Chapter 36

2.9K 106 21
                                    

XXXVI- Lauren Jaime

Beryl's POV

"Lahat ng sasabihin ko ngayon ay totoo. Kayo na ang bahala kung maniniwala kayo o hindi," Puno ng sinseridad na sabi ni Lux nakatingin sa aming lahat.

Tinignan ko ulit si Calli na ngayon ay palapit na sa sofa. Seryosong-seryoso ang mukha niya at alam ko na maraming tanong ang bumabagabag sa kaniya ng marinig ang sinabi ni Luxury.

Umupo siya sa tabi ko "Hi, Beriana." Pilit ang ngiti na iginawad niya sa akin. Hindi na niya inantay ang sasabihin ko at hinarap na si Lux. Sumama ang mukha ko sa hindi ko alam na dahilan.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ka at may importante na sasabihin. Bakit, Lux?" Seryosong tanong ni Alrin sa kanya. Napayuko naman si Lux.

"This is my way to say sorry. Tutulungan ko kayo, hindi na ako magbubulag-bulagan." Sandali lang ang inilagi ng pagkakayuko niya dahil kinuha niya ang envelope at inilabas ang mga laman no'n.

"Sorry?" Takang tanong ko.

"Alam kong naguguluhan kayo. Ipapaliwanag ko ang lahat," Ipinakita niya sa amin ang isang papel at ibinigay sa akin. Nakita ko naman na sinilip ni Calli ang papel.

"Marriage certificate of Laureen and Santiago Garcia? I bet this is the marriage of Alrin James and Beriana parents, right?" Tanong ni Calli na ipinagtaka ko naman.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" Taka kong tanong sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin.

Parents daw namin ni Alrin? May alam din ba siya?

Ang alam ko, magkasama si Calli at Alrin sa pagpunta sa Ghals. Baka katulad ni Alrin, naniniwala din si Calli na magkapatid kami.

"Yes, dito tayo magsisimula dahil dito talaga nagsimula ang lahat ng maling nangyayari. Mommy and tito San was highschool and college lovers. Matagal silang naging magkarelasyon hanggang sa nakatapos sila." Paliwanag sa amin ni Lux na mas nagpalito sa akin ngunit pinili ko na lang na huwag magsalita at hintayin ang kasunod ng paliwanag niya. Alam ko ang tito San na tinutukoy ni Lux ay ang tatay ni Alrin.

"Sila pa rin hanggang nakapagtrabaho sila. Sabi pa nga ni mommy, walang nakakasira sa kanila. Ang lahat ng kinukwento ko ngayon tungkol sa kanila ay galing kay mommy kaya alam kong totoo ito. Back to the story, matagal silang nagsama hanggang sa nabuntis si mommy," Nakatingin lang kami sa kanya at nakikinig.

Bakit kailangan na ikwento niya ang tungkol sa mga magulang nila?

The real identity of ate Beryl. Narinig kong muli sa aking isip ang sinabi ni Lux pagkarating palang niya dito.

Makikinig ako, alam kong ito ang katotohanan. May tiwala ako kay Luxury.

"Sabi ni mommy, masaya daw sila noon ng malaman na magkakaanak sila, lalo na si tito San. Mas nagpursigi sa pagtatrabaho si tito San dahil tumigil naman si mommy. After 3 months, kinasal sila. Akala raw ni mommy ay doon magsisimula ang masayang pamumuhay niya kasama si tito San at ng kanilang anak pero nagkamali siya." Nalungkot ang mukha ni Lux. Halatang naging apektado siya sa pangyayari.

"D-Daddy is mommy's workmate that time. L-laging bumibisita si daddy kay mommy habang pinagbubuntis ang baby niya. That makes tito San jealous of daddy. Walang magawa si tito San dahil busy siya sa pagtatrabaho. Isang araw daw, umuwi si tito San sa tinitirahan nila ni mommy na galit na galit sa hindi malaman na dahilan. Tinanong daw siya ni mommy kung ano ang dahilan ng pagkagalit niya. May n-nagpadala kay tito San na pictures ni mommy at daddy na magkayakap at nasa iisang kama." May tumulong luha sa mata ni Lux habang nagkukwento at agad din niya itong pinunasan. Huminga siya ng malalim bago muling magsalita.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now