pero hindi parin sang-ayon sa sinasabi ko.

Hay, nako. Kailangan ko'ng magpaliwanag sa kanila ng mabuti. Mga slow pa naman 'to. Manang-mana sa leader nila. Pogi nga, kaso makulit at hindi madaling makaintindi. Pero syempre, mababait naman sila at maasahan-- except sa leader nilang abnormal.

Hinarap ko si Callix na ngiting-ngiti at ginulo ang buhok niya. "Callix, baba ka muna dito sa tree house ha? Maglapaliwanag lang ako sa nga tito mo'ng tuko. Alam mo naman na tayo lang ang matalino dito hehe." Sabi ko kay Callix. Hindi naman na siya nagsalita at sumaludo nalang. Ramdam na ramdam ko ang saya niya.

"Beryl, alam ko naman na sobra'ng pogi ko eh. Pero ipaliwanag mo nga sa amin ang mga plano mo. Nakakakaba eh!" Si Harren na kumuha pa ng tinapay at lumaklak.

"Saka nakakapagtaka ka naman. Nung huling punta namin dito, masyado kang malungkot kapag naaalala si Calli. Tapos ngayon, humiling si Callix na gusto niyang makasama ang tatay niya ay sinunod mo naman, Siguro naman si Beryl ka pa no? Baka may sumanib na espirito sa katawan mo eh." Binatukan ko si Harris sa sinabi niya. Abnormal!

Umalis ako sa upuan na kinauupuan ko kanina at tumabi sa sofa kung saan sila umupo at inakbayan ko sila. Inilapit ko pa ang mukha nila sa mukha ko.

"Alam niyo kasi... may napaginipan ako. Nung mga panaho'ng hindi pa kayo bumabalik dito" Sabi ko habang iniisip ang panaginip ko. Lumayo sila ng bahagya sa akin at napayuko. Mukha'ng may problema sila ah.

"Bakit? Ano'ng problema niyo? Alam niyo, pwede naman kayo'ng magsabi sa akin e." Ngumiti ako at pilit pinatingala ang ulo nila'ng nakayuko.

"Saka na namin sasabihin kapag sinabi mo na sa amin ang dahilan mo kung bakit ka pumayag sa gusto ni Callix" sumeryoso ang kaninang mapagbiro na si Harris.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now