Chapter 30

3.7K 120 20
                                    

XXX- Confuse

Beryl's POV

Nanginginig ang tuhod ko habang nilalakad namin ang pasilyo ng hospital. Kasama ko ang apat na nasa likod ko at naglalakad papunta sa kwarto niya.

Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko na puntahan siya. Ilang buwan akong nagtago para hindi niya kami makita pagkatapos ay ako ang kusang pupunta sa kanya. Nakakatawa at nakakabaliw.

Iniligtas niya ako mula sa kapahamakan. Sinalo niya ang dapat na sa akin tatama. Gusto ko siyang pasalamatan sa ginawa niya sa akin, gusto kong kamustahin ang kalagayan niya. Gusto kong pagpaliwanagin siya sa lahat ng nangyayari ngayon. Gusto kong malaman ang side niya.

Gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan. Kung iniwan niya ba talaga ako para magtrabaho sa kumpanya nila o para maghanap ng bagong karelasyon?

"This is it." Sabi ni Cian nang huminto kami sa isang pinto.

"Are you sure you are ready, Beryl?" Tanong pa sa akin ni Alrin. Tumango ako.

"Masyado ng mabilis ang mga nangyayari. Kailangan ko ng alamin ang lahat. Ito na siguro ang tamang oras. Kapag pinagtagal pa natin ay baka  may mas masama pang mangyari." Sabi ko sa kanila. Napatango naman ang apat. Alam ang tinutukoy ko.

"Lead the door, Beryl." Sabi ni Cian. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat.

"Bakit ako? Eh ikaw ang doctor niya?" Taka kong tanong. Binatukan siya nung tatlo.

"Ah ako ba dapat? Haha!" Gusto ko siyang batukan pero hindi ko magawa. Pinanghihina ako ng kaba.

"Wrong timing ka,"
"Kung magjo-joke ka, 'yung nakakatawa ha?"
"Korni,"
"Tumigil nga kayo!"

Napailing nalang ako, kahit saan ay dala nila ang kakulitan. Binuksan na ni Cian ang pinto. Mas lumakas ang tibok ng puso ko ng marinig ang tuluyang pagbubukas ng pinto. Napaatras tuloy ako.

"Bakit ka umaatras? Wala pa naman siyang malay ah? Matagal pa 'yun magigising, hindi mo pa siya makakausap." Sabi ni Cian, nagbibiro na naman. Napaikot ang aking mga mata sa sinabi niya.

"Siraulo ka talaga, Cian." Nasabi ko na lang. Muli akong umabante papasok ng kwarto niya pagkatapos kong pakawalan ang aking malalim na buntonghininga.

Narinig ko ang pagsunod ng apat sa akin. Nagtatanong si Alrin kung ano ha talaga ang nangyari kay Calli. Wala namang sumasagot sa kanya.

"Sige! 'Yan tayo e. Kapag ako laging nagkukwento sa inyo. Bahala nga kayo." Umupo siya sa mahabang sofa na nasa harap ng tv. Nakasandal ang sofa sa higaan niya.

"Kasalanan ba namin na missing in action ka?" Sarkastikong sabi ni Harren.

Hindi ko siya matignan! Hindi ko siya kayang makita sa ganoong estado. Ako dapat ang nasa higaan na 'yan. Ako dapat ang walang malay ngayon at nakikipaglaban kay kamatayan.

Nanatili ako sa may tabi ng pinto. Nakatingin sa sofa na kinauupan na nila Alrin at ng kambal. Hindi ko kayang lumapit. Kasalanan ko ang lahat ng nangyari sa kanya.

May humagod sa likod ko. "Wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya Beryl." Sabi ni Cian.

Hindi ko naman siya sinagot. Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng luha ko.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now