Chapter 37

3.1K 82 14
                                    

XXXVII- Callix

Beryl's POV

Siguro maituturing ko ang araw na ito bilang isa sa mga magandang araw sa buhay ko. Dahil unti-unti ko ng nalalaman ang nakatagong katotohanan tungkol sa aking pagkatao. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ako si Lauren Jaime, ang anak nila Laureen at Santiago Garcia. May dalawa rin akong kapatid na sila Alrin James at Luxury Grace. Hindi talaga ako makapaniwala.

Masaya ako dahil may mga pamilya pa pala ako. Ngunit agad nawawala ang saya sa tuwing naalala ko na inilayo ako ng isang tao na wala naman akong ginawang mali sa kaniya.

Mayroon pala talagang mga tao na ganoon, hindi sila nakukuntento sa kung anong mayroon sila at ginagawa ang lahat para makuha ang gusto nila kahit na alam nilang makakasira ito ng buhay ng iba.

Si Luce, dahil sa sobrang pagkagusto niya sa nanay ko pinili niya na gumawa ng hindi maganda para masira ang relasyon ng aking ina sa aking ama at ilayo nila ang pupwedeng makapagpabalik ng kanilang relasyon, ako. Inilayo niya ako sa pamilya ko.

Siguro, panandalian ko munang kakalimutan ang tungkol doon. Gusto kong maranasan na masaya at kumpleto kahit sa sandaling panahon lamang. 'Yung makakasama ko ang buo kong pamilya, mga kaibigan at ang aking anak.

Ngayon ay katabi ko ang dalawa kong kapatid sa sofa, parehas nilang itinaboy si Calli at Harris na nasa tabi ko para makatabi ako. Hindi nagpatalo si Calli kaya inusog na lang niya ang isang monoblock chair at umupo sa harap ko. Ewan ko ba kung bakit andito na naman sa Pampanga ang mokong na 'to. Kanina pa siya gamit ng gamit ng cellphone at hindi pinapansin ang pagkukwentuhan naming tatlo.

"Bakit parang namumutla ka, Lux?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya. Binigyan naman niya ako ng isang matamis na ngiti.

"Normal lang sa akin ang mamutla, ate," Walang bahid ng kalungkutan na sabi niya kaya mas nag-aalala ako.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may sakit si Lux. Ayon kay Calli, mahina ang kaniyang puso at nagkaroon na ng iba't-ibang complication dahil doon.

Alam kong gagaling siya.

"Mamaya mo na lang siguro ikwento 'yung iba, kumain na tayo. Sandali pupunta muna ako ng kusina, tutulungan ko si nanay Tess maghanda." Tinapik ko ang balikat ni Lux at dinilaan ko si Alrin na ikinatawa niya. Tumayo na ako sa sofa at akmang aalis na papunta ng kusina pero may hindrance.

Hindi nga lang ako makaalis dahil sa kamay na nakahawak sa isang kamay ko. Nanliliit ang mga mata ko na nakatingin kay Calli pero nasa cellphone ang kaniyang atensyon. Hawak niya ang kamay ko at ang isang kamay niya ang ginamit niya sa cellphone niya. Kunot na kunot ang noo niya.

"Calli, bitawan mo ang kamay ko."

Dahil sa sinabi ko, nagtaas siya ng tingin sa akin. Bigla siyang ngumiti ng makita akong naiinis.

"Saan ka pupunta?"

"Sa lugar kung saan wala ka, bitawan mo na ako." Inis na sabi ko.

"You don't have any choice because I will join you no matter what," Napairap ako sa sinabi niya saka pinilit alisin ang pagkakahawak sa kamay ko pero mas hinigpitan lang niya.

"Ano ba, Calli? Gusto mo bang makatikim ng suntok?" Inis na talagang sabi ko pero ang kumag ay ngumiti lang.

"Punch me then, I don't mind tasting your punch." Itinago niya ang cellphone saka humarap sa kambal na busy.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now