Chapter 34

3.2K 113 25
                                    

XXXIV- Jealousy

Beryl's POV

"Daren 'di ba sabi ko mamaya nalang ako magla-lunch? Bakit nagdala ka pa ng pagkain? A-alis kami." Napapahiyang sabi ko at tumingin kay Daren na ngayon ay nakangiti pa rin

"Late na kasi Beryl, baka gutom ka na. O baka si Callix gu--" Pinutol siya ni Callix sa pagsasalita.

"I'm not hungry po," Anak ng pating 'tong Callix na 'to.

Tinignan ko siya ng masama. Alam niyang bawal sumingit sa usapan ng matatanda pero ginawa pa rin niya.

"Sorry mommy, teacher Daren." Paghingi niya agad ng paumanhin.

"Haha! Okay lang 'yon, Callix. So ayaw niyo ba talaga? Late na kasi at baka gutom na kayo," Nag-aalalang tanong ni Daren. Kaya naman hinawakan ko siya sa balikat at binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Okay lang talaga, Daren. Aalis kasi kami." Sabi ko sa kanya.

"Ah ganoon ba? Tara! Samahan kita hanggang makalabas ka ng school. Baka mangyari na naman 'yung nangyari sa'yo." Nag-aalalang sabi niya at hinawakan ako sa kamay palabas.

"Hindi na, salamat talaga Daren. Ikaw, kumain ka na. Kanina mo pa kami pinipilit baka gut--" Napatigil ako sa pagsasalita dahil may kumatok na naman sa bukas na pinto ng classroom. Hindi pa bumibitaw si Daren sa pagkakahawak sa akin.

"Do you mind if I'll disturb you two?" Nagulat ako ng makitang andito na agad si Calli. Masama ang tingin niya kay Daren na ngayon ay nagulat sa nakita.

Nakasuot si Calli ng white t-shirt na hapit sa katawan niya. Nakatuck-in ang t-shirt sa kanyang black pants at naka blackshoes. He looks..hot?

Napatigil ang pagtitig ko sa kanya ng hatakin niya ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Daren at hapitin ang aking bewang. Tumibok ng malakas 'yung puso ko. Sa kanya lang talaga nagre-react ng ganito.

Nanatiling nakangiti si Daren. " I believe you are Callidon Wright?" Kilala niya talaga si Calli. Halos naman 'yata lahat kilala siya kasi.. bilyonaryo na siya. Nakakapanliit.

"Yes, I am." Simpleng sagot ni Calli. Ramdam ko ang inis sa paraan ng pagkakahawak niya sa bewang ko. Hindi naman ako nasaktan sa paraan ng pagkakahawak niya kaya hindi ko siya sasapakin. Baka mamaya, masapak ko na talaga 'to.

"So you become more successful because you already found Beryl, huh?" Napapikit ako sa narinig ko kay Daren. Alam din niya ang ginawang paghahanap sa akin ni Calli.

"What's wrong with that? She's gonna be my wife soon and Callixton right here is our son." Dahil doon, kinurot ko ang bewang niya na hindi naman niya ininda.

Ako? Your wife soon? Umasa ka!

"Oh, I didn't expect that." Napansin ko na nawala ang kaninang matamis na ngiti ni Daren at napalitan ng seryosong mukha.

"And there's one thing that you should expect. I am one of the fvcking owner of this school and if you lay your filthy hands on every part of my wife's body, you will wake up without everything. Don't test me," Nagtatangis ang panga ni Calli sa galit.

Nakakahiya naman 'to!

"Siraulo ka, tara na nga! Daren, huwag mong intindihin 'yung sinasabi niyan. Hindi lang 'yan nakakain. Sensya na talaga," Paghingi ko ng paumanhin. Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Calli sa bewang at hinawakan ko ang kamay niya pati na rin ang kamay ni Callix.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now