Chapter 29

3.7K 106 7
                                    

XXIX- Revelation

Beryl's POV

"Siguro ka bang hindi ka na magpapadala sa hospital iha?" Tanong ni nanay Tess.

"Ayos lang po talaga ako," I smiled to give her assurance.

Andito kami sa kwarto ng magulang nung kambal na pansamantalang naging kwarto namin. Nasa paanan ko sila Cian at ang kambal. Nasa tabi ko naman si nanay Tess.

Nakakapagtaka na ayos lang ako. Hindi sa gusto kong hindi maging okay pero nakakapagtaka lang kasi ang lahat. Alam kong may nadinig akong pagputok ng baril at nakita kong nakatapat na sa akin 'yon.

Paanong nangyari na kahit isang tama ay wala ako?

Paanong nangyari na wala akong malalang sugat na natamo.

Pero pinagpapasalamat ko 'yon. Sobra akong nagpapasalamat dahil walang nangyaring masama sa akin. Heto ako at buhay pa, makakasama ko pa ang mga taong mahal ko.

Umupo ako at humarap sa kambal. "Anong nangyari? Paano niyo nalaman na nasa school ako? Bakit andito kayo?" Taka kong tanong sa kanila.

Nagtaka ako dahil nagbalyahan sila.

"Ikaw sumagot hoy, ikaw unang lumabas sa atin," Si Harris

"Ayoko nga! Ikaw na," Sagot naman nung isa.

Pinagliitan ko sila ng mata. Nasindak naman sila sa akin.

"Eto! Eto si Cian ang may alam, hoy Graciano! Paano mo daw nalaman?" Sabi ni Harris.

"Si Cian ang tumawag sa amin. Dadalhin ka daw ng team niya dito sa bahay. Nasa mall kasi kaming lahat dahil dadating sila mommy, nagulat nalang kami sa pagtawag niya." Seryosong sabi ni Harren. Kaya naman hinarap ko si Cian.

"Iiwan ko muna kayo saglit para magkausap kayo, aasikasuhin ko muna sila Maria," Pagtutukoy ni nanay Tess sa magulang ng kambal.

Napalunok si Cian at tumingin sa dalawa na nanlalaki ang mga mata. "Uhm, tumawag kasi sa akin si C---" Magpapaliwanag na sana siya kaso bigla siyang pinigilan ng kambal at sumabat.

Kailan kaya sila magiging normal?

"Ay hahaha! Tumawag si Callix kay Cian. Sinabi ni Callix na uhmm.." Nabablangko at litong-lito na sabi ni Harris.

Halatang mga nagsisinungaling. Hindi nila ako maloloko.

"Magsabi nalang kasi kayo ng totoo. Pwede ba?" Inis na sabi ko.

Napayuko silang tatlo sa harap ko. Nagu-guilty ang mga mukha nila at pasikreto pang nagsisikuhan. Nagsisihan sila at ang sinisisi nila si Cian.

"Siguro.. saka nalang namin sasabihin sa'yo. Magpahinga ka muna. Pagod ka sa trabaho mo at sa nangyari," Sabi ni Cian.

"Ano pa bang magagawa ko? Ayaw niyo namang sabihin sa akin ang totoo. Ano bang masama sa pagsasabi ng totong nangyari ha?!" Tinignan ko pa sila ng masama.

"Sige, sasabihin namin ang lahat kapag nakapagpahinga ka na. Kailangan mo ng lakas." Sabi naman ni Harren. Pero nanatili ang masama kong tingin sa kanila.

"Sige, lumabas muna kayo." Tumingin ako sa bintana. Umaga na pala, ang tagal kong natulog.

"Pero---" Pinutol ko ang sasabihin ni Harris.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now