XLV- Accident
Beryl's POV
Hindi makita ni Calli ang nasa loob dahil tinted ang salamin ng kotse. Kaya naman lumapit siya sa harapan nito kahit na maraming bubog ng salamin do'n. Hindi ko na nasubaybayan ang ginagawa niya dahil may nakapukaw ng pansin ko.
"Kitang-kita ko 'yung nangyari. Nandoon lang ako at nagtitinda!" Tinuro nung babae ang lugar kung saan siya nagtitinda. Hindi ko na napigilan na makisingit sa usapan nila ng isa pang babae.
"Ano po bang nangyari?"
"Medyo mabilis talaga ang pagmamaneho ng mga kotse dito dahil maluwag naman ang trapiko at walang masyadong sasakyan, saka wala namang pedestrian lane. Eh may biglang tumawid na bata. Mababanga dapat 'yung bata dahil hindi na kontrolado ng driver 'yung bilis ng kotse niya. Kaya siguro pinili na lang nung driver na ipabangga 'yung kotse sa puno kaysa sa bata. Napakalakas ng impact, tandang-tanda ko pa kung gaano kalakas 'yon! Nakakatakot baka patay na 'yung nasa loob, bakit kilala mo ba 'yung may ari n'yan iha?" Tanong sa akin nung babae.
"H-hindi... ko p-po a-alam,"
"Ah ganoon ba, kawawa naman kasi 'yung driver. Sa paghahangad niya na hindi mabangga 'yung bata, mas pinili niya na siya ang mapahamak. Sana ay inapakan na lang niya 'yung preno at hindi na ipinabangga ang kotse." Malungkot na sabi nung babae.
"Ano ka ba? Napakalapit na nga nung sasakyan niya sa bata baka nagpanic 'yung driver kaya nailiko niya at nabangga siya," Sabi nung isa pang babae.
"Ang driver lang naman ang makakapagsabi ng totoong nangyari sakaniya. Sana nga ay buhay pa. Mukhang hindi na makakaligtas o, nawalan na nga 'yata ng malay e." Naawang sabi ng matanda. Lalo tuloy akong kinabahan.
Tinitignan ko si Calli ngayon na may ginagawa sa loob ng kotse. Ramdam ko kung gaano kalakas ang pagtibok ng puso ko. Pagkaharap niya sa amin, puro dugo na ang kaninang puti niyang polo shirt.
May sinesenyasan siya kaya napatingin ako do'n. 'Yung ambulansya na may dala ng stretcher. May ibinulong si Calli sa nurse, tumango-tango 'yung nurse. Nilapitan ako ni Calli at niyakap, idiniin niya ang mukha ko sa dibdib niya. Para bang ayaw niya na makita ko ang kung sino na ilalabas sa sira-sirang kotse.
"He will be okay," Do'n palang ay tumulo na ang mga luha ko. Ayaw 'kong maniwala.
"C-Calli, hindi si Harris 'y-yon, 'di ba?" May halong pakiusap na tanong ko. Hindi siya sumagot at niyakap ako ng mas mahigpit ng pilitin kong silipin ang lugar kung nasaan ang kotse. Gusto 'kong makita kung sino 'yung naaksidente.
"Shh, susunod tayo sa kanila," Puno ng lungkot na sabi niya. Mas pinanghihina ako.
"B-bakit tayo susunod, Calli? Hindi naman natin kilala 'yung naaksidente 'di ba? Sabihin mo sa akin na hindi siya 'yon!" Sinubukan 'kong umalis sa pagkakayakap niya pero mas lalo lamang humihigpit 'yon.
"Sir, sasama po ba kayo sa amin?" Hindi ko makita 'yung nagsasalita dahil yakap ako ni Calli ngunit alam ko na 'yung nurse 'yon. Dahil napukaw ang atensyon ni Calli sa nurse, bahagya kong nasilip ang mga nurse na may buhat na stretcher. Hindi ko makilala kung sino 'yung nakahiga dahil punong-puno siya ng dugo. Humigpit ang paghinga ko ng makita 'yon. Ang sakit. Sobrang sakit.
"No, susunod na lang kami. Please bring him to the hospital that I said earlier, okay? Please, save him." Ngayon ko lang narinig na ganito ang boses ni Calli. Puno ng lungkot na may halong desperasyon. Dahil do'n nakumpirma ko na kung sino ang naaksidente.
YOU ARE READING
Just Keep Running from Billionaire
Genel KurguThe most successful business man, the multi-billionaire Callidon Wright had an announcement. Whoever finds his girl, Beriana Lyne Perez will be receiving 50 million pesos. Where his precious gem? What will Callidon do when he finds out that Beriana...