Chapter 22

3.9K 107 11
                                    

XXII- Feelings

Beryl's POV

Ilang taon ko na bang hindi nakikita ng personal si Callidon?

Magwa-walong taon na.

"Lux! Bakit mo ako iniwan? Alam mo naman na kailangan mo ng kasama." Namigas ang katawan ko sa nadinig kong boses na papalapit.

"Hi there Phoenix! Look, may tumulong sa akin and she's familiar to me. Baka kilala mo siya?" Mas tumibok ang puso ko ng sobrang lakas dahil sa pangalan na nadinig ko.

Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang reaction ng sistema ko ngayon na nasa harapan ko na siya.

Hindi ako makagalaw dahil sa malakas na pagtibok ng puso ko na para bang lalabas na. Wala akong maisip na paraan kung paano pa makakaiwas. Bakit ganito? Bakit ganito parin ang nararamdaman ko?

Dapat hindi ko na siya mahal, dapat nakalimutan ko na siya dahil sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita. Ganito ba talaga? Pinapahirapan ako ng nararamdaman ko na 'to!

"Miss, anong pangalan mo?" Pagtatanong niya ulit. Napapikit ako sa tanong niya. Hindi ko siya kayang sagutin.

Nanatili lang akong tahimik at nakaharap sa kanya. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanya.

Maganda at maputi, bilugan ang mga mata. Maputla siya pero hindi nababawasan ang ganda niya. Hindi na ako magtataka kung sabihin niya na.. boyfriend niya na si Calli. Napangiti ako ng mapait.

Siya ba ang dahilan kung bakit ka umalis?

"My name is Luxury Grace Ruiz. Hmm, I don't know if I need to say this to you but I am the owner of Diamond Group. Do you know that company?" Walang bahid ng kayabangan na sabi niya. Ang boses niya ay parang anghel. Nakakapangliit.

Bagay na bagay sila. Parehas mayaman at may ipagmamalaki.

Hindi pa rin ako nagsasalita. Nakatingin lang sa kanya. "Oh Phoenix, why are you still there?" Tumingin si Lux sa likod ko. Kay Calli.

Nadinig ko ang footstep niya kaya naman todo ang pagyuko na ginawa ko ng mapunta siya sa tabi ni Luxury at nasa harapan ko na siya.

"He's Phoenix Callidon Wright, he's my h---" Hindi na naituloy ni Luxury ang sasabihin niya ng ialok sa akin ni Callidon ang kamay niya bagamat nakayuko ako.

"I'm Callidon and I bet you know me right, Beriana?" Mas kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

Bakit kailangang mangyari ang mga bagay na 'to?! Hindi pa ako handa para dito!

Kung alam na niya kung sino ako at ganon siya umasta sa harap ko ay bigla akong nakaramdam ng lungkot at galit. Sa ilang taon na pagkawala mo at pang-iiwan mo sa akin, magagawa mo akong harapin ng ganyan at magpakilala pa na parang walang nangyari sa pagitan natin.

Wala ng magagawa ang pagtatago ko, humarap ako sa kanila kahit na nararamdaman ko na ang namumuong luha sa mata ko. "I'm Beriana Lyne Perez, nice to meet you Luxury." Inalok ko ang kamay ko kay Luxury at hindi pinansin ang nakalahad na kamay ni Callidon. Tinanggap naman ito ni Luxury.

"S-so you are Beryl?" Nagtataka akong tumingin sa kanya.

Kilala niya ako?

Tumango nalang ako. Napansin ko ang pagbabago ng emosyon niya. Mula sa kaninang malawak na ngiti sa labi niya ay napalitan ito ng gulat at lungkot. Bakit? Alam ba niya ang tungkol sa amin ni Calli?

"Thank you very much Beryl for helping me." Makikita na sincere siya sa pagpapasalamat pero ang lungkot sa mukha niya ay hindi na nawala.

"Maliit na bagay lang 'yon. Masaya akong makatulong sa iyo. Kung okay lang pwede na ba akong umalis?" Kasi parang hindi na kakayanin ng puso ko ang nakikita ko.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now